Small favor

2.9K 170 7
                                    


It's been 24 hours na di ako pinapansin ni ryanne.



Kung vlog lang to panigurado successful yung content namin na ignoring celestine for 24 hours. Wala eh. Di talaga ako pinapansin kahit anong gawin kong pagpapapansin.



"Minds, anong gagawin ko?"



Kinwento ko na rin kay mindy yung nangyari. Di ko naman kasi kaya na hindi sabihin sa kanya. Isa pa magtatanong din naman yun kung anong nangyayari samin ni ryanne since hindi naman tanga yung bestfriend ko para di mapansin yung mga nangyayari sa paligid niya.




"As what I've said, give her space muna, okay?"



Well, tama naman si mindy. Baka kasi kung pilitin ko lang siya na makipag-usap sakin mas lalo lang magalit yun kaya hayaan ko na lang muna siya.





"Celestine" napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko



"Cedric..."



"Can we talk?" Di na niya ako hinintay na sumagot pa at tuluyan ng umalis. Sinundan ko na lang siya.



"I'll be right back" paalam ko kay mindy



——



"I'm sorry sa nangyari"



He crosses his arms as he stares at me "if you're really sorry for what happened, you'll gonna help me win ryanne back"



"What do you mean?"



"Look, ryanne and I are not okay and its all because of you" diin niyang sabi sakin "Now, in order for me to forgive you, you have to help me. Explain to her everything. Tell her that I did not initiate it. That you did it"



Kung tutulungan ko siya that means I'll be able to talk to her. Tama. I'll take this small favor for me to be able to get close to her. Either way, tutulungan ko naman talaga si cedric since kasalanan ko naman talaga kung bakit di sila okay ni ryanne. Kelangan kong bumawi.





"Ano? Tutulungan mo ba ako?"



"Of course, I will"



——

The next day.



Sinuyod ko ang buong school makita ko lang si ryanne. I need to give this flower to her na galing kay cedric. Kailangan ko ring iexplain sa kanya ang side ni cedric.




"Minds!" Tawag ko kay mindy nang makita ko siyang naglalakad pero di siya nag-iisa.



Lumingon naman si mindy sa kinaroroonan ko "oy, bes!"



Mabilis akong lumapit sa kanya kaya medyo hiningal ako ng konti.



Nawala naman yung hingal ko nang mapansin ko kung sino yung kasama ni mindy na ngayon ay nakatingin sa akin. Umayos ako sa aking pagkatayo.



"Ryanne..." I smiled at her pero dedma lang siya. Nakapoker ang mukha niya ngayon.



"Mauna na ako minds" akmang paalis na sana siya nang pigilan ko siya gamit ang kanyang wrist.



"Wait..."



Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kanyang wrist saka nilipat ang paningin sa aking mga mata. Agad ko naman binitawan ang pagkakahawak ko sa kanya.



"Sorry..." sabi ko. Naalala ko naman ang bulaklak na hawak ko "ah nga pala..." sabay abot ko sa kanya. Nag-aalinlangan pa siya nung una pero kinuha din naman niya yun saka inamoy ito "pinabibigay ni cedric" dagdag ko pa.



Napaangat siya ng tingin sakin at saka inilayo sa mukha ang bulaklak. There's something written on her face. Disappointed. But I'm quite not sure.



"May sasabihin ka ba? I really have to go na"



Bakit ba siya nagmamadali eh same lang naman kami ng class. "I'm...sorry. Sa nangyari. Believe me, t-that kiss? It didn't mean anything and please...don't get mad at cedric. He did nothing wrong kaya please wag ka magalit sa kanya. Sa akin ka dapat magalit"



"Sino ba kasi nagsabi na galit ako sa kanya?" Walang gana niyang tanong sakin.




"Well...sabi niya kasi di mo daw siya pinapansin"




"If he did nothing wrong...bakit hindi siya mismo ang magbigay ng flowers sakin"




"Look, galit sakin si cedric dahil sa nangyari that's why I'm helping him out para makabawi ako sa kanya, sa nagawa ko sa inyo since ako naman talaga ang may kasalanan, right?" saad ko sa kanya.


She just rolled her eyes "Gusto mo na wag ako magalit sa kanya para di na rin siya magalit sayo?"


"Yes! Patawarin mo na siya. Wala siyang kasalanan"



"Eh, ikaw? Ayaw mo ba na patawarin kita? Ayaw mo ba na di ako galit sayo?"



"S-siyempre gusto..."



"Then why you're doing this?"



"Doing what?"




"Pinapamukha mo lang sa akin na mas gusto mo pa na patawarin ka ni cedric kesa patawarin kita that's why you're doing this"



"What are you t— ryanne...It's not like that! Tinutulongan ko lang nga si cedric para magkaayos na kayo. I don't want to ruin your relationship, okay? Kaya ko to ginagawa"



Nakatingin lang siya sa akin ng diretso. "What if I want it?" nakatingin lang din ako sa kanya "what if sabihin ko sayo na gusto kong sirain mo kami so that I could have an excuse na hiwalayan si cedric"



Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "what do you mean?"




She sighed "hindi ba talaga ganun ka importante ang nararamdaman ko? Na mas inuna mo pa yung mararamdaman ni cedric kesa sakin?" She scoffed "gov...baka nakakalimutan mo ako yung nasaktan dito hindi si cedric"




"Ryanne..." akma ko sana siyang hahawakan sa kanyang kamay pero inilayo lang niya ito sakin.




Natawa siya bigla "Right! You like him pala. I almost forgot!"



"Ryanne..." tawag ko ulit sa pangalan niya. Pero tuluyan na siyang umalis.




"Bes, okay ka lang?" Si mindy na kanina pa tahimik sa gilid ko.





"I don't know what happened"




"Well..." tanging sambit ni mindy.





Hindi ko alam kong anong mali sa pagtulong kay cedric para magkaayos sila. Hindi ko alam kung bakit nasabi niya na mas importante pa sa akin ang nararamdaman ni cedric kesa sa nararamdaman niya? Eh kung tutuusin nga siya lang iniisip ko kasi alam ko naman sa sarili ko na nasaktan ko siya.




Kung alam lang niya na masakit din sa akin kasi nasaktan ko ang damdamin niya. Kung alam lang niya na importante sa akin ang nararamdaman niya. Kung alam lang niya kung gaano ko gustong yakapin siya at sabihin na wag siyang mag-alala. Kung alam lang niya kung ano yung napagtanto ko nang gabing yun...





Kung alam mo lang ryanne.





Kung alam mo lang talaga...





🖤

Suddenly, You're Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon