II. Partner
NANG maka move-on na ang lahat sa eksenang ginawa ko kanina ay pinatuloy na ni Ms. Dela Cruz ang mga kaklase ko sa pagpapakilala. Nang matapos ang lahat ay agad nagsalita si Miss.
"So since all of you are all aware that the course that I am handling is Practical Research. From the title of the course itself, common sense naman na puro research ang gagawin ninyo. At dahil mabait ako, I decided that all of your research that you'll be doing in my class will be done by pair," pag-announce ni miss na siyang ikinatuwa ng mga kaklase ko. "At para hindi na ako mahirapan sa pag-pares sa inyo ay kung sino na lamang ang nasa tabi ninyo ay iyon na rin ang magiging kapartner ninyo sa klase ko,” mahabang paliwanag ni Ms. Dela Cruz.
Agad kong nilingon ang nasa kaliwa kong si Kyle ng marinig ko ang sinabi ni Miss.
“Hoy Kyle! Tayo na ang partner 'ha!” maangas na wika ko sa kanya. Tila nagulat at the same time ay natakot ito na kinausap ko siya. Pero kahit ganoon pa man ay nakita ko naman nanginginig itong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
“I am sorry Ms. Beverly. But, si Kyle ay ang siyang ka-pair ni Freya. That’s why you will be pair to Mr. Clifford,” nakangiti pang wika ni Ms. Dela Cruz, tila ba sinasadya na maging kapartner ko tong lalaking ito.
"Ahh ok po miss, thank you po," iyan na lamang ang tanging naging tugon ko sa guro namin. Oo loko loko at bastos ako kausap, pero sa mga kapwa estudyante ko lamang. Marunong naman kasi akong gumalang at rumespeto sa nakakatanda kahit na naiinis na ako, iyon kasi ang itinuro sa akin ni mama.
"Ok class! Next meeting natin will be a discussion about our course and kung kakayanin ng time is I will introduce to all of you your first research. That will be for today! Have a nice school year everybody!" Wika ni ma'am bago niya inayos ang gamit niya sa teacher's table at saka lumabas ng classroom.
At dahil tapos na ang klase niya sa amin, ibig sabihin lamang nito ay break time na. Since, wala naman akong maituturing na kaibigan dito sa school na to ay agad kong sinuot ang earphones sa tainga ko at sinabit ko na ang bag ko sa braso ko bago lumabas ng classroom at dumiretso sa canteen.
NANG makarating ako sa canteen ay agad kong inilagay ang bag ko sa upuan sa may pinaka-sulok bago ko kinuha ang wallet ko at dumiretso ng pila sa counter. Pagka-dating ko pa lang sa counter ay agad tumabi ang mga estudyanteng nakapila at pinauna na agad akong bumili kaysa sa kanila.
Oo, ganyan ang turing sa akin ng lahat ng estudyante dito. Matapos kasi nilang masaksihan ang pambubugbog ko doon sa dating nangbubully sa akin which is unfortunately "gangster" daw dito 'e, takot na lahat ng estudyante sa akin. Sa katunayan ay hindi ko din kasi sila maintindihan. Pinag-tanggol ko lang naman yung sarili ko, bakit sila natatakot sa akin.
Tapos binansagan pa nila akong "School Gangster", which is hindi ko naman ginusto. Pero wala naman kasi akong choice, ayaw ko na lang magsalita kasi ang ending ako pa rin ang mapapasama, dahil ako yung may hindi magandang imahe sa mga tao dito. At saka ok na rin ang ganito, atleast hindi na ako binubully dahil sa imahe na ibinigay sa akin.
Nang makarating ako sa counter ay nag order lang ako ng palabok na 25 pesos per order at isang bottled water na tag 10 pesos. Nang maibigay na sa akin yung order ko ay naglakad na agad ako papunta sa pwesto ko at kumain na.
Ganyan ako katipid na tao. 35 pesos lang talaga ang perang allotted para sa foods ko, tapos 40 pesos naman para sa pamasahe ko balikan. Yung natitirang 25 pesos ko naman araw- araw ay iniipon ko para kapag may mga bayaran or project ay doon ko na lang kukunin. Saka na lamang ako humihingi kay mama kapag naubos ko na ang ipon ko.
Nang matapos akong kumain ay agad akong dumiretso sa locker area para ayusin na ang mga gamit ko doon. Dapat kaninang umaga ko pa ginawa yun pero dahil nga I'm not a morning person at late ako kanina, ngayon ko na lang aayusin ang locker ko.
Nang makarating ako sa locker ko ay agad kong kinuha mula sa bag ko ang p.e uniform, rubber shoes at ang file organizer ko na kulay itim at inilagay na lahat iyon sa locker ko, para magaan na ang bag ko at hassle free na ko sa mga susunod na araw. Nang matapos na akong mag ayos ng locker ko ay isinara ko na ito at naglakad na ko pabalik sa classroom.
Habang naglalakad ako sa hallway palabas ng locker area ay nakasalubong ko ang mahal na prinsipe (note the sarcasm please). Hindi ko na sana siya papansinin kaso na bwisit ako ng magsalita siya.
"A girl for a School Gangster? Kaya naman pala ganun na lang ang ginawa mo sa akin kanina," wika niya na animo nang iinsulto dahil sa tonong ginagamit niya.
Ahh so kilala na pala ako ng mahal na prinsipe. Psh! Ano naman kayang kwento tungkol sa akin ang narinig niya?
"Pake mo? May sarili ka naman buhay diba? Wag ka ngang makialam sa buhay ng may buhay. Stalker amp*ta." Naiiritang sagot ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.
Maglalakad na sana ulit ako nang may sinabi siya na hindi ko talaga nagustuhan.
"Yang mismong ugali mong yan ang dahilan kung bakit ka mag- isa at walang kaibigan," maangas pa ang pagkakasabi niya nito.
Sobrang nagalit at the same time ay nasaktan ako sa mga sinabi niya. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko ng hatakin ko ang I.D nya pababa sa akin upang mas mapalapit siya sa akin at saka ko siya kinuwelyuhan.
"Wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan! Ni hindi mo nga sigurado kung yung mga narinig mong kwento nila about sa akin ay totoo! Kumbaga sa research, hindi valid ang source mo!" nang gigil na angil ko sa kanya.
Ramdam na ramdam ko ang pagkalat ng galit sa sistema ko. Kitang kita ko pa kung paano manginig sa gigil ang kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya. Malamang ay lukot na ito kapag binitawan ko.
Nakita ko ang pagdaan ng takot sa mata niya pero madiin lang siyang pumikit at nagpakawala ng isang malalim na hininga bago siya dumilat muli at tumitig sa mga mata ko.
"Nakalimutan mo yatang prinsipe ang kausap mo," mahinahon ngunit may diin nitong wika.
Tila binuhusan ako ng tubig dahil sa kanyang mga sinabi kaya naman unti unting kong niluwagan ang paghawak ko sa kwelyo niya, na agad sinamantala ni Alexander. Kaya naman nagulat ako ng mahina niyang itinulak ang dalawa kong balikat na naging dahilan kung bakit ako napasandal sa isang locker.
Mas lumapit siya sa akin at pumuwesto siya sa harap ko bago siya yumuko at itinukod ang kanyang kanan na siko sa pader na malapit sa may kaliwang bahagi ng mukha ko. Amoy na amoy ko tuloy ang pang lalaki niyang pabango pati na rin ang amoy mint niyang hininga dahil sa lapit namin sa isa't isa.
Nagulat man ay pilit kong pinatapang ang mukha ko. Bago ko siya tiningala at nakipaglaban ng titigan sa kanya. Sa pikikipagtitigan ko sa kanya ay naramdaman ko ang pagkalat ng init sa mukha ko, malamang ay pulang pula na ako.
"Ano bang problema mo ha!? Umalis ka nga diyan! Hindi na ko natutuwa sayo 'ha!" Pilit kong pinatapang ang boses ko habang sinasabi ang mga katagang ito.
Pero labis lang akong nagulat ng inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga at bumulong sa akin.
"I am sorry if I hurt you from what I said a while ago. Sorry for judging you, Emerald. Nasabi ko lang yun dahil nadala ako ng inis na nararamdaman ko dahil ginawa mo sa akin kaninang umaga. Again, I'm sorry Emerald," malambot na wika nito. Unti unti naman niyang inilayo ang bibig nya sa tainga at nang mailayo niya na ang mukha sa akin ay saka niya ko tinignan sa mata. Tingin na tila nanghihingi ng paumanhin.
Nang lumipas ang ilang segundo ay tsaka siya tuluyang lumayo sa akin bago tumalikod at naglakad paalis. Nakaka-limang hakbang pa lamang siya mula sa akin ay nagulat ako ng bigla siyang huminto at lumingon sa akin.
"By the way, you look so beautiful when you're blushing, Emerald." Wika niya at saka ngumiti bago tumalikod muli at tuluyan nang naglakad paalis.
P*ta bakit ganun yun!? At saka ano beautiful daw!? Sh*t ba't ganun? Bakit parang kinikilig ako sa sinabi niya!?
BINABASA MO ANG
The Unwanted Princess
Storie d'amoreEmerald, the School Gangster was used to being always feared by all the students at the school she attends to. But, suddenly it changed when Alexander, the prince of Kingdom Opal transfered to their school. The prince never feared Emerald that's why...