Control

4.3K 209 33
                                    




Nandito kami sa isang diner. Dito naisipan na mag-celebrate ng team nina cedric. Tatlo lang kaming babae dito. Nakakahiya nga kasi sumama sama pa kami dito. To kasing si mindy eh.



"Girls, order lang kayo ng gusto niyo. Si von na ang bahala" sabi nung isang lalaki.



"Oo girls. Order lang kayo" sabi ni von samin.


Umorder na kami ng foods na kakainin "mindy, ako ba di mo oorderin?" Tanong ni von na nagpatindig naman ng balahibo ng isa.



"Sino ka ba para orderin ko? Eh di naman kita gusto" sabi ni mindy. Nag-ingay naman yung mga lalaki na teammates nina derrick na para bang inaasar si von dahil dun sa sinabi ni mindy "Orderin mo mukha mo. Tantanan mo ko von ha"




"Bro, basag ka dun ah" tawang tawa yung mga kagrupo nila.



"Puporma ka na nga lang von dun pa sa babae na babae din ang gusto" tawanan pa rin yung mga kateammates nila.




"Sige lang tawa lang kayo pag yan nagkagusto sakin, who you kayo!" sabat naman ni von sa kanila.




"In your dreams von" sagot naman ni mindy na lalong nagpatawa sa mga kasama namin.


Natawa lang din ako sa kanila. Mga loko napagtripan pang asarin si von at mindy.


Nabaling yung tingin ko sa gawi ni ryanne na natatawa din sa nangyayari. She's even prettier when she laughs though. Nakakainis talaga tong babaeng to wala kang maipintas eh. Parang ang perfect perfect niya.



Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang mga inorder namin.



Masaya naman yung buong oras na kasama namin yung mga kagrupo nina cedric. Puro asaran at tawanan. Hanggang sa nagpasya na ang lahat na umuwi.



"Celestine, hatid ko na kayo" si lance.


"Naku lance wa-"


"Samin sila sasabay lance" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si ryanne.



Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya "hatid na namin kayo ni cedric"


"Di na kaila-"


"I won't take no for an answer" pagputol na naman ulit niya sa sinabi ko.



"She won't take no daw bes. Wag ka na lang tumanggi. Sayang laway" bulong ni mindy sakin.



"Mindy's right" medyo nagulat naman si mindy. Bubulong na lang kasi yung maririnig pa.



At yun nga sumabay na kami kina cedric at ryanne. Hinatid nila kami pareho. Naunang ihatid si mindy sa bahay nila.



Nang makarating sa bahay namin ay nagpasalamat muna ako sa kanila bago bumaba. Nang makalabas na ako ay binaba naman ni ryanne ang bintana ng kotse.



"Gov" tawag niya. Lumingon naman ako sa kanya. She rest her chin on her arms na nakapatong ngayon sa bintana ng kotse.



"Oh?" She smiled at me "may sasabihin ka?"



"Wala naman" pinagtitripan ata ako ng babaeng to eh "Sige na gov pumasok ka na" sabi niya after.


Saglit akong natigilan. Bakit parang ang sweet niya? Bakit parang iba yung dating sakin nun. Naalala ko naman yung singsing.


"Ryanne, I told you alre-"



"Control" putol niya ulit sa sasabihin ko. Kanina pa ako di pinapatapos magsalita nitong babaeng to ah. Nananadya ba siya "I know. Don't worry gov. Di ko naman nakalimutan eh" pabulong niyang sabi. Tama lang na marinig ko.




Suddenly, You're Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon