Chapter 1

42 31 6
                                    

I. Meet the Prince

"EMERALD Jade! Anak bilisan mo na diyan at malelate ka na! Ikaw talaga bata ka, para kang pagong kung kumilos!"

Rinig na rinig ko na naman ang sigaw ni mama mula baba. Sus! Etong si mama di pa nasanay sa akin, lagi naman talaga akong late eh, wala ng bago doon.

Dali dali ko nalang sinuot ang uniporme ko na pinlantsa at inihanda pa ni mama kagabi. Isang pulang palda na hanggang tuhod, na pinaresan ng isang puting long sleeve na blouse na nakatuck-in. Isang pulang vest na may tatak ng logo ng aming school na Sapphire University, puti na knee socks at ID na may kulay asul na lace, palatandaan na ako'y nasa grade 12 na.

Tsk! Babaeng babae masyado 'tong uniform namin. Nakakabawas angas!

Nang matapos akong magsuot ng aking uniporme ay kinuha ko na ang bagong bili kong bag na puting nike, na tag wawampipti lang doon sa palengke at sinabit sa balikat ko bago bumababa.

Dumiretso na ako sa kusina para makapag almusal man lang muna ako bago pumasok.

"Hay naku Jade! Unang araw ng klase, late ka kaagad! Mag tino ka na nga anak graduating ka na. Mamaya hindi ka pa makapag martsa dahil dyan sa katamaran mo!" Sermon kaagad sa akin ni mama pagka-upo ko pa lang sa lamesa.

"Eto talagang si mama di ka pa nasanay sa akin! Wag ka nga d'yan mag alala, gagraduate ako!" puno ng kumpyansa na wika ko sa kanya.

Kahit naman tamad at loko loko ako ay nag aaral naman ako ng mabuti. Kaya nga kahit lagi akong laman ng guidance dahil sa mga 'kalokohan' ko ay hindi ako naki kick-out ng school kasi isa ako sa mga honor students ng school namin.

"Ewan ko sa iyong bata ka! Bilisan mo na nga d'yan kumain. Oh sya! At mauna na rin ko at magbubukas pa ko ng karinderya natin. Eto yung baon mo. Babye nak! Love you!" Inabot na sa akin ni mama ang baon kong isang daan bago ako hinalikan sa noo at tuluyan ng umalis.

Kahit ganyan 'yang bunganga ni mama, mahal na mahal ko yan! Grabe din kasi ang bilib ko sa kanya 'e. Simula kasi ng mamatay si papa dahil sa cancer, halos pasukan niya na lahat ng trabaho para lang matustusan lahat ng pangangailangan namin ni ate. Kaya naman eto! Si ate graduate na at may sarili ng pamilya, samantalang eto naman ako, malapit na mag kolehiyo.

Nang matapos ako mag-agahan ay nag-toothbrush lang ako at inaayos ang sarili bago lumabas at isara ang pinto.

Habang naglalakad pa ko papunta sa sakayan ng jeep, narinig kong binati pa ko ng good morning ni Aling Marites. Si Aling Marites pala ay isa sa mga kilalang chismosa dito sa lugar namin. Tignan mo ang aga aga pa at nakatambay na agad sa tapat ng tindahan ni Mang Jonel habang nakikipagchismisan sa mga kumare niya dito.

Tinanguan at nginitian ko nalang siya at dumiretso na ng sakay sa jeep. Mahirap na! Minsan kasi kailangan din nating maging mabait sa mga taong kinaiinisan natin no! Mamaya mapaaway pa si mama kapag tinarayan ko 'tong mga ito.

PAGKA-DATING ko sa school ay agad bumungad sa akin ang tahimik at wala ng katao tao na school grounds, as usual late na naman ako para sa flag ceremony. Kaya naman dumiretso na lamang ako ng lakad papuntang classroom ko.

Habang tahimik akong naglalakad sa school hallway papunta sa room ay naramdaman kong kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay ka edad ko lamang ang nakangiti sa akin.

Nang tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, napansin ko na mayroon siyang medyo mahabang buhok na nakahati sa gitna. Kapansin-pansin din ang matangos niyang ilong, pink at manipis na labi. Siya rin ay may katamtamang laki na pares ng mga mata, sa tingin ko siyang dahilan kung bakit mukhang maamo ang kanyang mukha. Matangkad siya at maputi rin ang kanyang mga balat. Ang laki ng katawan nya ay katamtaman lang para sa edad namin, pero medyo nagmumukha siyang payat dahil medyo maluwag ang suot niyang polo.

Napatigil ako sa pag iisip sa physical features ng lalaking 'to ng biglang siyang tumikhim. Problema nito? Feeling close lang?

The Unwanted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon