Niyaya ko si Brielle na kumain sa labas at maglibot sa plaza dahil may magpeperform na mga banda at may magaling daw na manunula ang darating.
Bago yun pinagpaalam ko muna sya sa mama nya .Pupunta den ang mga kaklase ko para manood pero kami lang dalawa ni Brielle ang kakain sa labas.
Umuwi muna ako para magbihis at mag-ayos pagkatapos non tinanong ako ni mama kung saan ako pupunta ,so sinabi ko na pupunta kaming plaza ni Brielle.
Nang papunta nako papunta sa bahay nila Brielle ay nakita ko si Yuuki.
"Bihis na bihis ahhh..Mukhang may date ka sa Dragon ng klase nyo."
"Oo bakit ?minsan lang naman ako magbihis ng ganto."
"Ehhh.. wala naman goodluck sayo.."
Sabay suntok sa balikat
"Geh alis nako "
Pagdating ko sa bahay nila ay kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako ng mama nya.At biglang bumaba si Brielle na napaka- ganda sa suot niyang damit.
Maihalintulad mo sya sa isang fairytale na yung prinsesa ay bumababa sa hagdan habang papalapit sayo.
Feel ko den bumagal yung oras that time ,parang nag slow motion ang lahat dahil sa ganda nya.
Diko tuloy maiwasan na matulala at mapangiti.
"Hoyyy Brix! Hi alis na tayo."
At nautal ako bigla.
"Ahhh..uhmmmm.. tara na "
Bago pumunta sa plaza ay kumain muna kami sa isang simpleng restaurant .Habang kumakain may napansin akong kakaiba kaya tinignan ko ang paligid at nakita ko sa bandang gilid namin ehh may kumukuha ng litrato samin.
Ang mga kaklase ko na sinusundan pala kami magmula sa bahay nila Brielle.
Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa plaza na malapit lang rin sa kinainan namin.
"Ano ayos ba yung date nyo ? "
"Oo ayus naman nung una pero dumating kayo "
Nagsaya ang lahat na makinig at manood sa mga banda.Maraming magagandang awitin ang tinugtog nila pero inabangan nang lahat ang mga tula na di konaman kilala pero sikat daw..
Magaling sya at magaganda ang pwesa na pinerform nya.Isa sa mga tumatatak sakin ay tungkol sa pagkakaibigan.
"Walang iwanan sa ano mang laban
Tunay na kaibigan iyong maasahan
Sa kalokohan sila iyong maasahan
Pero sa oras nang kalungkutan lagi silang andiyan"At totoo naman ang sinabi nya kahit loko loko mga kaibigan ko may times na higit mo silang kailangan pag may problema ka.
Pagkatapos manood ay nagpaalam na ang lahat maliban samin ni Brielle.
Inikot muna namin ang plaza , maraming tao , mga batang naglalaro ,at ang saya lang makakita nang ganon.
Nagkwentohan kami hanggang sa paghatid ko kay Brielle at yun lalo kong nakikilala si Brielle at ganon din ako .
One time tinugtugan ko siya nang gitara sa room at ganon din sya pero mas magaling sya sakin.
Magmula non araw-araw kaming nag-uusap , lumalabas minsan at araw-araw ko siyang kasabay papasok at pauwi.
At sa mga oras na magkasama kami madami akong bagay na nalaman tungkol sa kanya na tanging pamilya nya lang ang may alam.
At tama ako na hindi lolo niya ang nasa hospital that time kung hindi sya .
Nalaman ko na may sakit sya sa dugo at kailangan na regular siyang nagpapa-konsulta sa doktor.
Meron siyang lukemya na pag napabayaan ay maaring mamatay ang may sakit nito.Isang kanser sa bone marrow ang lukemya na pagkumalat ay grabe ang epekto.
Araw-araw ko den syang pinapaalahanan na inumin ang mga gamot nya at tandaan nya kasama nya ako palagi.
Pagpasok ng disyembre habang nasa pasilidad ng project:basa kung saan maraming bata ang gusto matuto kasama ko si Brielle at mga kaklase ko ay nagtulong-tulong na turuan magbasa at magsulat ang mga bata.
Pagkatapos magturo kinausap ako ni Brielle sa may hardin sa labas .Nabigla ako at the same time nagsisitalon sa sinabi nya.
"Nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko at salamat den sa pag-aalaga sakin , kaya tayo na ."
"Totoo ba?"
"Edi wag kang maniwala
Bawiin ko gusto mo ?"At sa sobrang saya ko sumigaw ako ng I love you kaya nagsilabasan mga kaklase ko at nakichismis sa nangyare .
"Dito pa talaga kayo naglandian pero congrats!!"
"Mga siraulo di ba pwedeng masaya lang kaya napasigaw ?"
Pagka-uwi sa bahay sinalubong ako ni Baste at tumula at nagpasalamat.
Tuwang-tuwa ako dahil sa talino at kabibuhan nya ay napapawi mga pagod ko.Dati kase di ko ginagawa yan kaya masaya ako para sa kanya ."Ang saya lagi ng bahay magmula nang dumating ka dito Baste.Para kang bunsong kapatid ng kuya Brix mo."
"So mama na po itatawag ko sa inyo?"
"Hayy nako! Pumunta ka nga dito at yakapin mo si mama."
Mas masaya talaga ang bahay pag marami at magmula nung dumating si Baste sa buhay namin may inaalagaan at libangan na si mama na turuan sya .
Umuwi muna si Tita Jasmine kaya tatlo nalang ulit kami pero okay lang may kasama na si mama pag nasa eskwelahan .
Di pa kase pwedeng pag-aralin si Baste sa eskwelahan dahil huli na sya para sa taong ito.
Pumasok ako sa eskwelahan kinabukasan at wala nanaman si William sa klase kaya pinuntahan ko ulit kung saan ko sya nakita dati pero wala sya dun.
Isang malaking tanong nanaman ang bumabagabang sakin kung nasan si William kaya umpisa nanaman ng paghahanap sa kanya.
Pagkatapos ng klase ay hinanap namin sya pero wala at hindi namin sya mahagilap.
Kaya nagsi-uwi na kami at tinawag ulit sa pulis na nawawala nanaman si William pero di pa pwedeng idiklarang nawawala kung wala pang 24 hours.
Pagka-uwi sa bahay habang nanonood ng tv ay biglang may balita na may tinapon na bangkay na malapit lang sa lugar kung saan ko sya unang nakita.
Tinawagan ko lahat ng kaklase ko na panoorin ang balita nang biglang narinig ko ang pangalan ni William kaya kahit dis oras nang gabi pinuntahan namin ang lugar at sya nga ang nakahandusay na puno ng tadtad ng bala at mga saksak.
Masaya palang siya nung kasama namin sya ngayon hindi na sya makilala dahil sa inabot nya.
Masakit mawalan nang kaibigan at wala kang magawa at hindi mo sya mailigtas yun ang nararamdaman ko sa mga oras na yun ...
BINABASA MO ANG
Curse of the Black Valentines
LosoweCurse of the black valentines is a story will tell us how life's works between life and death .This is a inspirational story of a writer with a curse . This is a story of Kyle Brixen Guevarra with his roller coaster life.Sometimes happy, sometimes...