When she cries

2.1K 110 2
                                    




It's been a week nang malaman ng buong school ang tungkol sa relasyon namin ni ryanne.





Everyone has been very supportive to us. Madami ang humanga sa katapangan ni ryanne para sabihin sa lahat na mahal niya ako.






Walang katapusang tuksohan naman natatanggap namin sa mga kaklase namin. Halos lahat sila kinikilig except na lang kay francis hehe.






Actually parang wala lang nga sa lahat na magjowa kami ni ryanne. I guess di ganun ka homophobic ang mga tao sa henerasyon na to.






"Govey, my love so sweet punta lang ako ladies room ha?" paalam ni ryanne. Andito kami sa music room ng school. Wala pa naman kaming klase kaya naisipan naming tumambay muna dito. Di ko nga akalain na marunong din pala siya sa ibang instruments gaya ng piano.






"Gusto mo samahan na kita?" Natawa naman siya sa tanong ko sa kanya.







"Gusto mo akong samahan? Asus! Ikaw govey ha? May gusto ka lang ata gawin sakin eh" biro niyang sabi sabay tulak sakin ng bahagya. Ang dumi talaga ng isip nitong babaeng to.






"Anong pinagsasabi mo diyan? Magtoilet ka na nga lang dun. Kung ano-ano pa pumapasok sa utak mo eh" natawa naman siya sakin.






She kissed me on my temple saka siya umalis "I'll be back" sabi pa niya saka na tuluyan umalis papuntang ladies room.






Minutes have passed pero di pa rin siya bumabalik. Naku baka ilang litro na naman yung ihi nun. I've decided to wait for her for a few more minutes. Hanggang sa napagpasyahan kong lumabas na ng music room at pupuntahan ko na lang siya sa toilet room baka kasi naflush na siya papuntang inidoro haha and isa pa naiihi na rin ako.





I was walking happily at nang makarating ako sa labas ng ladies room ay agad ko itong binuksan at sa pagbukas ko agad sumalubong sa akin ang isang iyak habang nagsasalita na para bang nagmamakaawa.





Di ko man makita kung sino yung umiiyak pero isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko.







Isa-isa kong binuksan ang mga cubicle para hanapin ang umiiyak na yun. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.





Nang nasa last cubicle na ako ay di ko ito mabuksan agad kaya naman sinipa ko yung pinto at sa pagbukas nito ay bumungad sakin ang isang ryanne na puno ng luha ang mukha habang sinusubukan na kumawala sa demonyong lalaki na si cedric na kung di ako nagkakamali ay pinagtatangkaan siyang pagsamantalahan.






Napalingon sa direksyon ko si cedric na medyo nanlaki pa ang mga mata. Napakuyom ako ng aking kamao. Sa sobrang galit ko ay agad ko siyang hinila palayo kay ryanne gamit ang collar ng damit niya saka siya malakas na tinulak. Muntik na siyang maout-balance.





"What the hell?!" sigaw niya.





Aba! Siya pa ang may gana magtanong ng what the hell at sumigaw!





"What the hell ka din!! What are you trying to do?! Rape her?!" Galit na galit gustong manakit na sabi ko sa kanya habang tinutulak-tulak siya sa dibdib. Kung akala niya natatakot ako sa kanya pwes nagkakamali siya. Saktan niya man ako wala na akong pakialam.





"Rape her?! It's not rape if she wants it!"





"She wants it?! Nagbibiro ka ba? Kita mong umiiyak yung tao tapos sasabihin mong she wants it?!"







Sinubukan niya akong saktan by grabbing me on my arms. Mahigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko pero di ko pinansin yung sakit.






"Ano?! Anong gagawin mo?! Sasaktan mo ko?! Sige!! Total yun naman ang kaya mong gawin eh diba! Alam mo nagsisisi ako na nagustuhan kita eh. Kasi yung cedric na nagustuhan ko hindi ganito. Yung cedric na kilala ko mabait at hindi nananakit! Anong nangyari sa cedric na yun?! Di na kita kilala! Minsan mo ng minahal si ryanne pero ano tong ginagawa mo! Instead of redeeming yourself by respecting her and her decision na di mo nagawa while you were still together, eto ka sinasaktan siya! You were trying to harassed her again! Mahirap ba para sayo na intindihin na ayaw na niya?! Alam mo sa ginagawa mo pinapatunayan mo lang na tama ang desisyon ni ryanne na hiwalayan ka! Dahil wala kang kwentang ta——" di ko natapos ang sasabihin ko nang walang ano-ano ay inilayo ako ng bahagya ni ryanne kay cedric at pumagitna siya saming dalawa dahilan para siya ang masampal ni cedric at hindi ako.






Kung nagulat ako sa sampal na ibinigay ni cedric mas lalo naman nagulat si cedric dahil imbes na ako ang masampal niya si ryanne ang sumalo ng sampal na yun.







"R-ryanne, I'm...di ko sinasadya" he was trying to hold ryanne's hand pero iniiwas lang ni ryanne yung mga kamay niya. "Bakit ka ba kasi humarang?"





"I told you, cedric. Di ko hahayaan na saktan mo si celestine. Ako muna bago mo magawa yun sa kanya!" Umiiyak pa rin siya.







"I'm really sorry di ko ta——"






"Get out of here!" Itinulak siya ni ryanne palabas ng ladies room.







"Ryanne, I'm sorry!"






"Walang magagawa ang sorry mo!" At tuluyan ng isinara ni ryanne ang pinto saka ito nilock. She's leaning her forehead on the door kaya naman nilapitan ko na siya.






"Love..." agad siyang tumingin sakin saka ako mabilis na niyakap at humagolhol ulit sa pag-iyak. I hugged her as tight as I could. Gusto kong iparamdam sa kanya na everything is fine now. Na wala na siya dapat ikatakot dahil nandito na ako. "Sige lang. Iiyak mo lang yan."







Iyak lang siya ng iyak nung mga oras na yun. At habang naririnig ko siyang umiiyak ay nadudurog naman ang puso ko. Ayoko siyang nakikitang ganito. Nasasaktan ako pag nasasaktan siya.







"I'm sorry"




"Bakit ka nagsosorry?" Tanong niya.





"Di kita naprotektahan sa kanya" bahagya niyang inilayo ang sarili sakin saka ako tiningnan sa aking mga mata. Nakikita ko naman na mugto na yung mata niya kakaiyak.






She slightly chuckled "anong pinagsasabi mo diyan?" She held the both sides of my cheeks. "You did protect me gov by saying those words na nakapagtrigger sa kanya para sampalin ka. Malas lang niya ako ang nasampal niya at di ikaw"





Natawa naman ako sa sinabi niya. "Infairness sayo ang bilis mong pumagitna"




"Just like what I said earlier, di ko hahayaan na masaktan ka niya. Okay lang na ako yung masaktan basta wag lang ikaw"





"You know I would do the same thing for you, right?" Tinangoan niya ako habang nakangiti. "Kahit umiiyak ka ang ganda mo pa rin pero siyempre mas maganda ka kapag nakangiti"






Niyakap niya ako ulit. Hinalikan ko naman ang pisngi niya na nasampal ni cedric. We stay like that for a while bago niya inayos ang sarili niya saka ko napagpasyahan na iuwi na lang muna siya para makapagpahinga.





Nag-alinlangan pa siya nung una nong sinabi kong uuwi din ako para masamahan siya. Kasi di naman ako naabsent sa school eh pero dahil alam kong kailangan niya ako sasamahan ko siya at isa pa isang absent lang naman.





Wala yung absent na yun sa presence na mabibigay ko sa kanya while she's resting and recovering from what happened.











🖤

Suddenly, You're Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon