Police

2.2K 97 1
                                    






Nanggagalaiti ako sa galit dahil sa nalaman ko. Nakakuyom ang aking kamay habang naglalakad patungong gym.






Pagbabayaran ni cedric ang ginawa niya kay celestine.






I won't let him get away with this. Hindi pwedeng mamuhay si celestine na may takot. Agad siyang hinanap ng aking mga mata nang makapasok na ako sa loob ng gym.




Mas lalo lang nadagdagan ang galit ko nang makita ko siyang masayang nakikipagkwentohan sa mga kateammates niya.





How can he smile like that na parang wala lang siyang ginawang kababuyan?! Nagsusuffer si celestine samantalang siya nagagawa pa niyang ngumiti at tumawa. Hayop siya!






Agad akong lumapit sa direksyon nila. Napansin naman ako ni lance kaya tinawag niya ako sa pangalan ko dahilan para mapalingon si cedric sakin.






Dire-diretso lang akong tumungo sa kinaroroonan ni cedric.





"Hey b-" di na niya natapos ang sasabihin niya sana nang bigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Dumugo yung ilong niya. Pero di pa ako nakontento, sinipa ko yung ari niya gamit ang tuhod ko. Napaluhod siya sa sakit.




Dinig ko naman na napa "oh" yung mga kasamahan niya.






"what the f*ck, ryanne!"






"Yeah! What the f*ck cedric!" Galit kong sabi sa kanya "WHAT THE F*CK!!"







Namimilipit pa rin siya sa sakit "I told you many times na kapag may ginawa ka kay celestine ako makakaharap mo!"






"Oh yeah?"




"Yeah! Sa tingin mo di ko alam?!" I grabbed his shirt yung mahigpit "How. Dare. You. To. Touch. Celestine!" Diin kong sabi sa kanya. Galit na galit ako sa kanya at sa nagawa niya kay celestine and I couldn't deny the fact also na mas nagagalit ako sa sarili ko.






Di ko man lang naprotektahan si celestine laban sa kanya. Parang ang labas nun hanggang salita lang ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari yun kay celestine.





"What are you talking about?!"






Pwersahan ko siyang binitawan "Oh, c'mon! You know exactly what I'm talking about cedric! Don't try to deny it!"






Nakatingin lang samin ang mga estudyanteng nandun.






"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Galit niyang sabi.







"Oh really? Wag ka ngang magmaang-maangan! Ano? Ngayon ka pa nahiya pagkatapos mong gawin yun?! O baka naman gusto mo pang ipagsigawan ko sa lahat ang ginawa mo!"






"Kung ano man ang sinabi sayo ni celestine. It's not true! She's a stupid liar! She's a b*tch!"




"What the f*ck dude!" dinig kong sinabi ni lance.




Nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi ni cedric kay celestine kaya naman sinugod ko siya at sinipa sa katawan niya since nakaluhod nga siya kaya madali lang sakin na sipain siya dun. Malakas ang pagkakasipa ko sa kanya kaya napahiga siya sa sahig.





Inawat ako ni lance "wala kang karapatan na sabihan ng ganyan si celestine! You f*cking pig!"







"Tama na! Calm down!" Papakalma sa akin ni lance.





Suddenly, You're Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon