Chapter 3

40 2 0
                                    


LA DECOSCO

Basa ni Angela sa karatula papasok ng hacienda. She stopped the car and glance at her sleeping son na nakahiga sa likod.

She sighed refraining her tears to fall.

"I love you baby," aniya at inabot ang kamay ng bata. Pinisil niya ang isang kamay nito pagkatapos ay nagpatuloy sa pagdadrive.

She stopped the car near a wooden shack. Nakita niyang lumabas ng bahay ang matandang babae. Lumabas siya ng sasakyan at hinarap ito. Nakangiti itong lumapit sa kaniya habang pinupunas ang kamay sa sariling damit.

"Mam Angela! Magandang umaga nandito pala kayo, kamusta mam?" Tanong nito at sinipat ang likuran niya. "Kasama niyo po ba si sir, mam?"

Angela shook her head at nagmano.

"Magandang umaga po, 'nay. Okay naman po kami," Ngumiti siya ng pilit. "Hindi po nakasama si Cayden dahil marami po siyang trabaho. At saka, naparito po kami dahil gusto naming bumisita." She said a half lie.

"Ah, talaga. Eh sino kasama mo? Si Grayson ba?" Tanong nito.

Tumango siya.

"Opo 'nay. Nandito sa loob nakatulog sa byahe."

"Kawawang bata. Ang layo naman kasi ng Maynila, halos dalawang oras ang byahe nakakabagot kaya siguro nakatulog."

Ngumiti si Angela sa matanda. Siya si nanay Selya ang dating tagapangalaga ng villa ni Cayden, mabait ito at tinuring na niya itong tunay na ina dahil sobra ito kung makaalaga sa kanila sa tuwing dadalaw silang pamilya sa hacienda.









"Nako! Pagpasensyahan mo na iha ha. Ang kama namin dito hindi kagaya ng sa inyo malambot. Bakit kasi hindi nalang kayo do'n tumuloy sa villa niyo mam? Limang minuto lang ang layo mula dito. Baka masaktan ang likod ng bata." Pilit na ngumiti ang matandang babae.

Nilingon naman ito ni Angela matapos ihiga ang anak sa kawayan na kama. Ngumiti siya at hinawakan ang balikat nito.

"Ikaw talaga nanay Selya, sabi ko po okay lang. At saka, hindi naman po maarte si Grayson."

"O siya sige ipaghahanda muna kita ng makakain. Iyang bata mamaya mo nalang bihisan 'pag nagising na."

Tumango si Angela.

"Sige po 'nay, salamat"

Ngumiti ang matanda.

"Ay nako, ikaw talaga! Walang ano man. Sige na iha, umupo kana." Tumalikod ito para sana umalis.

"Sa sala nalang po ako 'nay," nilingon siya ng matanda at hinawakan ang braso palabas ng kwarto.

"Sige," anang nanay Selya at inayos ang kurtina na nagsilbing pintuan ng kwarto.

"Nasa trabaho pa po sila tatay Karding 'nay?" Anang Angela nang makarating sa sala.

"Oo, iha"

"Ah, ikaw lang po mag-isa dito sa bahay 'nay?"

"Haha oo, gabi na kasi sila umuuwi e."

"Ah,"

"O sige, maghahanda na ako ng makakain mo. Umupo kana d'yan."

Bumuntong hininga si Angela nang makaupo sa kawayang sopa. She closed her eyes and lots of happy and painful memories flashed in her mind. She wanted to cry out loud her but she can't, ayaw niyang makahalati ang matanda na may problema siya. Hanggang sa nakatali pa siya kay Cayden ay wala siyang pagsasabihan, she will leave it to Cayden, hahayaan niyang ang asawa ang magsabi sa lahat. She will just keep her mouth shut and pretend to be happy even if she's not.

Memoirs of 1920Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon