AOTS 21

0 0 0
                                    

Matapos ang kasal namin ay agad kaming umalis patungong Paris para sa honeymoon namin. Hindi ako makapaniwalang napaghandaan niya ang kasal namin ng husto.

Dalawang linggo din kaming nagbakasyon. Pagbalik namin ng Pilipinas ay nakaplano na akong bumalik muli sa pagtuturo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay siya lang ang gagastos para sa amin.

I'm saving for us, too.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa bahay, hon."

Nasa loob kami ngayon ng kotse. Migo's driving while I'm seating at the front seat.

"It's a surprise, my wife." He smiled at me.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa pagod dahil sa mahaba habang biyahe.

"Hon, we're here."

I groaned. Binuksan ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ng asawa ko.

"Tara na, naghihintay sila sa loob." Lumabas ako sa kotse at hindi makapaniwala sa bumungad sa akin.

Napakalaking bahay at ang elegante ng disenyo nito.

"Anong ginagawa natin dito?" I look at my husband.

"This is our house, hon... our home where we can build our own family from now on." Napatakip ako ng bibig ko.

Kailan niya kaya naman ito binili? Halatang sobrang mamahal ng mga materyales.

"Pinagawa ko ang bahay na 'to since you came, hon. I was already planning to build a house but I didn't have reason yet... until you came. I already plan on marrying you since day one."

"Hindi ko alam kung gaano mo ako pinasaya Migo. Salamat," niyakap ko siya. I'm being emotional here.

"No, hon. I should be the one to thank you. Thank you, because of you my life has a direction now."

Pumasok kami sa loob at naabutan namin sila Mama Ven at Papa Migs.

They congratulated us for our wedding again... at nanghihingi na sila ng apo.

Sobrang saya ko na natatakot ako sa anumang mangyayari kinabukasan.

Napabalikwas ako sa higaan ng maramdaman kong naduduwal ako. I'm still wearing Migo's shirt.

Agad akong dinaluhan ni Migo. "What's wrong, hon? Namumutla ka."

Hindi ako makasagot dahil nasusuka pa rin ako. Hinahaplos lang ni Migo ang likod ko hanggang sa matapos na ang pagsusuka ko.

Tinanong niya ako kung ayos lang ako at tumango naman ako sa kaniya bilang sagot.

"Are you sure?" Tumango akong muli.

Pagkatapos noon ay bumaba na kaming dalawa para kumain. Inihain niya ang niluto pero hindi pa man iyon nailalagay sa plato ko ay naduduwal nanaman ako sa amoy nito.

"Oh sh*t!" Iniwan ni Migo ang ginagawa at muli akong dinaluhan.

"Why don't we consult a doctor, hon?"

"Ayos lang ako. Baka may nakain lang akong ayaw ng tiyan ko kagabi."

"But what if may laman na pala 'to?" Nanlaki ang mga mata ko matapos mapunta ang kamay niya sa tiyan ko.

"You think I-I'm pregnant?" Tanong ko.

"Yes, hon. Mabilis kaya ang mga sperm ko at siguradong may nauna na."

"Sira ka talag!" Pinalo ko siya sa braso.

"Let's go."

We went to the nearest OB.

ANCHOR OF THE SOUL (Montellano Series#2)Where stories live. Discover now