PROLOGUE

1.1K 16 2
                                    



A/N: This is a work of fiction. Any names, persons, characters, places, organization are purely coincidental.

@All Rights Reserved

*fluffyffet*










"Bes, alalahanin mong buntis ka, kaya dahan—"

"Wag mong sabihin na pini-pigilan mo ako, Stella?!" Huminto siya at bumaling sa kaibigan.

"H-Hindi...hindi naman sa ganon—" Tinalikuran niya ito at mabilis ang mga hakbang na nag patuloy sa paglalakad. "Pero bes, buntis ka! Pa'no kong may mangyari sa'yo na masa—"

"Kailangang mahuli ko sa akto si Norvin, bes! Hindi ako mapakali dahil marami na ang nag-sasabi!"

"Pero, bes, kumalma ka muna, okay? Makakasama 'yan sa dinadala—" huminto siya sa paglalakad, napatingin naman ang kaibigan niya sa direksiyon na tinitigan niya. "B-Bes.."

Hinawakan pa siya nang kaibigan niya para 'wag ng sumugod, pero mabilis niya itong iwinakli. Mabibilis ang mga lakad niya papalapit sa kina-roroonan ni Norvin at ng babae nito. So, totoo pala na may babae siya?! Nagulat din si Norvin ng makita ang asawa nito na nakatingin na sa kanya nang masama. Napatigil naman sa pag-pasok ang babae nito sa kotse at napatingin sa kanya nang mapatigil ito.

"Babe? May problema ba?" Tanong pa nang babae nito sa kanya.

Napa-singhap naman si Rhena nang marinig ang sinabi nang babae sa asawa niya. "B-Babe?!" Hindi maka-paniwala nitong tanong sa asawa. Hinawakan naman siya nang kaibigan para pakalmahin, pero hindi 'yon sapat para kumalma siya.

Lalapitan sana siya nang asawa, nang higitin ito nang babae niya habang naka-hawak pa sa braso nito. Napabaling naman ang tingin nito sa naka-hawak na kamay ng babae. Parang gusto niya na matawa dahil sa sitwasyon. "Kilala mo ba siya, babe??"

Naikuyom naman niya ang kamay niya dahil sa galit. Hindi ba alam ng babae niya na may asawa na siya?! Hindi na siya nakapag-pigil at mabilis silang sinugod. Agad niya na sinampal ang babae, na ikinagulat nito.

"Bes!"

"Rhena!"

Mabilis na dinaluhan ng asawa niya ang babae nito. Naka-hawak ito sa pisngi niya at parang hindi pa rin maka-paniwala na sinampal siya.

"Hindi mo ba alam na may asawa na itong kinaka-lantaryo mo?!" Gulat naman na napa-tingin sa kanya ang babae. "Hindi mo alam??" Hindi maka-paniwalang tanong nito sa kanya.

"N-Norvin...a-anong..anong ibig sabihin nito??" Nagu-guluhan nitong tanong sa lalaki.

"Let me explain—"

Agad na tumama sa pisngi niya ang kamay ko at hindi na naipag-patuloy ang sasabihin. Napa-hawak ito sa mukha niya dahil sa malakas kong sampal. Ang kapal naman ng pag-mumukha niya na sabihin 'yon sa harapan ko! Sino ba ang asawa niya sa aming dalawa?!

"Rhena!" Galit itong tumingin sa'kin.

"Ang kapal naman ng pag-mumukha mo, Norvin! Siya ba ang asawa mo para marinig ang eksplenasyon mo?!" Pakiramdam ko parang ako pa ang nag-mumukhang kabit dito.

"Can you please stop, Rhena! Sawang-sawa na ako sa'yo!" Sigaw niya sa'kin.

"Kaya ka nag hanap ng panibago?! Ganon ba, ha, Norvin?!!" Malakas naman na sigaw ko sa kanya.

"Bes.." naka-hawak pa rin ang kaibigan niya sa kanya.

Mabilis ko na sinugod ang babae niya at malakas na hinawakan ang buhok nito. Pareho naman kaming pini-pigilan ni Norvin at Stella. Patuloy lang ito sa pag-sigaw dahil sa malakas kong pag-sabunot sa kanya.

"Rhena!!" Agad na puma-gitna sa 'min si Norvin at agad kaming pinag-hiwalay. Dahil sa lakas ng pag-hawi niya, ay pareho kaming natumba, ngunit nasalo ako agad ni Stella dahil nasa likuran ko siya. Samantala, ang babae niya ay naka-upo na sa sahig. Pero agad kaming nataranta nang makita na huma-hagulhol na ito habang naka-tingin sa mga hita niya na dinudugo na. Mabilis itong nilapitan ni Norvin at agad na binuhat. Agad niya itong ipinasok sa loob ng kotse.

"Norvi—"

"Kapag may nang-yaring masama sa anak namin, 'wag kanang magulat sa gagawin ko." agad itong pumasok sa loob ng kotse at pina-harurot na ito palayo.

Parang nabingi naman ako dahil sa sinabi n'ya. A-Anak nila?? M-May...may anak sila?!

"Bes—"

Agad akong napa-yakap sa kanya at huma-gulhol ng malakas. "B-Bes...hindi ko pa nasa-sabi sa kanya na buntis—"

"Ano?!" Agad itong humiwalay sa pagkaka-yakap ko. "Hindi mo pa nasa-sabi sa kanya na buntis ka?!"

Umiling naman ako habang pinu-punasan ang pisngi ko. "H-Hindi pa...nata-takot ako..nata-takot ako na baka hindi niya ako paniwalaan. Alam mo naman—"

"Sssh, 'wag kanang umiyak, okay?" Niyakap niya ako. "Kailangan mo pa rin na ipa-alam sa kanya na buntis ka—"

"Pero, pa'no na ngayon, bes?? Pa'no ko na sa-sabihin sa kanya??"

Humiwalay siya sa pag-kakayakap at tinignan ako nang seryoso sa mga mata. "Tandaan mo, ikaw ang legal na asawa."









"Rhena!" Mabilis akong napa-tayo sa pagkaka-upo dahil sa sigaw ni Norvin.

"Norv—"

"Get out!" Sabay turo niya sa pintuan.

"Nor—"

"I said, get out!" Ang malakas na sigaw lang nito ang madi-dinig sa buong sulok ng bahay.

"Ano bang problema mo?! Bakit mo ako pinapa-alis?!"

"Ayokong makita ang pag-mumukha mo!! Umalis ka na!!"

Nilapitan ko siya. "Asawa mo ako, Norvin!! ASAWA AT HINDI KABIT O BABAE MO!! May karapatan pa rin ako sa bahay na 'to!!"

"Kong ayaw mong umalis, then fine! Ako ang a-alis!" Mabilis niya na tinungo ang pintuan.

Agad ko naman siyang hinabol at hinawakan ang braso niya para pigilan siya. "Norvin.." nakiki-usap na sambit ko sa pangalan niya. "Norvin, isipin mo ang mga sinumpaan natin! Isipin mo ang mga ipinangako mo sa'kin! Isipin mo na asawa mo ako!" Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Mas pipiliin mo pa ba ang babaeng 'yon, kesa sa totoo mong pamilya?!"

Agad niya na hinawakan ang kamay ko at kinuha sa braso niya na naka-hawak. "Sana naisip mo din 'yan bago mo ako ginago."

"Norvin! Norvin!" Patuloy kong pag-tawag sa kanya. Hindi ito lumingon at patuloy lang na nag-lakad palayo.


"Buntis din ako, Norvin, at ikaw ang ama nang dina-dala ko." Mahina kong sambit sa hangin.

The Pleasure RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon