Allysah's POV
Kakahatid lang sakin ni Rafael sa bahay at hanggang ngayon nasa labas pa din ako ng bahay
Gosh! bakit ganito ang nararamdaman ko? bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Napahawak ako sa labi ko at napapikit ako, bakit ganon? lalong lumakas ang tibok ng puso ko
"Allysah nak? nandyan ka na pala, si Mark nasa sala"
"Ah sige po susunod na po ako" umalis na si manang at naiwanan ulit ako sa labas
Makapasok na nga at baka naghihintay na si Mark, pero pahawak pa lang ako sa gate ng may magtakip ng panyo sa bibig ko at unti unting nagdilim ang paningin ko
Mark's POV
"Manang nasan na po si Ally?"
"Aba sabi ko sumunod na, eh anak silipin mo nga at baka nagpapahangin sa garden o baka nasa labas pa"
Tumayo naman ako at lumabas pero wala si Ally
"Manang" tawag ko mula sa labas, papasok na sana ako ng may maapakan ako
Phone ni Allysah to ah? Masama ang kutob ko
"Oh nasan si Allysah?"
"Manang nawawala po si Allysah kasi po wala siya dito tas nakita ko po to sa lapag"
"Nako, nasan na kaya ang batang yon" isa lang ang pwedeng gumawa nito
"Manang hahanapin ko po siya, mauna na po ako" agad akong sumakay sa kotse at pinuntahan siya
Siya nalang ang makakatulong sa sitwasyon ngayon
Rafael's POV
"Good mood ka pre?" napatingin ako kay Ivan na nakaupo sa kama ko
"Nagdate sila ng Allysah niya eh" sagot naman ni Ken
"Hoy, kayong dalawa ano bang trip niyo at nandito kayo sa kwarto ko?"
"Boring eh" sagot naman ni Ivan
"Oh eh bat hindi mo asikasuhin ang kasal mo?" tanong ko kay Ivan
"Magkaaway nga kami ni Joyce ngayon eh"
"Bakit nanaman? nakadalawang propose ka na sakanya nag-aaway pa din kayo?"
"Eh kasi pupunta dapat kami sa wedding organizer namin eh kaya lang nagkaproblema sa kumpanya tas hindi ko siya natawagan"
"Ay kaya lagot ka di na matutuloy kasal niyo!" pananakot ni Ken
"Loko ka tadyakan kita diyan eh"
"Ser may bisita po kayo" napatingin ako sa pinto at tinanguan si manang
"Baba lang ako" tumango sila kaya lumabas na ako
"Mark anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkakita ko sakanya
Nilapitan niya ako at nagulat ako ng sapakin niya ako
"Anong problema mo?!"
Hinatak niya ako palabas at huminto sa kotse niya
"Sumakay ka"
"Ano bang nangyayari? ano bang problema mo?!"
"SI ALLYSAH! NAWAWALA SIYA AT MAY KUTOB AKO NA ANG FIANCE MO ANG MAY KAGAGAWAN NITO! HANAPIN NATIN SIYA" napatigil ako, hindi ko alam ang gagawin ko
"Ano?"
"Dalian mo at tawagan ang fiance mo na may sayad ata!" inis na sigaw niya
"Wag muna natin isisi kay Tanya, hindi tayo nakakaisgurado! pumasok ka muna sa loob at pag-usapan ang gagawin natin" kinakabahan ako, malakas din ang kutob ko na si Tanya yun pero hindi pwedeng magpadalos dalos. Natatakot din ako sa maaring mangyari kay Allysah, sobra sobra...Pero kailangan namin kumalma mas makakatulong yun
BINABASA MO ANG
Promise of Love
RomanceWill problems can ruin their relationship? Or they can hold on into their promise of LOVE?