III. Meeting
PAGKATAPOS ng usapan naming iyon ni Alexander ay dumiretso muna ako sa school garden para makalanghap man lang ng sariwang hangin at para na rin isipin ang nangyari sa amin kanina.
Nang makarating ako sa school garden ay agad akong dumiretso sa paborito kong pwesto, walang iba kundi ang isang matandang puno ng narra. Inakyat ko ito at doon ako tumambay sa itaas.
Nang maka-upo na ako ng maayos sa itaas ay agad akong sumandal sa isang sanga bago ako huminga ng malalim at ipinikit ang aking mga mata.
Hindi ko talaga inaasahan ang ginawa at mga sinabi sa akin ni Alexander kanina.
Bakit?
Bakit sinabihan niya akong maganda?
Anong kalokohan kaya ang tumatakbo sa isip niya.
At saka bakit parang kinilig ako sa mga sinabi niya?
Hays… hayaan mo na nga Emerald. Baka mamaya pinagtitripan ka lang ng prinsipe na yun.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napansin na malapit na palang matapos ang break time namin. Kaya naman bumababa na ako sa puno ng narra bago ko inayos ang sarili ko at naglakad na papunta sa classroom ko para sa huling klase ko ngayong araw.
Oo, tama kayo ng nabasa. Dalawa lang talaga ang klase namin sa isang araw. Pero sa kada isang subject naman ay tatlong oras ang ginugugol namin.
NANG makarating ako sa room ay agad na akong dumiretso pwesto ko, kung saan katabi ko na naman si Alexander.
Alam kong nakatingin siya sa akin. Dahil nasa pintuan pa lamang ako ay ramdam na ramdam ko na may tumitingin sa akin. Ngunit, kahit alam kong nakatingin siya ay diretso lang ang tingin ko sa upuan ko dahil ayaw ko siyang tignan… naiilang ako.
Pag-upo ko ay idinukdok ko kaagad ang ulo ko sa lamesa ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng katabi ko dahil sa ginawa ko. Oo na! Alam kong mukha na akong ewan… pero hindi ko alam kung paano pa ako aakto sa harap niya pagkatapos ng mga nangyari kanina.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbati ng guro namin para sa subject na ito. Kaya naman agad akong tumingala at tumayo para bumati na rin.
“Good day 12- Diamond! So, I am Mr. Vasquez and I’ll be your teacher for your Reading and Writing course.” wika ni Mr. Vasquez saamin.
Gaya ng nangyari kanina sa research class ay nagpakilala lang ulit kami. Pagkatapos ang pagpapakilala ay pinag-pasa kami ng ¼ index card na may pangalan namin na dinikitan ng 2×2 picture namin sa may upper right corner nito. Gagamitin daw niya ito para sa attendance at records ng grades ng mga activities namin.
Nang matapos kaming magpasa ay agad ng sinimulan ni sir ang introduction of the course. Doon ko lang napansin na sobrang daldal pala nitong si sir. Grabe! Bawat topic yata na mapag-uusapan namin ay naiko-konekta niya sa buhay niya. Natawa na lamang ako ng tahimik dahil sa mga tumatakbo sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Princess
RomansaEmerald, the School Gangster was used to being always feared by all the students at the school she attends to. But, suddenly it changed when Alexander, the prince of Kingdom Opal transfered to their school. The prince never feared Emerald that's why...