Time

10 0 0
                                    

Tristan's POV

"There you are. Ang gwapo gwapo ng hub ko" she smiled after she tied my necktie

"You're so beautiful wife" ngumiti siya at binigyan ako ng smack

"Hub handa ka na?" Bumalik nanaman sa isip ko ang dahilan kung bakit kami naghahanda ngayon

Magkikita kami ni dad. After how many years. Maski nga nung kasal ko wala siya, nung binyag nila Dylan wala siya, nung mga panahong kelangan ko ng ama WALA SIYA

Ngayon pa siya darating? Kung kelan may pamilya na ako

"Hub" nakikita ko ang pag aalala sa mata ni Chands kaya nginitian ko nalang siya

"Kaya ko wife. Don't mind me. Tara na?" She nodded at sinundo na ang mga bata sa kabilang kwarto

Kaya ko nga ba? Oo ramdam ko ang ulila at kagustuhang makita muli siya. Pero yung sakit at galit, nangingibabaw sa puso ko

"Tara na hub?" Tumakbo palapit sa akin si Xyra kaya binuhat ko siya

"You're so beautiful baby"

"Like mommy?" She smiled sweetly na nagpawala ng mga iniisip ko

"Yes baby, like mommy"

5 minuto na ang lumilipas nang makarating kami sa bahay nila mom. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, di ko alam pano haharapin si dad

"Hub dito lang ako" she held my hand and gave me a reassuring smile

"Let's go?" Bumaba na kami sa kotse at pumasok na sa bahay

Naririnig ko ang ilang mga boses mula sa dining area. Sa pagkakaalam ko kami nalang ang hinihintay

Pagpasok sa dining ay tumahimik ang mga tao, nadako ang tingin ko sa lalaki na nakaupo sa gitna. Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamay ko kaya umiwas ako ng tingin

"Anak nandyan na kayo" bumeso sa amin si mom at nagmano sakanya ang mga bata

Ganun din ang ginawa namin sa mama at papa ni Chands

Ang mga bata ay umupo sa tabi ni ate Leanne at ate Cris

"Anak dito na kayo maupo"

Ngayon ko lang napansin ang dalawang babae. Ang isa ay kasing edad siguro ni mama at ang isa naman ay nasa 16-18 siguro ang edad. Di ko sila kilala kaya kumunot ang noo ko

"Ah anak, she's Lanie asawa ng dad mo" hindi ako kumibo at di ko sinuklian ng ngiti ang babae

"Hi I'm Lanie and this is my daughter, your sister perhaps. Kara"

"Hi kuya!" Napatitig ako sa babae, kitang kita ang saya sa mata niya. Kamukha niya si dad.

Naiinggit ako, siya buo ang pamilya niya. Inagaw nila sa amin si dad. Sila masaya kami hindi.

"I'm not your brother" napahigpit ang hawak sa akin ni Chandria dahil sa naging sagot ko

"Ah Kara, pagpasensyahan mo na si Kuya mo. Ako nga pala si ate Chandria. Asawa ng kuya mo. You're beautiful, kahawig mo si ate Leanne"

"Salamat ate, ang ganda at ang bait mo po" ngiting bati nito kay Chands

"So kain na tayo" nagsimula kaming kumain. Nagkakaroon ng kwentuhan ngunit di ako nakikisali. Sumasagot lang ako pag kailangan

Buong gabi tahimik lang ako, si Chands ang sumasalo sa akin pag nagtatangkang magtanong si dad

Nakaupo ako sa may garden habang sila ay nag uusap usap sa loob. Hinayaan ko muna si Chands dun sa loob, kausap niya kasi sila Ate Cris, Ate Leane, Kurt at Kuya Drew

Promise of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon