CHAPTER FIVE

47 5 0
                                    

MATAPOS ang camping ay halos isang linggo rin hindi nagkita si Babz at Bokz. Anihan na kasi ng mais sa mga panahon na iyon ay tumutulong si Eliza sa lola at ibang tauhan sa hacienda nila Bokz.

Nagtatambak na sila ng mga sako-sakong mais ng humahangos na dumating sa kanila ang pinuno ng mga tauhan ng maisan. May sinabi ito sa mga kasamahan nila na ikinanlaki ng mata ni Babz.

"A-anong pong nangyari kay senyorito Brake? B-bakit po siya dinala sa ospital?"Sunod-sunod na tanong ni Babz. Bakas sa tinig nito ang pag-aalala.

"Hindi ko alam eh ineng, bigla na lang daw isinugod so ospital pa Maynila,"eksplika nito.

Tulala naman na nagpasintabi si Babz sumilong muna siya sa lilim ng punong mangga.

"Bakit apo nag-aalala ka ba sa kalaro mo? Huwag kang mag-alala lagi mo lamang ipagdadasal sa amang nasa taas na sana gumaling na siya sa karamdaman meron siya. Tiyak makikinig siya dahil mabait kang bata,"wika pa nito.

Tumango naman si Babz. Halos gabi-gabi nga'y ipinagdarasal nito ang paggaling ni Bokz. Napag-alaman niyang may hika ito at marahil napagod ito noong hiking nila. Sinisi niya ang sarili at halos araw-araw ay nagpupunta siya sa mansyon upang makitawag sa telepono na naroon, upang kumustahin at makibalita na rin sa lagay ng kaibigan. Hindi rin pumapalya si Babz na humingi ng patawad sa magulang ni Bokz. Ayon sa mga ito'y huwag niyang sisihin ang sarili dahil wala siyang naging kasalanan sa nangyari rito...

MAKALIPAS ang ilang Buwan ay hindi pa rin bumabalik sa Bayan nila si Bokz.

Kada-hapon ay lagi namang dumadaan si Babz sa sari-sari store ni Aleng Bebe. Matapos niyang makuha ang Ice Pop at mapahati iyon sa tindera ay umupo na siya sa bangko na naroon. Ipinatong lang naman niya ang kahating Ice Pop sa tabi ng kinauupuan. Nakagawian na niya iyon upang alalahanin si Bokz.

Labis talaga siyang nalulungkot.

"Alam mo ba Babz magmula ng maging magkabigan kayo ni Bokz ay malaki na ang ipinagbago niya. Lagi na siyang nakangiti at masigla. Ang sabi niya masaya siyang nakilala ka niya na hindi ka niya makakalimutan..."Iyon ang huling usap nila ng Kuya Warren ni Bokz may limang buwan na rin ang nakararaan.

Mabilis niyang pinalis sa pisngi ang mga butil ng luha na nagmalabis.

"Ang daya mo! Ang daya mo Bokz!"Atungal niya kasabay ng pagbulusok pang lalo ng luha niya.

Wala na siyang kapaki-paki kong pagtitinginan na siya ng ibang mga estudyante na bumibili. Kahit sa ganoon na lang ay mailabas niya ang lahat ng pagkamiss niya sa presensiya ng kaibigan na si Bokz.

Mabilis siyang lumingon  ng may umupo at kumuha sa Ice Pop na ipinatong niya para sa kaibigan.

Lalong nanubig ang magkabilang mata niya. Wala na siyang pakialam na sa isang iglap ay yumakap siya rito.

"Oh bakit ganyan ang reaksiyon mo? Namiss mo ko nuh!"Natatawang ani ni Bokz na panay ang sip-sip sa Ice Pop.

"Aba siyempre namiss ko ang kaartehan mo senyorito, m-mabuti naman at nakauwi ka na. Nextime huwag kang maglilihim na may sakit ka, para hindi ako nag-aalala."Masayang-masaya naman na sabi ni Babz.

"Oo na, sarap talaga nitong Ice Pop, namiss ko 'tu. Pero mas namiss ko ang best friend  ko."Si Bokz na nakatutok ang tingin kay Babz.

Sabay pa nilang pinagdikit ang Ice Pop na hawak-hawak.

Nang dahil sa pagbili ng Ice Pop ay isang matibay at matatag na samahan ang nabuo sa pagitan ni Babz at Bokz, kahit ibang-iba man ang estado nila sa buhay...

WAKAS

🎉 Tapos mo nang basahin ang ✔️Ice Pop (ELEMENTARY SERIES 11)COMPLETED 🎉
✔️Ice Pop (ELEMENTARY SERIES 11)COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon