NAGDUDUMALING naglakad si Babz papunta sa sari-sari store ni Aleng Bebe. Sa lugar nila ito ang pinakasikat na bilihan. Malayo kasi ang palengki, kung saan nakatirik ang bahay nila. Nasa dulong bahagi pa kasi ng bukirin ng mga mais ang sa kanila.
“Hello Babzy! Magandang umaga iha. Alam ko na ang bibilhin mo. Sige wait lang ikukuha lamang kita sa loob.” wika ng babae sa kanya at ora mismo ay tumalikod na ito.
“Heto iha, sampong peso na lang iyang tatlo,”wika nito matapos itong makakuha ng Ice Pop.
“Salamat po Tita!” Walang pagsidlan sa katuwaan ang batang si Babz. Habang tangan niya ang mga ito. Halos hindi na makapaghintay ito, habang panay na ang kagat niya sa dulong bahagi niyon.
Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay isang magarang itim na sasakyan ang tumigil sa harap ni Aleng Bebe. Agad ang paghayon ng naco-corious na mata ni Babz nang bumukas ang pinto niyon at iluwa ang isang batang lalaki marahil ay hindi nalalayo sa kanyang edad. Nagkakatigan pa sila nito ng mga sandaling iyon, hawak-hawak sa isang kamay nito ng isang babae na sa tingin ni Babz ay ang personal nitong yaya.
Napaupo na sa bakanteng upuan na naroon ng mag-umpisang magtawag ang kasama ng bata sa harap ng sari-sari store ni Aleng Bebe.
Halos manginig sa labis na kaligayahan ang batang si Babz ng tuluyan niyang masip-sip at malasahan ang manamis-namis at malamig na lasa ng binili niyang Ice pop.
Para sa isang paslit na katulad niya’y tila heaven na sa kanya ang makabili ng ganoon. Lalo’t sa isang maralitang buhay siya lumaki.
Maya-maya’y napamulagat si Babz ng maramdaman niya ang paghila ng kung sino man sa hawak-hawak pa niyang dalawang Ice pop. Matalim siyang napatitig sa batang lalaki na matiim naman ang pagkakatitig sa kanya.
“Hoy! Bakit mo kinuha iyan? Akin ‘yan!”Gulat at nanggagalaiting sambit ni Babz sa kaharap.
“Don’t worry, my nanny will pay you triple for this kid. Kaya akin na ito!” Bulyaw nito. Saka muling nagtatakbo papasok sa magarang sasakyan.
“Hindi pwedi! Sabi ni Aleng Bebe ubos na raw ang ganiyan!”Habol pa ni Babz at mabilis nitong sinundan ang batang lalaki. Pilit niyang kinakatok ang pintong kasasarado lang nito, kasabay ang pagtawag niya sa bata.
Ngunit kahit anong sigaw niya ay hindi siya pinagbubuksan nito. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtapik ng kasama nitong yaya sa may balikat niya. Kitang-kita pa niya ang pagkamot nito sa sariling ulo na tila may kuto. Habang nasa mukha nito ang paghingi ng dispensa.
“Sorry huh bata, kasi naman… ganyan talaga si Bokz eh. Heto sing-kuwenta pesos, ibili mo na lang ng iba. Hindi kasi ako nakabili ng Ice Pop sa may grocery kanina sa Maynila kaya naghahanap ngayon iyan…”
Napatango naman si Babz at pinabayaan na lang niya ang batang lalaki na kumuha ng Ice pop niya. Agad na niyang ibinulsa ang hawak-hawak na pera. Ipinagpatuloy na niya ang pagsipsip sa kinakain niya.
Nang bigla ay makarinig siya ng isang sit-sit, agad ang paghayon ng mata niya kay Bokz sa loob ng kotse. Tuluyan na palang nakababa ang binatana niyon habang unti-unting umuusad ang kinalulunang kotse nito.
Nangunot ang noo niya matapos niyang makita ang pagbelat nito na tila nang-aasar pa. Lalo pang uminit ang bumbunan ni Babz nang makita pa niyang isinubo nito ang inagaw nitong dalawang Ice Pop sa kanya.
Halos umusok ang magkabila niyang ilong sa inis sa batang lalaki! Kamuntik na niyang batuhin ng suot niyang spartan na tsinelas ang kotse.
Isang irap na lang ang ginawa ni Babz ng unti-unting magsara ang bintanang katabi nito.
“Kapal ng Bokz na iyon na mang-inggit, eh akin naman talaga iyon!” Bubulong-bulong na nasabi ni Babz.
“Hayaan mo na ineng, next time na makabili ako e ipagtatabi kita lagi. Taga bungad ang mga iyon, kung nadadaan mo iyong malaking bahay sa kanila iyon.” explainpa ni Aleng Bebe.
Ngunit wala siyang pakialam, hindi porke’t may kaya sa buhay ang Bokz na iyon ay pwedi na itong manlamangan ng katulad niya!
“Tatandaan ko ang araw na ito Bokz! Oras na magkita tayo hindi ka na ulit makakaagaw ng Ice Pop ko! Fishtea ka! Grrrr…”
Nagpatuloy na siya sa paglalakad pauwi sa kanila matapos niyang magpaalam sa tindera. Baon-baon ang umusbong na hinanakit sa batang si Bokz.
BINABASA MO ANG
✔️Ice Pop (ELEMENTARY SERIES 11)COMPLETED
Short StoryELEMENTARY SERIES 11 Ice Pop Written By: Babz07aziole BLURB Si Bokz at Babz ay unang nagkakilala sa pagbili ng Ice pop sa may kanto kung saan nakatirik ang pinakasikat na sari-sari store ni Aleng Bebe. Sa unang pagtatama pa lamang ng paningin nila a...