AOTS 5

9 1 0
                                    

His company feels comfortable that's why I easily get along with him.

They called for a break... kaya agad din akong pumunta kay Migo. Well, sayang yung pagkain dun baka itapon niya lang mamaya kung 'di ko tatanggapin.

"Oh? You're here." He immediately clean his table and place his things aside. Dinala niya sa harap ko ang inorder niya kanina.

"Salamat po."

"Hey, that's foul! Tigilan mo kasasabi ng 'po' diyan." I started sipping on my coffee.

Natawa nalang ako sa itsura niya.

"Anong ginagawa mo kanina? Kahapon din kasi nandito ka?" I look on his laptop as if it's a cue.

"I am handling my own business in Manila but I want to stay here so I work on my laptop."

"May business ka na? Wow! 'Di ilang taon din siguro agwat mo sa akin? Hula ko nasa 23 or 24 ka na."

"So? Anong pinupunto mo?" He gave me a questioning look.

"That I should call you 'Kuya'," I quoted the last word I said.

"Because?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Because- mas matanda ka sa akin?" Lumagok akong muli sa baso ko.

"Oh, fuck!" He ran his fingers through his hair. "Bakit hindi mo tawaging kuya yung boss mo ha?"

"Isang taon lang ang tanda niya sa akin unlike you."

"He's still older than you!" He sighed. "Just talk to me casually, Ennery." Then he glared at me as if he's warning me.

"Woah! Okay, sige." I even raised my both hands as a sign of defeat.

That day ended as Migo dropped me off on my house. Ilang oras din siyang nakaupo sa table niya at ng paalis na ako ay nakita kong nandoon na siya sa pintuan ng cafe. Ayaw ko na sanang abalahin pa siya sa paghatid sa akin pero nagpumilit siya kaya ending hinatid niya ako.

Sa mga nakaraang araw ay lagi kong nakikitang nadoon sa cafe si Migo. Same table and same order... lagi din siyang nakakahanap ng paraan para makausap ako ng saglit. Nirerequest pa nga daw na ako ang magdala ng order niya. Yung ibang crew pa sa akin nagtatanong kung anong oorderin ni Migo.

Wala naman akong magawa kasi ang kulit. Kaya nakikita ko na lang ang sarili lagi sa harap niya tuwing break. Nahihiya na lang ako dahil siya na nagbibigay ng meryenda ko. Nakakaloka!

Mabuti at off duty ako every weekend kung hindi ay baka buong linggo ko makikita ang mukha ni Migo.

Sinabi ni Majestia na nagiging kumportable siya na kasama ako at siya namang kinasaya ko. I'm glad to have her kahit medyo tahimik siya minsan na sobrang kabaliktaran ko ay masaya pa rin ako dahil nararamdaman kong totoo siya sa akin.

"Maj, nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain ng chips.

Nandito kami ngayon sa malapit na tamabayan sa quadrangle. Sinasabay namin ang pagkain sa pagrereview dahil sayang din naman ang oras ng break kung tutunganga lang kami kaya napagpasiyahan naming magbasa na lang ng notes. Ito na rin ang nakasanayan naming gawin tuwing break time.

"Hindi pa," simple niyang sagot.

"As in wala ni isa?!" Nagulat ako dahil sa ganda ba naman niya kahit siguro bulag maiinlove sa kaniya noh... saka taga Manila siya.

"Wala talaga Nish," natawa siya.

"Akala ko kasi kapag taga syudad mga liberated." Depensa ko.

"Hindi naman lahat... may mga kagaya ko na istrikto ang parents at inuuna ang pag-aaral."

ANCHOR OF THE SOUL (Montellano Series#2)Where stories live. Discover now