Ivan's POV
"Babe yung totoo, di ko kasi magets eh?" I smiled at my future wife tsaka nagsimulang ikwento and lahat
Flashback:
*tok* tok*
Tahimik lang ako na nakahiga at umiiyak, hindi ko matanggap na iniwan ako ni Joyce
Paano niya nagawa yun sakin? Niloko niya ako?
"Ivan?"
"What?" I asked coldly
"Sumama ka samin" sagot ni Chands
"And why?"
"Kung gusto mo pang malaman ang totoo sasama ka" matigas na sabi ni Maddie
Totoo? anong totoo?
"Anong sinasabi niyo?"
"Sumama ka na kung ayaw mong mahuli ang lahat"
Medyo napaisip ako at pumayag naman ako dahil gusto ko malaman ang totoo
Tinakas nila ako dahil di daw ako papayagan lumabas pa pero importante daw kasi talaga to
Ilang minuto pa nakarating na kami sa bahay nila Joyce
Lumabas kami ng kotse at nagdoorbell
"Ay ma'am pasok po kayo" sabi ng maid nila Joyce kay Chands
"Salamat ate"
Pagpasok sa loob ay laking gulat ko ng makita ko ang lalaki sa picture na pinakita sakin ni mama
Nanlisik ang mata ko at akmang susugod na paakyat ng hagdan pero pinigilan nila ako
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Kuya, sabihin na natin kay Ivan ang lahat...Wag na natin silang pahirapan" kuya? what is happening here?
"Fine but may request ako pagkatapos kong ikwento ang lahat,makabubuti ito para sa relasyon niyo Ivan...Umupo muna kayo" umupo kami sa couch na mahaba at bago magsimula ay nagbuntong hininga siya
"Kinausap ng mama mo si Joyce noong nasa coma ka, they had an agreement.... Pinapalayo ng mama mo si Joyce sayo dahil ayaw ka mapahamak ng mama mo, humingi si Joyce ng isang linggo at sa loob non ay parati lang siyang nasa ospital, hindi din siya umuuwi at doon na natutulog, I am not Joyce's boyfriend---I'm her cousin... Marahil di mo ako natatandaan cause we never meet" I closed my fist and my jaw clenched
"I need to talk to my mom, at pupuntahan ko din si Joyce" akmang tatayo na ako pero nagsalita pa si Cliff
"Yan ang huwag mong gagawin, ako ang pupunta kay Joyce... Wag mo muna siyang kausapin about this, pwede mo siyang tignan sa malayo pero huwag ka munang lumapit...Let her realize her mistake...Hindi siya naging malakas para sa relasyon niyo..Dapat niyang matutunan ang ipaglaban ang relasyon niyo kaya magtiis ka muna at ako ang magbabantay sakanya, wag kang mag-alala mahal ka niya at alam ko marerealize din niya to" tama si Cliff pero kaya ko ba yun?
"Para sa relasyon niyo" tumango ako at lumabas na
Kailangan kong makausap si mama, kailangan ko malaman ang side niya
"Son, saan ka ba nanggaling?" nag-aalalang tanong ni mama
"Ma, umamin ka sakin...Kinausap mo ba si Joyce para layuan ako?!" halatang nagulat siya sa sinabi ko at napayuko siya
![](https://img.wattpad.com/cover/9884308-288-k637178.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise of Love
RomantikWill problems can ruin their relationship? Or they can hold on into their promise of LOVE?