CHAPTER FOUR

29 3 0
                                    

DUMATING ang pinakahihintay ng lahat ng estudyanteng katulad nila ni Bokz. Iyon ay ang araw ng camping.

Tuwang-tuwa si Babz dahil for the first time ay makakasali siya. Pasalamat siya dahil ang mga magulang ni Bokz ang kumumbinsi sa lola niya. Dahil unang beses na aattend din naman si Brake.

"Goodmorning! Tara! mas maganda kong maaga tayo para makapamili ka ng pwesto mo na paglalagyan ng tent niyo sa school flag pole ground."

"Bakit ba kasi may ganito pa,"gigil na asik nito habang tuloy-tuloy sa paglalakad.

"Ayaw mo niyon ma-experience mong makasali sa ganitong mga event ng school,"nakangiting sabi ni Babz na sumunod na rito habang bit-bit niya ang gamit nito.

"Ewan ko sa inyo, wala rin naman magiging silbi ito. I'm so tired of this, mas okay na mag-stay na lang ako sa bahay kaysa ganitong nagpapagod ako!"Reklamo ni Bokz na hindi maipinta ang buong pagmumukha.

"Ano ba, paano ka mapapagod kong ako naman ang bahala sa lahat senyorito. Kaya stay ka lang and watch!"Itinaas-taas pa ni Babz  ang dalawang kilay. Iiling-iling na lamang si Bokz sa pag-e-english nito.

Hindi na siya nagcomment, wala naman na siyang magagawa. Dahil iyon ang parehas na utos ni Donya Gracia at Don Rufo maging ang Kuya niya. Pakiramdam niya pinagkakaisahan siya ng buong pamilya niya!

Iyon nga, halos wala siyang ginawa kung 'di manuod lang naman sa mga activities. Hindi naman siya pinipilit na magparticipate, kumbaga may special treatment for him. Dahil malaki ang shares ng mga parents  niya sa school na pinapasukan niya ngayon.

Hanggang sa dumating ang bonfire mangha-mangha siya at the same natutuwa dahil kakaibang experience naman talaga ang mababaon niya.

"Oh ano, nakakaenjoy diba? Sabi ko sa'yo eh mag-e-enjoy ka. Mabuti na lang napapayag ng parents mo na payagan ako ng lola kong samahan kita dito."

Tuwang-tuwa naman si Bokz sa nakikitang katuwaan sa mukha ni Babz sa mga sandaling iyon. madilim-dilim dahil tanging ang sinag ng nagliliyab na bonfire ng liwanag sa buong paligid.

"Oo nga e halata nga, kaso nakakamiss walang Ice pop dito."naibulong ni Bokz.

"Asus! kapag natapos ang camping sabay naman tayo bibili sa may sari-sari ni Aleng Bebe eh. Promise!"pananata pa ni Babz na itinaas pa ang kanang kamay.

"Sabi mo eh." tugon na lamang ni Bokz at muling ibinaling na nito ang pansin sa bonfire na nanatiling nakasindi.

Sa buong magdamag ay nanuod lang silang dalawa sa mga kaklase at ibang mga estudyante sa iba't ibang level ng school nila sa naganap na yell and song at Dula-dulaan na pinagbibidahan ng mga sip-sip ay esti honor student sa paaralan nila.

KINABUKASAN

Dahil two days lang naman ang camping  ay ang hiking naman nila ang naganap. Sa sandaling iyon ay labis na natuwa si Babz na pumapayag si Bokz na umakyat sa bundok kasama nilang mga kaklase.

Tuwang-tuwa sila  dahil iba't ibang obstacles at challenge ang pinagdaan nila. Nakakapagod pero sobrang masaya silang lahat.

Pinagtawanan pa nga ni Babz si Bokz na unang beses na maliligo sa ilog ng Mayantoc, wala itong choice dahil nanlalagkit sila dahil sa pawis, basang putik kung saan ba naman sila pinagapang. May mga tae pa naman ng hayop ang pinaglalagay ng mga higher student sa nadaan nila. Kakaiba man pero sobrang nag-enjoy sila.

NAGLALAKAD na nga pauwi si Babz at Bokz sa mga sandaling iyon bitbit nila ang mga gamit nila.

Sa pagkainip sa pagdating ng driver nina Bokz sa school ay napagpasiyahan ba nilang lakarin ang pauwe. Dahil walking distance lang naman ang school kung saan sila pumapasok.

"Pabili po Aleng Bebe!"Pagtawag ni Babz mula sa harapan ng sari-sari store nito pagkarating nila roon.

Agad naman lumabas ang tindera na nangiti ng makitang magkasama sila ni Bokz.

"Wow! bakit kayo magkasama ngayon? Bati na kayo?"Tanong ng usiserang tindera.

"Matagal na po Tita hindi lang halata."tugon ni Babz na madaldal.

"Pabili na lang po ng Ice Pop."agaw-pansin ni Bokz na nakasimangot na naman.

Tatawa-tawa naman pumasok sa loob ang tindera.

"Naku! iha, ubos na pala. Iisa na lang natira,"tugon nito pagkabalik.

"Okay na po 'yan bayaran ko na."Agad na naglabas ng pera si Bokz. Tuwang-tuwa ito habang hawak-hawak ang nag-iisang Ice pop na parehas nilang gustong-gusto.

"Oh ba't ka nakasimangot?"tanong ni Bokz. Iniintay pa nito ang pagbalik ni Aleng Bebe para ibigay ang sukli niya.

"Eh iyan andaya kasi eh! Bakit ngayon pa! Hmp!" Lalong nalukot ang mukha ni Babz.

Sa pagdating naman ni Aleng Bebe agad na inabot nito kay Bokz ang sukli niya.

"Pwedi pong pakihati ito tita,"ungot ni Bokz.

Agad naman hinati niyon sa dalawa gamit ang gunting.

"Halla! thank you bakit sobrang bait mo ngayon?"takang tanong ni Babz na panay na ang sip-sip sa Ice Pop na ibinigay ni Bokz rito.

"Your welcome and thank you for always being there for me Babz,"puno ng kislap ang mata na saad ni Bokz rito.

"Asus! nagdrama ka pa huh!"Kantiyaw ni Babz.

"Luh! Basta Salamat sa lahat-lahat."si Bokz na unang beses na totoong nagpapasalamat sa masasayang memories nila ni Babz.

✔️Ice Pop (ELEMENTARY SERIES 11)COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon