AOTS 25

0 0 0
                                    

"Nagustuhan niyo ba ang kuwento?" Isinara ko ang libro at ibinaling ang tingin sa mga batang nakikinig sa akin.

"Opo!" Sabay sabay nilang tugon.

"Masaya naman ako at nagustuhan niyo. Dahil diyan pwede na kayong magmeryenda!"

"Yehey!" Walang humpay ang ngiti na ibinibigay ng mga bata ng marinig ang salitang meryenda.

Natutuwa ako dahil kahit sa kaunting tulong na naibibigay ko ay napapasaya ko na sila.

Pumila na sila sa harap ng mga ibang volunteers at mga madre. Inaayos ko ang mga libro at mga gamit sa maliit na lamesa ko.

Lumingon ako sa likod ko ng may kumalabit sa akin. "Oh, anong ginagawa mo dito, Candy? Nandun na yung mga kasama mo oh, kumakain na sila."

"Ate Nisha, sabay na po kayo sa aming kumain," binulong niya sa tenga ko.

"Sige ba? Tara na," hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na sa lamesa ng mga bata.

We settle in the seat given to us and pray for the food we have before eating.

"Salamat sa pagdalaw mo palagi dito, Nisha. Natutuwa ang mga bata sa'yo at higit sa lahat ay natututo din sila." Sambit ni Sister Emily.

"Wala naman pong problema sa akin yun. Masaya din naman po ako sa ginagawa ko. Alam niyo din naman po ang rason kong nananatili rito," paliwanag ko.

"Hayaan mo at isasama palagi kita sa mga dasal ko Nisha."

"Sige po, mauuna na po ako." Tiningnan ko ang mga bata at nginitian sila.

"Magpapaalam na muna ko ha? Magpakabait kayo dito, huwag niyong bibigyan ng sakit ng ulo sila Sister, opo?"

"Opo!" Lagi ko silang pinagbibilinan sa tuwing aalis ako dito sa bahay ampunan.

Niyakap nila akong lahat bago ako tuluyang umalis.

Ilang buwan na din akong laging bumibisita dito sa ampunan. My grandmother supported this charity a long time ago until now.

"Lola, nandito na po ako!" Pagsigaw ko ng makapasok ako sa bahay.

"Nisha, apo!" Narinig ko ang boses niya sa kusina. Humalik ako sa pisngi ni lola. "Kumusta ang pagbisita sa ampunan?"

"Gaya po ng lagi kong ginagawa Lola... I read some stories for them and teach them. I am happy all day Lola... especially when I saw their cute smiles," I told her.

"Hindi ka ba napapagod apo? Weekdays you are teaching at the school and every weekends your at the center... wala ka ng time para sa sarili mo, apo, hindi na rin tayo nakakapagbonding." I smiled at her.

"La, this is my dream ever since I'm a child. Gusto ko naman po ang ginagawa ko."

"Sige, hahayaan na kita sa kung anomang gusto mo... pero may hihingin lang sana akong pabor sa'yo apo."

"Oo naman po, La. Ano po ba 'yun?" Tanong ko.

"Here," she handed me a gold envelope.

I open it and read what's inside. "La, bakit sa akin niyo po binibigay 'to?"

"Nisha, you know my condition right. I can't attend that Charity ball that's why I'm asking you to represent me. Matanda na ako at mahina na... hindi na nababagay sa ganyang kasiyahan lalo na at gabi gaganapin. Matitiis mo ba ang Lola mo?"

"Syempre hindi po. I will attend this party in your behalf." I know how much important charities for Lola.

"Then it is settled. Matagal pa naman 'yan. Ilang buwan pa. Don't worry about what you will wear, apo... and you will not be alone in that party anyway. Your Uncle Risk will be there."

ANCHOR OF THE SOUL (Montellano Series#2)Where stories live. Discover now