Practice Game: Shohoku vs Ryonan part 4

113 6 2
                                    

Samantala, sa panig ng Ryonan....

" Coach. Mukhang ang gwardya natin ay nahihirapan dahil sa first year na point guard ng Shohoku." Sabi ni Ryuji Ikegami.

" Halos, hindi si Kogure ang nagasikaso sa gwardya na posisyon. Hindi sila gumamit ng 2nd year players." Sabi ni Akira Sendoh.

" Nagkamali pala ako na maitatambakin natin sila ng 30 points ang lamang. Yung pala pinabaligtad nina Rukawa at Sakuragi ang sitwasyon." Sabi ni Coach Taoka. " Uozumi, higpitan mo ang pagbabantay kay Akagi. Ikegami, ikaw na ang bahala kay Sakuragi habang si Sendoh ay kay Rukawa."

" Bakit pula ang buhok yon? Hindi ba bawal sa eskwelahan ang pagpakulay ng buhok?" Tanong ni Ryuji Ikegami.

" Oo nga. Hindi ko agad itinanong kay Sakuragi." Sabi ni Hikoichi.

Samantala, sa panig ng Shohoku.

" Tiyak na may bagong plano na naman ang Ryonan." Sabi ni Daichirou Tendo. " Sigurado ako hihigpitan nila ang kanilang depensa."

" Lalo na yung vice-captain ng Ryonan." Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Sakuragi. Ipauubaya ko sa iyo ang rebound." Sabi ni Takenori Akagi.

" Ako nga ang bahala Gori." Sabi ni Hanamichi Sakuragi. " Palagi namin yung ang importante sa akin upang manalo ang team natin."

Bumalik agad ang mga starting five ng bawat na koponan, may isang manonood na nanonood ng laban sa Ryonan. Walang iba kung di si Naoto Sugatani, ang first year na Power Forward ng Kainan High. Kasama niya si Nobunaga Kiyota.

" Mukhang magandang laban ito." Sabi ni Naoto Sugatani.

" Sinong player itong na may pulang buhok?"  Tanong ni Nobunaga Kiyota.

" Hanamichi Sakuragi." Sabi ni Naoto Sugatani. " Siya ang aking maging katungali. Kainan pa rin ang champion sa Kanagawa."

" Number one pa rin ang Kainan p're." Sabi ni Nobunaga Kiyota.

Samantala, dinala ni Tendo ang bola.

" Tendo!" Sabi ni Kiminobu Kogure.

Ipinasa ni Tendo ang bola kay Kogure, binabanyan siya ni Koshino.

" Dapat mapasa kay Akagi ang bola." Sabi ni Kiminobu Kogure at pinasa niya ang bola kay Akagi.

" Sugod Akagi!" Sabi ni Jun Uozumi.

" Sige Uozumi. Subukan mo akong pigilan." Sabi ni Takenori Akagi.

SLAM DUNK: Basketball MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon