AOTS 10

6 1 0
                                    

"Anong... nangyayari sayo?" Hindi niya pa ako binibitawan sa pagkakayakap niya.

He sighed and let me go. Kumunot ang noo niya nang masilayan ang mukha ko. "Did you cry?"

"Ah, hindi. Napuwing lang, medyo malakas din kasi ang hangin kanina dito at maraming nagliliparang alikabok," pagrarason ko.

"Tsk. Hindi nga. Let's go," he open the door of the car for me and I slid myself in.

He maneuver the car away from the place. Napansin kong ibang daan ang tinatahak ng sasakyan.

"Hindi naman ito ang daan pauwi, ah? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Somewhere that can make you feel relax," he smirked. "But first let's buy food. I'm hungry. I didn't eat breakfast and lunch."

"Loko ka, bakit hindi ka kumain?" Pinalo ko pa ang braso niya.

"I dream about you vanishing. I'm scared and worried. That's why the moment I open my eyes I immediately look for you. Tapos hindi pa kita makita kaya nawalan din ako ng gana kumain... but now you are here."

"Parang nangongonsensya ka pa ah?"

"You should be." I laugh hard when he pouted.

Dumaan kami sa drive thru at muling tinahak ang mahabang daan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Nilingon ko siya pero nasa daan lang ang kaniyang tingin. Nagkibit balikat lang siya.

Ilang minuto lang ay huminto na rin ang sasakyan. Bumaba siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makalabas na ako ay inilibot ko ang paningin.

Dama ko ang sariwang hangin sa lugar. Maraming puno ang nakikita ko sa paligid. Natatakpan ng mga damo ang lupa sa paligid.

"Let's go," pag-aaya niya habang hawak ang pagkaing binili.

"In fairness, ang ganda dito." I commented.

"But we are not yet there Ennery." Nakakunot ang noo ko sa kaniya at nagugulugan ako sa sinabi niya. I saw him smirked at me. "Come on."

Naramadaman ko ang mga kamay niya sa likod at muntik na akong mapatalon. Parang may kuryente iyon na dali daling naapektuhan ang sistema ko. Hinayaan ko na lang iyon at nagsimula ng maglakad.

Lumingon ako kay Migo ng makita ang mabahang sementadong hagdan.

"Aakyatin natin 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Sa taas niyan mamatay siguro ako pagdating sa tuktok. Nakakaloka!

"Yes, Ennery. Don't worry it'll be worth it. Let's go," lumunok ako bago humakbang sa hagdanan.

Kalahati pa lang ang natatahak ko labis na ang pagod na naramdaman. Samantalang ang kasama ko fresh na fresh pa at ako haggard na. "Akala ko ba nakaka relax 'tong pupuntahan natin? Bakit parang mas magkakasakit ako dito? Naku, Migo!" Asik ko.

Pumunta siya sa harap ko at umupo. "I'll carry you," he offered.

Hindi na ako tumanggi at unti unting sumampa sa kaniya. Nang tumayo siya ay muli akong nagsalita. "Ayos lang ba? Hindi ba ako mabigat?" I asked.

"Mabigat? Parang wala nga akong buhat," pinalo ko ang likod niya dahil pinagtatawanan pa niya ang bigat ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad... si Migo lang pala.

Sa wakas ay nakarating din kami sa tuktok.

Napansin ko ang pag-iiba ng kulay ng paligid. Kulay dalandan ang bumabalot dito. Kaya naman napatingin ako sa likuran ni Migo. "Ang ganda," naglakad ako papalapit sa dulo ng bangin na may railings na nagsisilbing harang nito.

ANCHOR OF THE SOUL (Montellano Series#2)Where stories live. Discover now