AOTS 16

0 0 0
                                    

"Clear your sched on weekends." He demanded.

Nakaupo kami ni Migo sa sofa sa sala... nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya habang nilalaro niya ang daliri ng mga kamay ko.

Magdadalawang linggo na mula noong nakasama namin ang parents ni Migo na nagcelebrate ng holidays.

"Bakit?"

"Mom's inviting us on weekends." He said.

"Ha? Anong meron?" I asked.

"It's a special day to celebrate I guess. I told her you can't make it but she said she'll not take a no for an answer." Natahimik ako doon. "If you don't want then I'll tell her that we'll not coming," bakas ang pagkadismaya sa boses niya.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kaniya at hinarap siya. Nasa likod ko ang braso niya para alalayan ako.

"Sige." Simple kong sagot.

"Anong sige? Aren't we coming?"

"Maiintindihan naman ng Mommy mo kung hindi ako pupunta... pero hindi naman kita pinipigilang pumunta. Kahit ikaw na lang muna para hindi siya magtampo."

"Then I won't go." Seryoso niyang tugon.

"Ano ka ba? Party niyo yun... dapat nandoon ka."

"Hindi ako pupunta doon ng hindi ka kasama, Ennery. Tapos."

Sa huli ay sumang-ayon na lang ako. Kaya ngayon bumaba kami sa kotse niya at nandito kami sa tapat ng resort. He's wearing a plaid shirt and shorts... paired with sunglasses. He's a walking temptation beside me.

Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko habang naglalakad kami.

Sinalubong kami ni Mama Ven ng yakap.

"You're finally here. Come, Ihahatid ko kayo sa room niyo." Nauna na siyang maglakad at nagpaalam sa mga kausap niya kanina.

Iginaya na niya kami sa magiging kwarto namin. Nasa pangatlong palapag iyon at nasa dulo.

Binuksan iyon ni Mama Ven at naunang pumasok sa loob. "Dito ang kwarto niyo. Wala na kasing ibang available kaya isang kwarto nalang ang pina book ko para sa inyo. Is that okay, Ennery?" Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"H-Ha? O-Opo," pagsang-ayon ko.

"Maiwan ko na kayo dito." She smiled at me and look at Migo. "Work your ass off Migo." Bulong kuno niya.

Nasa pinto na si Mama Ven nang muli siyang lumingon. "I prepared a swimwear for you, honey. I want you to wear it later on our night swimming!" She said excitedly. "Bumaba na kayo mamaya... I'll tell them to prepare for lunch now." Saka tuluyan na siyang pumanhik.

"Are you okay with this?" Migo suddenly asked.

"Huh?"

"This set up... you and me in one room." Muling sumabog ang kaba sa dibdib ko.

"O-Oo. Walang problema." Sagot ko.

Inalapag na niya ang mga gamit namin. Ako naman ay nagtungo sa balkonahe. The view is aesthetic. Napangiti ako sa nakikita. Marahas ang hampas ng alon na natatanaw ko.

Naputol ang pagtanaw ko sa paligid nang marinig ang malakas na mura ni Migo.

"Fuck!"

Pumasok ako sa loob para tingnan ang nangyayari. Nagulat ako ng may hawak siyang kapirasong stringed undies.

"A-Anong- Bakit mo hawak 'yan?" Tanong ko.

"This was Mom told you to wear. Fuck it!" He cursed.

ANCHOR OF THE SOUL (Montellano Series#2)Where stories live. Discover now