Practice Game: Shohoku vs Takezono part 2

98 5 2
                                    

Nanalo si Kanzo sa jumpball at pinasa niya ang bola kay Murusumi.

" Galingan natin!" Sabi ni Kai Murusumi.

Binantayan ni Tendo si Murusumi.

" Ako ang magbabantay sa iyo." Sabi ni Daichiro Tendo.

Samantala, paparating lang sina Haruko at ang Shohoku ladies team para manood. Pagpasok nila, nagulat sila ang score.

SHOHOKU 18 TAKEZONO 20

" Dalawang puntos ang lamang ng Takezono?" Sabi ni Haruko.

" Maganda naman ang pinapakita ng Shohoku Boys team." Sabi ni Yurika Matsumoto, ang 2nd year captain ng Shohoku Ladies Team.

Dinala ni Murusumi ang bola pero inagaw ni Tendo ang bola at pinasa niya kay Akagi at nag gorilya dunk.

SHOHOKU 20 TAKEZONO 20

" GORILYA DUNK!!!!" Sigaw ni Hanamichi Sakuragi.

* BOINK!* 

" Sinong gorilya?" Sabi ni Takenori Akagi.

Apat na minuto nakalipas, lumaki ang lamang ng Shohoku.

SHOHOKU 36 TAKEZONO 32

SHOHOKU 44 TAKEZONO 42

SHOHOKU 60 TAKEZONO 44

" Shohoku na ang may maraming puntos." Sabi ni Yasuharu Yasuda.

" Sigurado ako na tayo ang mananalo." Sabi ni Tetsushi Shiozaki.

Bumawi ang Takezono tumira ng 3-point shot si Oda at pumasok ang tira.

SHOHOKU 60 TAKEZONO 47

Ilang sandali lang, may nagpito.

" Foul! Red number 10!" Sabi ng Referee.

" Foul?! Mukhang foul ba yon, maganda naman ang depensa ko!!!" Sigaw ni Hanamichi Sakuragi.

* BOINK!*

" Gung gong ka talaga." Sabi ni Takenori Akagi. " Magisip ka muna bago kumilos."

" Gung gong...." Sabi ni Kaede Rukawa.

Higit mas lumamang pa ang Shohoku.

SHOHOKU 64 TAKEZONO 51

SHOHOKU 68 TAKEZONO 53

SHOHOKU 78 TAKEZONO 65

SHOHOKU 88 TAKEZONO 71

" Grabe naman." Sabi ni Tatsumasa Oda. " Malakas talaga ang Shohoku."

" Ang lakas talaga. Mas maraming puntos ang Shohoku kaysa sa atin." Sabi ni Kai Murusami.

" Kailangan natin bumawi." Sabi ni Tatsumasa Oda.

Pero Shohoku pa rin ang naguuna sa puntos.

SHOHOKU 94 TAKEZONO 81

" Grabe naman. Ang team natin ay naging basang sisiw." Sabi ni Mika Sakuragi. " Si Hanamichi ang nagpapalakas ng team natin."

" Noong laban sa Ryonan, 16 points ang ginawa ni Hanamichi, si Rukawa naman ay 30 points."

" Hindi ko aakalahin na ngayon taon lang ang lumakas ang Shohoku." Sabi ni Yoko Shimamura.

Dinala ni Murusumi ang bola at pinasa niya kay Kotosaki at tumjra ng 3-point shot at pumasok ang tira.

SHOHOKU 94 TAKEZONO 84

" Nice shot Kotosaki." Sabi ni Kai Murusumi.

" Salamat." Sabi ni Aki Kotosaki.

Dinala ni Tendo ang bola at pinasa niya kay Sakuragi at nag slam dunk.

SHOHOKU 96 TAKEZONO 84

" Ang galing mo Sakuragi!" Sabi nina Mito, Ohkusu, Noma at Takamiya.

" Swerte lang ako." Sabi ni Hanamichi Sakuragi. " Bwahahahahahahaha...."

* BOINK!*

" Mag concentrate ka." Sabi ni Takenori Akagi.


SLAM DUNK: Basketball MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon