Practice Game: Shohoku versus Ryonan part 1

151 8 2
                                    


Gabi, ipinagpatuloy ang practice ng Shohoku Basketball Team.

" Pasa!" Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

Ipinasa ni Rukawa ang bola kay Sakuragi at nag layup.

" Okay!" Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Super Tsamba." Sabi ni Kaede Rukawa.

" Na swerte lang ako doon." Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

Mamaya, nag assemble ang mga manlalaro ng Shohoku Basketball Team.

" Magkita tayo sa train station ng 8 AM. Tandahan niyo, walang late!" Sabi ni Takenori Akagi.

" Oo!!!" Sigaw ng mga manlalaro ng Shohoku.

Umuwi na ang mga manlalaro ng Shohoku kabilang si Rukawa, pero maiiwan sina Tendo, Sakuragi, Hachimoto at Mizusawa para pagpatuloy ang practice.

" Bukas na ang laban na practice game laban sa Ryonan." Sabi ni Awado Mizusawa.

" Kaya kailangan natin muna mag practice ng kaunti bago tayong umuwi." Sabi ni Daichiro Tendo. " May mahabang oras pa tayo para sa practice."

Ipinagpatuloy na ang pagpractice ng mga apat na first year upang mapahanda para sa paparating na practice game laban sa Ryonan High.

Sabado ng umaga, nakasakay na ang mga miyembro ng Shohoku Basketball Team.

" Mukhang handang-handa na si Sakuragi sa practice game." Sabi ni Ayako.

" Medyo hindi naman ako kinakabahan pero handang-handa na ako." Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Totoo ba ang sinasabi mo?" Tanong ni Kaede Rukawa.

" Ano ba ako? Hari ng tuliling?" Sabi ni Hanamichi Sakuragi.

" Tama na yan." Sabi ni Kiminobu Kogure. " Nasa tren tayo, baka tatakutin niyo ang mga pasahero."

" Mga dalawang gung gong...." Sabi nina Takenori Akagi at Daichiro Tendo.

" Siya nga pala Tendo. Musta na ba yung practice niyo kagabi?" Tanong ni Kiminobu Kogure.

" Okay naman." Sabi ni Daichiro Tendo. " Maayos naman ang aming practice."

" Sigurado ako na handang-handa na kayong mga first year." Sabi ni Kiminobu Kogure.

" Kapag dumating na tayo sa Ryonan, dapat maghanda ang lahat." Sabi ni Takenori Akagi.

Dumating na agad ang Shohoku Team sa Ryonan Train Station.

" Tayo na!" Sabi ni Takenori Akagi. " Lampasuhin natin ang Ryonan!!!"

" Oo!!!" sigaw ng mga manlalaro ng Shohoku Basketball Team.


SLAM DUNK: Basketball MiraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon