"the day after tomorrow" chapter eighteen. agawan mode xD

215 5 2
                                    

(A/N. tnx po sa nagbabasa ng THE DAY AFTER TOMORROW sana po mag comment naman kayo para malaman ko kung sino yung nagbabasa ng story ko at para rin po maka pag dedicate ako sa inyo. yun lang po. salamat.)

ito na po next update ko.))))))))

DANNY'S POV

"ang tagal naman ng babaeng yun.!"-tingin sa relo. 11:30 na.

nagpalakad-lakad lang ako sa harap ng kotse ko. haizztt.

bat ko ba kasi hinihintay yung babaeng yun??

sumakay na ko sa kotse ko at inistart ko na yung makina.

"arrrghhh. gusto ko ng umalis! bw*s*t talaga.! baka mamaya kung ano na ang ginagawa ng dalawang yun dun.??!"-pinatay ko ulit yung makina ng sasakyan ko at bumaba ako.

nagpalakad-lakad ulit ako. kahit ano mangyari di talaga ako aalis dito. hihintayin ko syang lumabas.

END OF POV

____________\___________________

JOHN'S POV

kanina ko pa sya hindi kinakausap pero ang daldal nya. hindi ba to nakakahalata na ayaw ko sya kausapin??

poke

poke

poke

"ano ba dianne?!"-saway ko sa kanya.

"bakit??"-tumingin sya sakin na parang di nya alam ang nangyayari.

"ang kulit-kulit moh!"-sabi ko sa kanya.

"eh!kasi naman ang tahimik mo! nakakainis kah!"-sya pa ang nainis sakin. eh sya nga itong ang kulit kulit. dapat ako ang naiinis sa kanya.

nandito nga pala kami sa kwarto ko gumagawa ng report dahil nandito yung computer ko.

hindi ko sya kinakausap dahil naiinis ako dun sa lalaking yun. ang tinutukoy ko yung lalaking nakasunod samin kanina.

nung pasakay palang kami ng jeep naramdaman ko ng may nakasunod samin. di ko lang sinasabi kay dianne.

"oy. san ka pupunta??? ang daya mo!! iiwan mo ko dito"- tapos bigla syang nag pout. ang cute nya tingnan para syang bata.

"tssss. para kang tang* dyan!"-bat yun ang lumabas sa bibig ko.?? "bat naman kita iiwan??-tanong ko sa kanya.

lumabas na ako ng kwarto ko. pumunta ako sa kitchen at kinuha ko yung pinagpuyatan kong gawin kagabi. binuksan ko yung ref at kinuha ko yun.

pagkakuha ko umakyat agad ako sa kwarto. nakita ko syang nakaupo sa pwesto ko.

"hoy!alis dyan.!"-tumayo naman sya.

"ang damot mo!! makiki upo lang eh.!"-sabi nyang ganun sakin. ako pa talaga ang madamot hah. napatingin naman sya dun sa hawak ko.

"ano yan?"-tanong nya sakin. hahawakan nya na sana ng-

"ooopppsss."-bigla naman sya napatigil sa pag hawak. " hindi ito sayo."-sabi ko sa kanya. at inalis ko yung takip ng lalagyan.

"waaaahhhhh. ice cream... penge ako."-tapos aagawin nya na sana yung kutsara sakin pero bigla ko namang naitaas.

"ang damot naman eh!!! nakakainis!!!"-tapos bigla syang umupo at nag pout.

"oh. ayan na. nahiya naman ako sa batang katulad mo na di pa nakakatikim ng ice cream."-kinuha nya naman yung ice cream.

°^_^° " thank you john."- sabay subo ng ice cream.

hindi manlang ako inalok. ang damot. kain lang sya ng kain. ako naman ito busyng busy sa pag gawa ng report namin.

pero ok lang yun. love ko naman sya eh. ano daw?? love ko tong babaeng pasaway na isip batang makulit na to?? tapos napatingin ako bigla sa kanya. sunod-sunod lang ang subo. parang gutom na gutom. hehe. nakakatuwa nga syang tingnan.

napatingin sya bigla sakin."naku.. sorry. naubusan kita."-sabi nya sakin. I know naman na sinadya nya dahil mukhang kulang pa nga sa kanya.

"ang sarap kasi. diba ganto yung ginawa nyo sa physics?? pero mas masarap to."-syempre. may halong pagmamahal yan kaya masarap.

ay naku. ang daldal na naman po nya. wala na kasing laman ang bunganga.

"umuwi ka na nga! "-sabi ko sa kanya.

"bakit?? di pa tayo tapos ah.?"- ayaw ko naman na umuwi na sya kaya lang lalaki ako at kami lang dito sa kwarto ko.

"ako nalang ang tatapos nito."-sabi ko sa kanya. tapos kinuha nya na yung bag nya. so? balak nya na talagang umalis.? hindi manlang ba sya mag sasabi na 'mamaya na kasi nakakahiya naman sayo.' o di kaya naman 'mamaya na ako aalis kapag tapos na to.' pero wala eh!! aalis na talaga sya.

ano pa nga ba aasahan ko.?? haizzt.

END OF POV

_________________________________

DIANNE'S POV

sabi ni john umuwi na daw ako. eh di umuwi at saka may pupuntahan pa kami after lunch kaya kailangan ko na rin umalis.

"oy. di mo manlang ba ako ihahatid sa labas ng bahay nyo??"- bigla naman sya tumayo at nauna pang lumabas sakin.

paglabas ko ng gate nakita ko si DANNY na palakad-lakad sa harap ng kotse nya. hindi ba napapagud tong lalaking to??

nung napansin nya ko bigla syang tumigil at lumapit sakin.

"ang tagal mo naman.! kanina pa ko gutom."-sabi nya sakin.

"bakit?? sino ba nag sabing hintayin mo ko??"-tinaasan ko naman sya ng kilay.

hinawakan nya ako sa right arm ko para hilahin pero may biglang humawak rin sa left arm ko. pag tingin ko si john. nakatingin kay DANNY at si danny nakatingin din sa john.

nagtitigan lang silang dalawa ako naman napa nga-nga sa kanila. ano problema ng mga to.

"ihahatid na kita dianne. "-sabi ni john.

"HINDI!"-nagulat naman ako kay danny dahil sumigaw sya kaya napatingin ako sa kanya.

hinila naman ako ni john. hinila rin ako ni danny.

"bitawan nyo nga akong dalawa.!"-sabi ko sa kanila.

"halika na dianne ako na mag hahatid sayo."- sabi ni john at hinila ulit ako.

"ang sabi ko HINDI! ako maghahatid sa kanya.!"sabi ni danny. at hinila nya ko dahilan para tumalsik ako sa dibdib nya.

ganto yung pwesto namin. yung mukha ko nakadikit sa dibdib nya sya naman nakahawak sa bewang ko. o my gulay. nahihiya ako xD

di ako makagalaw. para kasing ang sarap dumikit sa kanya.

maya-maya lang parang natauhan na ako at baka kung ano pa isipin ng kumag na to.

"aray ko naman! di mag dahan-dahan eh.!"- sabi ko sa kanya tapos humiwalay agad ako sa kanya at inalis ko yung kamay nya..

"halika na. gutom na ako."-hinawakan nya na naman ako sa braso ko at hinila.

"oy wait lang. "-sabi ko sa kanya. " mag papaalam pa ako kay john..oy ano ba!"-tuloy parin pag hila nya sakin papunta sa car nya. kaya sumigaw nalang ako.

"john. uwi na ako hah. salamat sa ice cream."-ngumiti lang sya sakin at nag wave.

_________________________________

A/N

ito lang po nakayanan kong iupdate ngayon. ginawa ko lang po ito kanina habang nakapila ako sa registrar para kumuha ng regs. form.

btw

sino po ang gusto nyo para kay DIANNE?? si DANNY PO BA O SI JOHN?? AND WHY??

COmment po kayo ah. para makapag dedicate ako sa inyo. mamatz po.^ ^

"Innocent Girl"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon