Suddenly

44 1 0
                                    

Allysah's POV

Nakatitig lang ako sa phone ko habang nakahiga sa kama

2 days, walang paramdam...EDI WOW! 

Napahawak ako sa pisngi ko at doon ko lang nalamang umiiyak na pala ako

Bakit bigla siyang hindi nagparamdam? 

Pag pumupunta ako sakanila sabi wala siya, di sinasagot tawag at text ko at kahit chat pa man

Rafael ano bang nangyayari sa atin? 

"Ulaaaaaan! Ulaaaan!* (ringtone ko boses ni raprap)

Kinuha ko yung phone ko dahil baka si Raprap na yun, pero nalungkot ako ng malamang si Chands pala yun

"Hello?" walang buhay kong sagot, di nila alam ang tungkol samin ni Raprap dahil dalawang araw na din akong di lumalabas ng bahay

"Hey, anong problema?"

"Ha? wala ah"

"Wala ah? okay fine, tara sama ka samin gumala"

"Pero---"

"BAWAL TUMANGGI" binabaan niya ako kaya no choice ako

Okay na rin siguro to para di ko maisip si Raprap kahit saglit lang

Naligo ako at nagbihis ako ng simple gray vneck shirt at maong pants

Nagcommute nalang ako dahil malapit lang naman yung mall, nakakatamad din magdrive eh

Pagbaba ko palang sa jeep nakita ko na ang nakakunot na noo ng mga kaibigan ko

"Anong oras na kaya? sabi ko sa text 3:00 pm eh" pagpaparinig ni Joyce

"Sorry na" I smiled at them tsaka kami pumasok ng mall

"Dun tayo sa seafood resto,nagcacrave ako sa shrimps eh" 

"Buntis ka nanaman ba Chands?!" gulat na tanong ni Joyce

"What? hindi ah!" natawa nalang ako at pumasok na kami ni Maddie sa resto

Umupo kami sa may upuan sa may glass

"Waiter!" 

 "Yes ma'am?" 

"Isa neto, eto, eto,eto at eto" puro eto lang naintindihan ko kay Chands -_-

"Okay ma'am" umalis na yung waiter at napatingin naman ako sa may labas, pero dapat ata hindi na

"Uy Allysah? bat ka umiiyak?" napahawak ako sa pisngi ko at oo nga umiiyak na ako

Tumingin din sila kung saan ako napatingin at napatayo agad si Joyce

"Anong ibig sabihin neto? NILOLOKO KA BA NIYA ALLYSAH!?" napapikit ako ng mariin

Kahit ayokong isipin na niloloko niya ako pero kitang kita ko eh

"SUSUGURIN KO YANG BABAENG YAN SINASABI KO SAYO ALLYSAH!" 

Ang sakit, ano bang nagawa ko? mahal pa ba niya si Tanya?

Napakamartir ko, nasasaktan na ako pero nakatitig pa din ako sakanila---na naghahalikan 

Iniwas ko ang tingin ko at tumayo na

"I'm sorry girls pero gusto ko ng magpahinga" 

"Hatid ka na namin" offer ni Maddie

"No I'm fine really, hayaan niyo muna ako"

Tumakbo ako at hindi ko namalayan nasa labas na ako ng mall

Di ko napigilang umiyak kahit pinagtitinginan ako, dahil ang sakit sakit ng lahat ng nakita ko

Promise of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon