"the day after tomorrow" chapter 26.

171 5 0
                                    

A/N 

medyo pabibilisin ko ang mga pangyayari ha. kaya wag sana kayong maguluhan.

ENJOY READING!:)

.............................................

DIANNE'S POV

hay!....grabe nakakapagud naman pero ok lang nag enjoy naman ako sa korea. kadarating lang namin ngayon at mamaya ay new year na. mag papahinga muna ako dahil tutulungan ko pa si mommy sa pag luluto para sa noche buena.

"mommy ako na po mag hihiwa ng sibuyas."-sabi ko kay mommy.

"oh?? anong nangyari sayo bat ka umiiyak??"-tanong nya sakin. kaw ba naman mag hiwa ng maraming sibuyas eh. ewan ko lang kung di ka umiyak.

"hehe."-pinunasan ko yung luha ko. "ok lang po ako mommy. yung sibuyas kasi pina iyak ako."-sabi ko kay mommy na naka ngiti.

"hay nakung bata ito! ako na nga dyan."-bigla nyang kinuha sakin yung kutsilyong hawak ko dahilan para masugatan ako.

"a-aray."-sabi ko. nung makita ko yung dugo nanginig agad ako.

"baby. sorry hindi ko sinasadya."-biglang hinawakan ni mommy yung kamay ko. "kunin nyo yung medical kit,,, bilis."-utos ni mommy dun sa katulong. agad namang kumilos yung maid namin.

"mo-mommy...ma-may du-dugo. sobs."-idinikit ko yung mukha ko sa likod ni mommy at yung kamay ko naman hawak parin ni mommy. "ayoko ng dugo mommy.!"-sabi ko kay mommy. nanginginig na rin yung buong katawan ko.

"duanne??? duanne??"-narinig kong sigaw ni mommy. pero hindi na ako nakapag salita. hanggang sa-

naramdaman kong mahapdi yung kamay ko na nasugatan kanina. ng may marinig akong nag salita.

"meron syang amnesia."-napamulat naman agad ako ng mata ko.

"sinong may amnesia??"-napatingin naman silang lahat sakin.

"du-duanne.."-sabi ni daddy na nabubulol.

"sinong may amnesia? !"-pasigaw kong tanong.

"hindi nya ba alam na meron syang amnesia??"-napatingin ako dun sa nag salita. doctor ata yun dahil naka suot ng pang doctor. nakita ko namang umiling si daddy.

hindi ko na napigilan yung luha ko. kusa nalang tumulo. bakit ganun?? ang daming pasabog ng pagkatao ko??

"ba-bakit??"-nakaupo na ako ngayon sa kama pero hindi ko sila tinitingnan.

"nawalan ka ng malay kanina dahil natakot ka sa dugo. pero hindi mo alam kung bat ka takot sa dugo."-paliwanag nung doctor "yun ay dahil may isang pangyayari sayo na tungkol sa dugo kung bat ka takot na takot sa dugo.."-nag flashback sakin yung batang naglalaro kasama ng lolo nya at yung lolo nya tumama yung ulo sa bato dahilan para dumugo yung ulo.

"sa-sabi nyo sakin may lolo ako?? anong dahilan kung bat sya namatay??"-tanong ko.

"tumama yung ulo nya sa bato. "-sabi ni daddy. so totoo nga na tumama yung ulo ni lolo sa bato? at ako ang dahilan ng pag kamatay nya.

iyak ako ng iyak . hindi ko kasi matanggap yung nangyari. "kelan pa ko nag ka amnesia??"-tanong ko.

"nung 5 years old ka. nung nahulog ka sa balon."-another pasabog na naman. ang bata ko pa pala nung mag ka amnesia ako hanggang ngayon kaya pala wala akong maalala na nakasama ko si daddy nung bata pa ako.

"iwan nyo ko dito!"-utos ko sa kanila.

"duanne?? anak? ? im sorry hindi ko sayo nasabi dahil baka lalo mo akong hindi tanggapin."-iyak lang ako ng iyak. "sasabihin ko rin naman sayo kaya lang hindi ko pa alam kung kelan."

"Innocent Girl"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon