CHAPTER THREE

34 7 0
                                    

MALAYO pa lang si Babz ay kitang-kita na nito mula sa harapan ng sari-sari store ni Aleng Bebe si Bokz. Gusto man niyang iwasan ito ay hindi niya magawa. Sumaglit lang kasi siya, kailangan niyang bilisan dahil may pinapatapos pa ang lola niya. Sa ilang Buwan na nagkakaharap sila sa eskuwelahan na pinapasukan dahil sa parehas sila ng classroom nito ay hindi sila nagpapansin. Maging sa mansyon man ng mga ito o dito sa sari-sari store ay hindi nila maiwasan magbangayan na dalawa.

Ewan nila pero parang aso’t pusa sila kapag magkaharap.

“Tao po! Tao po! Aleng Bebe pabili po!”Pagtawag ni Babz sa babaeng tindera. Manaka-naka siyang napapatingin kay Bokz na nasa tabi niya lang habang sumimsim ito sa Ice Pop na kabibili lang nito marahil.

Sa dami ng hindi nila pagkakaintindihan, tanging ang pagbili ng paborito nilang Ice Pop sila nagkakatalo. Walang biro iyon, dahil napag-alaman niya sa Kuya nitong si Warren na mahilig talaga ang kapatid nito roon. Halos punong-puno ang ref nila ng ganoon. Kaya nagtataka si Babz, bakit parati pa rin itong nagpupunta sa sari-sari ni Aleng Bebe kung madaming ganoon sa mansyon ng mga ito.

Sabagay para ano pa ba? Eh di para bwesitin siya. Iyon un!

“What you’re staring huh?” Inis na sita ni Bokz.

“A-ano? Pwedi pakitagalog.”sabi ni Babz na napanguso sa pag-english nito.

“Ahy boba! Dukha talaga!”pangiinsulto nito. Dahil sa narinig ay masama ng tinitigan ni Babz ito. Walang ano-ano’y agad na hinablot nito ang hawak-hawak na ice pop ni Bokz. Walang habas na itinapon iyon ni Babz sa harap din nito.

“Bastos ka! Dapat sa’yo hindi binebentahan dito!”Gigil na asik ni Babz.

Nanatili lang naman nakatitig si Bokz rito, tila nagulat sa ginawa niya. Hanggang sa sumulpot na nga si Aleng Bebe.

“Oh heto iho, sukli mo…”agaw-pansin nito.

Agad naman kinuha ni Bokz iyon at dire-diretsong naglakad paalis. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng muli niyang marinig ang tinig ni Babz sa likuran niya.

“Sa uulitin ay huwag kang mayabang, hindi porke’t nanggaling ka sa nakakariwasang pamilya ay may karapatan ka ng tapak-tapakan ang pagkatao ng ibang tao.”sabi ni Babz na inunahan na siya sa paglalakad.

Sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya nagsalita. Napakunoot noo pa si Bokz ng makita niyang pinapasok ito sa malaking gate nila ng guard na nakabantay doon.

Kitang-kita ni Bokz ang pagkaaliw ng matandang gwardiya kay Babz. Dahil sadiyang matabil ito. Bigla ang pagtahimik at pagseryuso ng gwardiya ng mapansin siya nitong palapit.

Dumiretso na si Bokz sa loob, nanatili lamang ito sa loob ng silid niya. Inaabala lang naman niya ang sarili sa panunuod ng cartoon show sa Netflix. Hanggang isang katok ang nadinig niya sa pinto.

Walang gana pa siyang tumayo mula sa kinahihigaan. Agad ang pagsasalubong ng kilay niya ng makita niyang si Babz iyon.

“Tara maglaro tayo sa baba…”yakag nito. Ngunit umiling lamang siya. Tatalikod na sana siya ng mahigpit na siyang hinawakan at hinila pagkatapos nito. Tuloy-tuloy lamang sila sa may garden.

“Ano ba ang init-init.” Reklamo niya.

“ 'Wag ka ngang epal Bokz, dito tayo oh gawa tayo ng sand castle.”

“Ayuko madudumihan kamay ko.”

“Eh gusto mo taya-taya? May dala-dala akong text dito, kung ayaw mo naman may hollen din ako rito… “patuloy pa ni Babz.

“Hindi ko naman alam laruin mga ‘yan…”himutok ni Bokz at naupo sa silong ng pine tree.

“Ano ba gusto mong laruin?” Si Babz.

“Tagu-taguan tayo.”sabi naman ni Bokz.

“Sige, ako na magiging taya.”

Agad ng pumikit at sumandig si Babz sa puno. Nagbilang na siya ng hanggang sampo. Nang matapos ay dali-dali na siyang naghanap rito.

Ngunit kahit anong hanap niya ay 'di na niya makita si Bokz. Nag-alala tuloy ito.

“Anong problema Eliza?”Tanong naman ni Warren ng malabasan siya sa may garden na panay ang linga.

“Eh kuya hinahanap ko si Bokz. Naglaro kasi kami ng tagu-taguan, hindi ko naman aakalain na magaling siyang magtago.”

“Ganoon ba, e parang nakita ko siya sa kwarto niya.”sabi nito.

Napaawang naman ang bibig ni Babz, walang ano-ano'y dire-diretso ng naglakad papasok sa mansyon ito. Mabuti na lang at hindi na siya iba sa pamilya nina Warren. Bata pa lamang siya ay panay pasok na siya roon. Halos kabisado na rin niya ang kabuuan niyon. Minsan pa nga ay tumutulong siya sa paglilinis sa malaking mansyon.

Nagkasalubong agad ang kilay ni Babz ng makita niyang naroon nga si Bokz at tiyesong nakahiga lang sa king size bed nito.

“Hoy! Akala ko ba maglalaro tayo. Hindi mo naman sinabi na ayaw mo, basta mo na lang ako iniwan doon!”Maktol ni Babz na tumayo sa paanan ng kama ni Bokz.

Nanatili lang naman na nakatutok ang mata ni Bokz sa harapan ng telebisyon.

“Hindi ka ba talaga iimik? Ang sarap maglaro sa labas eh. Bakit ka ba nagkukulong na lang dito.”pangungulit ni Babz.

“Pwedi ba umalis ka na nga lang!”Galit na bigkas ni Bokz. Nagulat pa siya sa lakas ng boses nito.

“B-bakit ka ba nagagalit? Ayaw mo niyon may nakikipagkaibigan sa’yo sa school lagi kang napapa-trouble.”

Kinabahan pa si Babz ng makita niya ang madilim na mukha ni Bokz ng bumaling iyon sa kanya. Kainis naman kasi bakit hindi niya mapigil ang bibig.

“Hee! Sinungaling! Akala mo ba hindi ko alam. Pinakiusapan ka lang naman ni Mommy at Daddy, kakuntyaba mo pa ang Kuya ko. I don’t need a friend like you kaya layas!”Muling bulyaw nito. Halos hiningal ito sa sinabi.

Hindi naman nakapagreact si Babz, dahil tama ang inaakusa ni Bokz sa kanya. Tuluyan na nga siyang lumabas ng pinto nito.

Inaakala naman ni Bokz ay umuwi na ito, ngunit laking pagtataka niya ng makita niyang pumasok uli ito. Sa ngayon may bitbit na itong plato na may laman na mga ice pop.

“S-sorry na, pero sana maging magkaibigan tayo mas nakakagaan sa loob iyon… kaya sige na kuha ka na.”mahinang sabi ni Babz na naupo sa sofa sa may tabi ng kama ni Bokz.

“O-okay peace offering ba 'tu? As if naman sa ref namin mo iyan kinuha,”may ngiti na sa labi na saad ni Bokz.

Tumango naman si Babz habang patuloy sa pagsimsim ng Ice Pop.  “Oo nga eh, andami niyo ngang stock senyorito. Kaya nagtataka ako kung bakit panay punta mo pa rin sa sari-sari ni Aleng Bebe…”

“Para makita ka…”mahinang anas ni Bokz.

“Huh! Ano kamo? Para makita ako? Yuck!”Tatawa-tawang sabi ni Babz.

“Bingi ang sabi ko para makita ka at maasar!”Pero nakatawa na si Bokz. Dahil panay pa rin ang halakhak ni Babz. Halos maglupasay na ito sa carpet ng silid niya.

Sa tinagal-tagal na panay bangayan sila ay iyon ang unang beses na nag-usap sila ng maayos.

Sana nga magtuloy-tuloy na iyon.

✔️Ice Pop (ELEMENTARY SERIES 11)COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon