IV. Dark
"ANG ganda mo Emmy," madamdaming wika ni Xander pagkatapos namin magsayaw.
Ramdam ko ang pagkalat ng init sa aking mukha kaya naman agad akong umiwas ng tingin at bumitiw sa kanya. Ayan na naman si Xander sa mga salita niya na hindi niya alam ay may kung anong epekto na naibibigay sa akin.
Pagkatapos ko bumitiw sa kanya ay agad akong tumalikod at dumiretso agad sa bench kung nasaan ang mga gamit ko. Oo, umiiwas ako. Mahirap na at baka mamaya namumula na naman ang mukha ko tapos pag nakita na naman ni Xander aasarin na naman ako noon na may gusto ako sa kanya at kinikilig ako sa mga bulok na banat niya.
Nang medyo nakalayo na ako sa kanya ay agad ako bumawi. "Pangit ng banat mo!" sigaw ko habang nakatalikod pa rin ako.
"Oy! Totoo kaya 'yun!" sagot niya pa bago tumakbo papalapit sa akin at inakbayan ako.
Agad naman akong nahiya sa pagdikit namin kaya naman umakto akong naiinis bago ko siya mahinang itinulak papalayo sa akin.
"Oo na, sige na! Lumayo ka muna sa akin Xander at amoy pawis ka!" pagtataboy ko sa kanya ay inalis ang braso niya na nakaakbay sa akin.
Siyempre hindi totoo 'yun no ambango kaya ng lalaking to, tila hindi pinagpapawisan o kung pagpawisan man parang cologne pa ata ang pawis nitong mahal na prinsipe. Tsaka kung titignan mo naman din kasi talaga, iisipin mo na kahit ata utot nito mabango.
Nang napansin kong tila natahimik si Xander ay agad ko itong nilingon. Kaya naman kitang kita ko kung paano niya parang bata na sininghot singhot ang manggas ng kanyang p.e t-shirt para siguro amuyin kung mabaho na ba talaga siya.
Psh… mukha talagang ewan kahit kailan…
Napangiti na lamang ako sa kaabnormalan niya.
"Hey! Mabango pa naman ako ah!" parang batang wika niya at ngumuso pa na mas nagpa-cute sa kanya.
"May sinabi kong mabaho ka? Sabi ko amoy pawis ka lang," lumingon ako sa kanya at pabiro ko siyang inirapan. "Humiwalay ka na nga muna sa akin at magbibihis na rin ako" dagdag ko pa at saka kinuha na ang bag ko para ayusin ang mga gamit ko.
"Okay okay, I'll see you later at our room," sagot niya at dumiretso na rin sa bench kung nasaan ang gamit niya para ayusin na rin siguro ito.
Nakaayos na ang mga gamit ko at handa na akong umalis ng narinig ko ang pagpito ni Sir De Guzman, ginagawa niya lamang ito tuwing gusto niyang kunin ang atensyon namin. Kaya naman bago ako tuluyang umalis sa gym ay nilingon ko muna siya para makinig sa sasabihin niya. "Class I'll be giving you 15 mins to change and freshen up. After that dumiretso muna kayo sa room because there will be a quick announcement from the Dean," turan ni Sir De Guzman bago pumito muli bilang pagbibigay ng go signal sa amin upang mag ayos ng mga sarili namin.
Nang nakita ko na nagbigay na ng go signal si sir ay agad na akong lumabas ng gym at naglakad patungo sa c.r ng girls para makapag-bihis na ng uniporme. Matapos ko magbihis ay dumiretso ako sa lababo upang makapaghilamos ng aking mukha dahil ramdam ko na ang lagkit nito dulot ng pawis ko kanina. At nang matapos na ko ko maghilamos ay pinunasan ko lang ng tuyong bimbo ang mukha ko at saka na ako lumabas ng c.r at dumiretso na ng room.
Pagkarating ko sa classroom ay napansin ko na halos lahat ng mga kaklase ko ay mga nakaayos na, kaya naman agad akong tumingin sa orasan na nakasabit sa may pintuan. Doon ko napagtanto na 2 minuto nalang pala ang natitira sa oras na ibinigay sa amin ni sir. Kaya naman dali-dali na akong dumiretso ng upo sa upuan ko.
Saktong pag upo ko at pagka-ayos ng gamit ko ay agad na pagpasok ni Sir De Guzman sa room kasunod ang isang mestisa na medyo may katandaan na babae. Base pa lamang sa postura at aura niya ay alam ko nang siya ang Dean nitong Sapphire University.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Princess
RomanceEmerald, the School Gangster was used to being always feared by all the students at the school she attends to. But, suddenly it changed when Alexander, the prince of Kingdom Opal transfered to their school. The prince never feared Emerald that's why...