TAMILMIL lamang sa kinakain na cheese hotdog sa babasaging pinggan si Bokz ng mga sandaling iyon. Habang kaharap lang naman niya ang Mommy at Daddy niya sa mahabang lamesa nila sa dining area.
“Is that true Brake na meron ka raw inagawan ng Ice Pop na batang babae sa may sari-sari store ni Bebe?”Tanong ni Don Rufo sa bunsong anak. Mag-a-apat na baitang na ito sa pasukan.
Hindi umimik ito at patuloy lamang sa pagnguya. Naiiling naman si Donya Gracia, dahil nahihinuha nitong tama ang sumbong ni Florderiza ang yaya nito.
“Iho, next time huwag mong gagawin iyon. Paano ka magkakaroon ng kaibigan dito sa Mayantoc kung pinaiiral mo ang kasutilan mong bata ka!”pangangaral ni Donya Gracia.
Dahil sa narinig ay tuluyan nang ibinaba ni Bokz ang gamit na kubyertos. Walang pasintabi siyang naglakad paalis, kahit panay pa ang pagtawag ni Don Rufo rito.
“Hayaan mo na, sige na Flor sundan mo na ang alaga mo.”utos ni Donya Gracia.
“Ikaw Warren, nakapag-decide ka na ba kung saan mo gustong pumasok sa susunod na pasukan?”Tanong ng Don sa nakatatandang anak.
“Okay lang po ba kung dito na lang Dad?”Warren asked. First year highschool na ito sa pasukan.
“Oh! Akala ko pa mandin ay sa Manila ka mag-eenrol.”pamumuna naman ng Mommy niya.
“Napagisip-isip ko kasi Mommy na dito na lang. Para mas mabantayan ko si Bokz...”sagot naman ni Warren.
“That’s good to hear Warren, so aasikasuhin na namin next week ang mga credentials niyong magkapatid sa dati niyong school okay?”Pagtatapos ni Don Rufo.
Matipid naman ngumiti si Warren, bahagiya itong lumingon sa may garden kung saan nakita niya ang pagdating ni Lola Pelagia na may sunong-sunong na sako, laman lang naman niyon ang mga kalalaba lang naman nilang damit. Kasama ng matanda si Eliza, ang tanging kasa-kasama nito sa buhay.
“Magandang umaga maadam, heto na po ang mga damit niyo. Pasensya na po hindi ko na naihatid kahapon. Sinumpong po kasi ako ng pananakit ng kasu-kasuan.”wika ng matanda.
“Asus! Ayos lang Manang, halikayo rito at mag-almusal muna kayo nitong si Eliza.”Paanyaya ni Donya Gracia.
Paupo na sana ang maglola ng biglang may sumigaw. Tumutok ang lahat sa direksyon nanggalingan ng tinig sa punong baitang ng matarik na hagdan kung saan naroon na nakatayo at may bahid ng galit ang mukha ni Bokz sa mga bagong dating.
“W-why Mommy! Bakit nagpapapasok kayo ng mga poor sa bahay natin!”Sigaw nito.
“Iho! Can you lower your voice, relax! Labandera natin si Lola Pelagia at heto si Babz ang apo niya. Hopefully ay makasundo mo siya, mabait na bata iyan.” pagpapakilala ng Donya.
Ngunit imbes na umaliwalas ang mukha ni Bokz ay lalong nalukot ang mukha nito.
Inis na inis siya sa mga papuring sinabi ng Mommy niya sa mutsasang si Babz!
Walang ano-ano'y nilapitan niya ang batang babae. Nagulat na lang sila ng mabilis na hinila at itinulak palabas ni Boks ito.
“Lumayas ka! Layas! Hindi ko kayo gusto rito! Mga patay-gutom!”Galit na galit na pagtataboy ni Bokz.
“Brake! My goodness! Tigilan mo iyan iho!” Suway ni Donya Gracia. Mabilis nitong hinila si Bokz na patuloy lamang sa pagmumumiglas habang dinuduro si Babz na nanatiling nakasalampak sa malamig na marmol. Habang si Lola Pelagia naman ay umiwas ng tingin at inakay ng patayo ang nag-iisang apo.
Dali-daling ipinasok sa silid nito mula sa second floor ng mansyon ang batang si Bokz kasama nito ang yaya at si Donya Gracia.
“Pasensya na manang, mukhang hindi maganda ang gising ni Bokz…”nahihiyang pagpapaumanhin ni Don Rufo sa matandang labandera.
“Sige ayos lang po iyon iho, siya nga pala ipatawag niyo lang po ako kapag may ipapalaba kayo.”si Lola Pelagia.
“Sige-sige Manang, siya nga pala. Heto po kunin niyo na…”sabay ng pag-abot ng Don kay Babz sa mga tupperware, ilang supot na naglalaman ng prutas at ang sahod nito sa nilabhan na damit nila .
“Salamat po rito…”tugon dito ni Babz.
“Welcome Babzy, saka pagpasensyahan mo na lang ang utol ko. Mukhang tinotopak na naman.” Nangingiting sabi ni Warren.
“W-wala iyon Kuya, k-kapatid mo ba iyon?”tanong ni Babz. Dahil ngayon niya lang napag-alaman na may kapatid pala ito.
“Oo, hayaan mo mabait naman iyon kapag okay ang mood…” patuloy ni Warren.
Napatango-tango naman si Babz. Hindi niya aakalain na magkapatid pala si Bokz at Warren. Sa asal ng una ay malayong-malayo ang ugali ng huli, lehitimo ang kabaitan ng Kuya Warren nito. Habang si Bokz ay demonyito!
Ewan niya lang kung makakasundo niya ito, hindi niya makakalimutan ang ginawa ni Bokz.
BINABASA MO ANG
✔️Ice Pop (ELEMENTARY SERIES 11)COMPLETED
Short StoryELEMENTARY SERIES 11 Ice Pop Written By: Babz07aziole BLURB Si Bokz at Babz ay unang nagkakilala sa pagbili ng Ice pop sa may kanto kung saan nakatirik ang pinakasikat na sari-sari store ni Aleng Bebe. Sa unang pagtatama pa lamang ng paningin nila a...