Chapter 7

2 2 0
                                    

Matapos mamatay ni William , nakatanggap kami nang tawag mula sa mga pulis at sinabi na nahanap na na nila ang pumatay sakanya.

Kahit naka  burol pa ang labi ni William pinuntahan namin yun at nang makita namin ang mga suspek ay nabigla ako.

Sa tingin nila sakin ay parang mga hayop na sanay ng pumatay at humahanap bibiktimahin.Nabigla din ako sa sinabi nang isa sa kanila.

"Ano ayos ba ang nangyare sa kaibigan mo at ayus den ba ang pagkabugbog namin  sayo ? "

Madaming tanong na gusto kong makuha ang sagot.Para akong bulkan na puputok dahil dikona mapigilan ang sarili ko.

Nang tangka kong suntukin ang  isa leader nila ay nagsalita ito tungkol sa pagkabugbog sakin.

"Hindi mo ba alam na planado ang lahat...dahil may utang samin si William at naghahanap siya ng pambayad tinuro ka niya."

"Bakit nyo pinatay si William!! Wala ba kayong pangarap sa buhay at kinakaya nyong pumatay!!!"

"Sinong nagsabing may pangarap kami..... pinatay namin siya dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang iba naming kasamahan dahil sa paghahanap mo sa kanya.."

At biglang kinuha sila ng mga pulis at kinulong.

Hindi parin  ako makapaniwala na magagawa sakin yun ni William pero  okay lang naiintindihan kona.

Sa libing ni William nagkaroon ng hustisya ang pagkamatay nya at sana masaya na siya.

Pero kinakalungkot kolang nandito pa siya kasama namin nagsasaya, tumutulong , at tutuparin ang mga pangarap ng magkakasama.

Bago kami umalis sa sementeryo may isang matanda na lumapit sakin at binulungan niya ako.

"Ngayon palang magsisimula ang sumpa na nakakabit sa pagkatao mo at dimo to matatakasan.."

Sa sobrang takot napatigil ako at nang  baling ko nang aking tingin ay bigla siyang nawala.

Hanggang sa bahay iniisip ko  pa rin ang sinabi nang matanda .

"Hoyy Brixx!! kanina pa kita kinakausap , kanina kapa walang kibo diyan."

"Wala ma , may  iniisip lang ako"

Tinanong ko den kung totoo ang sumpa ng black valentines at si mama na ang nagsabi na totoo.Pareho sila  ng sinabi ni tita Jasmine nung bata pa ako.

Dagdag pa ni mama ako ang tagapag mana ng sumpa dahil ako ang unang apo sa bagong henerasyon sa pamilya namin.

Di ako naniniwala sa sumpa at mga pamahiin kaya binalewala ko ang mga sinabi nila pero minsan naiisip ko den na what if totoo ang sumpa.

Sa huli tandhana paden ang magdadala kung saan tayo dadalhin ng ating mga kapalaran .

Kinabukasan pinuntahan ko si Brielle dahil ilang buwan kong panliligaw sa kanya ay sinagot nya na ako.

Niyaya ko ulit siyang mamasyal this time sa isang lugar ng paborito nyang bulaklak ang sun flower.

Pagdating namin dun nakita ko agad ang mga ngiti nya.Para akong nasa ulap at gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko siya.

Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami sa farm na puno ng sunflower at iba pang mga bulaklak.

"This is the best day ever!!!! "
Sigaw pa niya..

Umikot-ikot at sumayaw sa mga bulaklak at ang saya niya lang panoorin kahit may sakit siya ay di nya ito  iniinda at tuloy lang sa laban..

"Brielle tama na yan , wag kana magpagod.."

"Sa uulitin gusto ko ulit pumunta dito."

At hinalikan nya ako and that was the first kiss namin dalawa.

Habang naghihintay nang sasakyan pauwi ay may nakita kaming nagtitinda ng icecream kaya bumili ako.

Habang nasa byahe nakatulog sya sa balikat ko at nakatingin lang ako sa kanya na parang wala ng bukas.

Pagkauwi namin ay tumatalon siya sa tuwa at sinalubong kami nang mama nya .

"Salamat Brix sa pag-aalaga kay Brielle at pagpapasaya mo lagi sa kanya."

"Gusto ko po na siya ang magiging prinsesa ng buhay ko at diko sya ipagpapalit kahit kanino."

Diko lang masabi gusto ko siya maging asawa at maging ina ng mga anak namin...baka kase sabihin ni tita bata pa kami humaharot harot na..

Pagdating naman sa bahay may mga nakahandang mga pagkain pero naalala ko bigla na kaarawan pala ni Baste.

Sarap ng pagkain may pritong manok, shanghai,pancit at syempre ang cake.

Ngayon lang din namin nalamman na sa tala ng buhay ni Baste ehh ngayon lang sya nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Pagkatapos kumain ay umakyat nako sa kwarto ko para magsulat at matulog..

Matutulog na sana ako nang kumatok si Baste sa kwarto ko.

"Kuya pwedeng tabi tayo matulog ?"

Pinapasok ko sya at sobrang saya nya dahil pumayag ako.

"Yehey !! Magmula nang tumira ako dito ngayon palang kita makakatabi."

Kahit 15 years old na sya may side parin sya nang pagiging bata pero okay lang di nya kase alam ang pagiging bata nung pinapagtrabaho at pinapaglimos sya nang mga magulang nya..

Nang makatulog si Baste , lumabas muna ako para magpahangin at bumalik sa isip ko ang sinabi ng matanda at paulit-ulit na binibigkas ng utak ko ang mga sinabi nya.

Dun din ako nagtanongsa sarili ko  kung sino ba sya at bakit alam nya na may sumpa sa pamilya namin..

Kinabukasan pagising ko ay naghanda agad ako para pumasok   nang pagbaba ko ay nasa sala na sila Brielle at Ava na dapat ako ang pupunta sa kanila..

"Wow aga nyo ahhh at bakit kayo ang nagsundo sakin ?"

"Bakit kami lang ba ? Lumabas ka kaya nohhh.."

Paglabas ko ay bumungad sakin ang mga kaklase ko ..

"Yoshhh.....ready na kami ulit mag-aral "

"Sus!!! Ginanahan lang kayo kase malapit na Christmas break!!"

Curse of the Black ValentinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon