P2:play date

4 2 0
                                    

Another year had passed

Hindi ko na masyadong nakikita si tyler, hindi na siya pumupunta sa bahay, tinanong ko na din si tita lea pero sabi hindi raw masyadong umuuwi si tyler.

Madalas ko siya nakikita sa likod ng school kasama ang mga barkada niya, minsan naabutan ko pa siya nakikipag-away.

Madalas na ulit siyang mambully sa school, nagsimula na naman ulit siyang mag cutting classes kung hindi man ay natutulog lang ito sa klase.

Tinatanong na din ako nila mama kung anong nagyari, ayaw kong magtago ng kahit ano sa kanila ni mama kaya sinabi ko ang totoo.

"Mag-usap nga ulit kayo ni tyler!"si mama

"Sinubukan ko naman siya kausapin, ma ang kaso lang hindi na po siya nakikinig sakin eh."yumuko ako at tinignan na lang ang sahig ng sala namin.

"Tingin ko nak, totoong gusto ka ni tyler."tinitigan ko si mama dahil sa sinabi niya "minsan lang mangyari ang ganyan nak!"sabi niya at ngumiti "kaya kung ako sayo kakausapin ko na si tyler ngayon, tamang tama, may ibibigay ako kay lea, pumunta ka muna sa bahay nila at ibigay mo iyon." Sabi ni mama at agad na tumayo at umakyat mukhang papuntang kwarto.

Tumayo na lang din ako at nagbihis, maya maya pa ay naglalakad na ako papunta sa bahay nina tyler, may bisikleta naman sa bahay pero ilang block lang naman ng subdivision nandoon na naman agad ako at gusto ko ring magisip ng sasabihin ko kay tyler kung maaring magkita kami.

Hindi ko na namalayan na nadoon na ako huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"Tita lea! Tita lea!"tawag ko

"Sandali!"dinig kong sabi ni tita at binuksan ang gate nila "oh? Ikaw pala, Cara!" Napataas ang kilay ko ng mapansin na nilakasan nito ang boses ng sabihin ang pangalan ko.

"Magandang hapon po, Nandito po ba si---uh may pinapabigay nga po pala si mama!" Napasinghap ako ng inabot ang paperbag kay tita.

Iniba ko ang tanong ng makita si Tyler na lumabas ng pinto nila, unti unti rin siyang lumapit, alam kong nakatingin ito sakin pero hindi ko siya matignan pabalik.

"Ganun ba sige pumasok ka muna, cara!"sabi ni tita tumango ako at pumasok "oh? Saan ka pupunta tyler?"

"S-sa basketball court!"sabi niya at nagmadaling lumabas, nanlumo naman ako dahil doon balak ko pa namang makipagbati na sa kaniya ngayon at aayain siya maglaro...

"Halika hija, naghanda ako meryenda! Kumain ka muna!"sabi ni tita at inaya ako papuntang kusina, sandali kaming nagkausap ni tita bago siya umalis at pumunta sa kwarto niya para daw tignan ang bigay ni mama.

Natahimik akong kumain doon, habang tinititigan ang dalawang papel na nasa kamay ko. Matagal ko ring pinaisipan to.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang makipaglaro, kung kaya ko pa bang magpapanggap, kung kaya ko pa bang sabihin na ayoko kahit na ang totoo gusto ko?

"You're still here, huh?"agad kong natago ang dalawang papel at tumingin sa likod.

"Tyler..."

"Why don't you go home? Tapos na rin naman kayo ni mama diba?"tanong niya gamit ang malamig na boses hindi agad ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin, kinakabahan ako dahil sa boses niya.

Tapos na nga kaming mag-usap ni tita pero gusto ko siyang kausapin.

"Uh...ano...uhm..?"umiwas ako ng tingin

"Tss."sabi niya at pumasok sa kusina kumuha siya ng baso at uminom ng tubig, tinignan ko muna ang mga kamay ko bago ako bumaling kay tyler.

"Can I ask you...something?"sabi ko agad na umiwas ng tingin at namula ng bumaling ang tingin niya sakin

"What?" Ganon pa rin ang boses niya sobrang lamig, halos manindig ang balahibo ko dahil doon.

"Do you still like me, tyler?"tanong ko natigilan siya at hindi nakasagot kaya nagsalita ulit ako "can you play with me?"

"Why did you ask? What play? Huh?"kita ko ang pagpula ng tenga at batok niya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi alam kong may epekto pa rin ako sa kaniya.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko.

"Pick one!"sabi ko tinignan niya iyon at muling tumingin sakin.

"Anong meron jan?" Tanong niya.

"Relationship..."sabi ko at napalunok bago nagiwas ng tingin.

Tumingin muna ulit siya sa papel bago kinuha ang isa, bubuksan na niya sana ng pigilan ko siya.

"Can you open this first?"sabi ko at binigay ang papel na hindi niya pinili, kita ko ang pagdadalawang isip niya bago kinuha iyon at binuksan "aalis nako!"sabi ko at agad na naglakad paalis ng bahay nila.

Kinakabahan at nahihiya ako sa resulta... magugustuhan ba niya?

"Where are you going, baby?"halos salakayin ako ng hika ng marinig ang malalim na boses ni tyler habang nakapulupot ang mga kamay sa bewang ko.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil doon, anong nakuha niya? Anong papel ang nakuha niya.

"T-tyler..."

"Look at this!"sabi niya at pinakita sakin ang papel.

"Be my boyfriend."

Iyon ang nakasulat sa papel, napalunok ako ng paulit ulit hindi nakapag salita, at feeling ko sobrang pula ko na ngayon.

"You. Are. Mine. Cara. Akin. Lang." Sobrang diin ng pagkakasabi niya na parang kailangan kong tandaan iyon.

Napangiti ako dahil doon, unti unti ko siyang nilingon at nakita ang mukha niyang sobrang saya.

I love him from the very start. Una pa lang mahal ko na si tyler, hindi nagbago iyon, ang gusto kong magbago ay siya, gusto kong hindi na siya maghanap ng iba, gusto ko ako lang.

"Mahal kita!"sabi ko at hinawakan ang pisngi niya "noon pa man ikaw lang!"ngiti ko at niyakap siya.

"Ayokong maging madaya pero ayaw na kitang nawala, ayaw na kitangg maging kaibigan lang, mahal din kita!"sabi niya at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang noo ko.

"You!"sigaw ko ng makuha ang ibig niyang sabihin, humiwalay ako sa yakap " don't tell me iyong isa yung nakuha mo?"tinignan ko siya ng masama.

"It doesn't matter, all I want is you nothing more, nothing less! Ilove you!"napangiti ako

And that's how we play date!"

___

@ash_aries

Nakasulat sa isang papel na hindi napili.

Tyler: (date me, seriously)
Cara:(be my bestfriend again)

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now