"ANG PAG-IBIG NA WAGAS NI EMILIO IGNACIO KAY MAYA PONCIANO"
— Enero 1, 1920 —
"MAY bago tayong tagasilbi." Nakangiting sabi ni Miguelliana habang naglalakad palapit sa mga kapatid. Siya ang panganay na anak ng pamilya Ignacio.
"Nakakatiyak kaba diyan sa sinabi mo, Miguelliana?" Tanong naman ng pangalawa, si Maximo pagkatapos ay sumampa ito sa kabayo.
"Nakita ng dalawang mata ko ang babae, ang ganda niya. Narinig ko pa na anak daw iyon ng isa pa nating tagasilbi." Kwento ng babae at sumampa din sa sariling kabayo.
"Unang araw ng taon. Mabuti iyan Miguelliana pagpalain nawa siya ng maykapal." Sabi naman ng pang-apat nasi Fidel. Siya ang pinakamabait sa magkakapatid.
Sabay-sabay nilang pinagmasdan ang pangatlo sa magkakapatid nasi Emilio. Wala itong pakialam sa pinag-uusapan nila, basta-basta lang nitong inayos ang suot pagkatapos ay sumampa sa sariling kabayo.
Unang araw ng taon at mangangabayo silang magkakapatid.
-----
"LUBOS kong ipinagpasalamat ang pagtanggap ninyo sa akin Doña Rosalinda."
Magalang na sabi ni Maya sa ginang. Tumango lamang ito at ngumiti ng bahagya pagkatapos ay umalis. Napahinga ng malalim si Maya nang dalhin siya ng ina sa isang silid para makapagpalit.
Nang nasa kusina na sila ay may nakita si Maya na isang batang babae mga nasa sampung taong gulang ito.
"Iyan si Juanita, bunsong anak ng pamilya." Sabi ng kanyang ina pagkatapos ay nagsuot ito ng delantal at tumulong nadin ito sa paghahanda ng mga pagkain. Muli niyang nilingon ang bata, abala ito sa pagtingin sa mga pagkaing hinanda.
"Ang anak ko nalang ang magdadala ng mga minandal." Nahinto si Maya sa paghihiwa ng gulay nang marinig niya ang sinabi ng ina. "Si Maya..." Nilingon siya ng kanyang ina. "Halika dito anak, pakidala na muna nitong mga minandal sa ating senyorito at senyorita."
"Saan ko po ba ito dadalhin 'nay?" Tanong niya nang makuha ang katamtamang tiklis sa ina.
"Doon sa may kubo malapit sa kulungan ng mga kabayo. Halika ituturo ko sa iyo para naman masanay ka sa pasikot-sikot dito." Lalakad na sana sila nang lumapit ang batang Juanita sa kanila.
"Saan po ba iyan dadalhin nanay Lena?" Tanong ng bata pagkatapos ay lumingon ito sa kanya. "Ikaw ba ang bagong tagasilbi? Ano po ang pangalan mo ate?"
Napangiti si Maya sa kagalangan ng bata. Hindi pala lahat ng mariwasa na tao ay masasama ang ugali, mayroon padin palang mabubuti. Kagaya ng batang ito.
Pinalandas ni Maya ang malayang kamay sa buhok nito.
"Magalang na bata... Tama ka, ako ang bagong tagasilbi." Pinantayan niya ito. "Ako si Maya, pwede mo din akong tawaging ate kung gusto mo." Nginitian niya ito. "Anak ako ni nanay Lena."
"Ako po si Juanita. Bunsong anak ng pamilya Ignacio."
Tumayo ng maayos si Maya at muli itong tinignan.
"Katulad mo ang pangalan mo, kaibig-ibig." Matamis niyang sabi.
"Paumanhin senyorita Juanita, pero kailangan na naming umalis ni ate Maya mo para ihatid ang minandal sa mga kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Memoirs of 1920
Historical FictionAngela Colorado-De Niro, a soft spoken and kindhearted woman living a miserable marriage life. She has a loving son and an unfaithful husband. Because of a sudden tragedy, her life went at risk. Vote and comment if you like. Thank you ❤ ••• Please n...