Ang Pagiging Isang Mahusay na Manlalaro

198 8 2
                                    

Ipinakita ni Sakuragi ang husay niya sa kanyang paglalaro at tinapal niya si Hachimoto.

" Magaling Sakuragi!" Sabi ni Daichiro Tendo at kinuha niya ang bola.

" Grabe naman." Sabi ni Kenichi Hachimoto said. " Noong nasa Junior High pa kami, hindi pa rin nagbago ang kanyang paglalaro. Sigurado ako magiging key player siya ng Shohoku. Kailangan namin siya."

Isang oras nakalipas, nagpahinga na ang lahat ng mga miyembro ng Shohoku Basketball Team. Uminom ng isang basong tubig si Sakuragi.

" Napawisan ako." Sabi ni Hanamichi Sakuragi. 

Biglang dumating si Coach Anzai. Nag assemble ang mga miyembro ng Shohoku

" Morning Coach." Sabi ng mga manlalaro ng Shohoku.

" Makinig kayo. Sa sabado, magkakaroon tayo ng Practice Game laban sa Ryonan High." Sabi ni Coach Mitsuyoshi Anzai.

" Ryonan High?" Sabi ni Satoru Kakuta.

" Isa sa apat na malalakas na koponan dito sa Kanagawa." Sabi ni Tetsushi Shiozaki.

" Kailangan niyo maghanda at lalo ka na Sakuragi." Sabi ni Coach Mitsuyoshi Anzai.

" Narinig mo ba Sakuragi?" Tanong ni Takenori Akagi. " Paghandahan mo ito."

" Siyempre naman." Sabi ni Hanamichi Sakuragi. " Hindi mahalaga kung Kainan, Ryonan at Shoyo ang kakalabanan natin sa Elimination Games, tayo ang magiging number one sa Kanagawa ngayon taon!"

" Grabe talaga. Napasobra yata ang paniniwala sa kanyang sarili." Sabi ni Takenori Akagi. 

" Medyo excited lang siya Akagi." Sabi ni Kiminobu Kogure.

" Alam ni Hanamichi ang Kainan, Shoyo at Ryonan?" Tanong ni Yasuharu Yasuda. " Paano niyang nalaman?"

" Doon sa isang magazine na nabasa niya noong isang taon." Sabi ni Kenichi Hachimoto.

" Makinig kayo. Mag practice kayo ng five-on-five. First years laban sa Second Year at Third Year." Sabi ni Coach Anzai.

" Okay! Simula ulit natin ang practice! SHOHOKU FIGHT!!!" Sigaw ni Takenori Akagi.

" FIGHT!!!" Sigaw ng mga manlalaro ng Shohoku Basketball Team.

Gabi, bumisita si Hikoichi Aida ng Ryonan sa gym ng Shohoki. Nakita niya apat na first year ang nagpapractice.

" Ano? Alin sa inyo si Rukawa?" Tanong ni Hikoichi Aida.

" Anak ng masamang damo." Sabi ni Hanamichi Sakuragi. " Maagang umuwi si Rukawa. Kaya kaming apat lang kaming nandito."

" Sino kayong first year?" Tanong ni Hikoichi.

" Kami ang susunod na first five pag dating naming third year." Sabi ni Hanamichi Sakuragi. " Ako si Hanamichi Sakuragi, ang future Captain ng Shohoku Team."

" Ikaw ang susunod na Captain ng Shohoku?!!!" Sabi ni Hikoichi.

" Grabe talaga. Huwag mo masyado ikalat sa iba yan." Sabi ni Daichiro Tendo. " Taga Ryonan High yan."

" Pasensya na." Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Hindi ako dito para mag espiya." Sabi ni Hikoichi. " Nandito ako para malaman ng impormasyon tungkol sa inyo apat. Sa Sabado pa naman ang laban natin, kaya galingan niyo."

" Hindi kami takot sa Ryonan." Sabi ni Awado Mizusawa. " Sigurado kami na magpapakitang gilas kami sa Elimination Games sa susunod na buwan at bahala na kung sino ang magiging starting five ng Shohoku."

" Maasahan namin kayo sa Sabado." Sabi ni Hikoichi.

" Pakisabi kay Akira na handang-handa na ako magtuos sa practice game." Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Siyempre! Sasabihin ko agad kay Sendoh!" Sabi ni Hikoichi.

" Lalo na sa center ng team niyo dahil ako ang mahusay na manlalaro ang banta sa inyo." Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Anak ng masamang damo....." Sabi nina Daichiro Tendo, Kenichi Hachimura at Awado Mizusawa.


SLAM DUNK: Basketball MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon