Chapter 14

7 3 1
                                    

Pagtapos mamatay ni Brielle ay nawalan ako ng gana na makipag-usap sa iba at nagkulong sa kwarto nang ilang linggo.

Nalaman ng tao ang tungkol sakin kaya nung lumabas ako ay samut'saring pangungutya pati ang talento ko sa pagsulat ay kinukutya nila.

Hindi ko naman kasalanan na mapunta sakin ang sumpa pero sobra na ang ginagawa nila kahit wala naman akong ginagawa sa kanila.

Masakit na sabihan ka nang kung ano-ano pero diko sila pinansin pero nagaglit ako sa sarili ko dahil di ko natupad pangako na aalagan sila hanggang sila ay tumanda.

Nakakalungkot man pero kailangan tanggapin at magsimula muli at hanapin ang sarili ko.

Sabi nga nila hindi perpekto ang mundo pero hanapin mo ang magandang kapalit ng mga sakit na nangyare sayo.

Tinuon ko ang oras ko kay Baste at sa pag-aaral ko. Ginawa kong inspirasyon ang mga nangyare sakin at gumawa ng mga kwento na magtuturo nang salitang hindi pagsuko.

Ginamit ko den ang sumpa na napasa sakin ng mga ninuno ko bilang pamagat ng storya ko ang "Curse of the Black Valentines.

Between life and death madaming pagsubok ang dadating pero dalawa lang ang pwedeng mangyare ,ang sumuko o lumaban sa mga hamon ng buhay.

Pinili ko dati na sumuko pero bumangon at lumaban ako para kay Baste at sa mga ala-ala na binigay sakin ni Brielle at mama.

Tatlong buwan na ang nakakalipas magmula ng mawala si Brielle at bakasyon pero parang kulang pag wala sila Brielle at William .

Pero kahit ganon nagswimming kami sa La Union kasama si Baste at tita Jasmine.

Maraming tao ,tahimik at mapapahinga ang  utak sa ganda bg mga tanawin.

Habang nagpapahinga tinignan ko ang singsing namin ni Brielle iniisip ko kung andito pa siya at nadala ko siya dito.

"Kuya tara na swimming na tayo ."

"Oo nga Brix !! Andito kami ohh wag kana malungkot diyan."

Nagpasalamat ako sa kanila dahil sa mga ginawa nila sakin at tinutulungan parin nila ako kahit mahirap.

Nagyakap kami at nagsaya sa mga alon sa dagat, kumain ng mga seafoods , at nagkantahan.

Nabawasan ang lungkot na naramdaman ko dahil andiyan sila para pasayahin ako.

Ilang araw din kami dun dahil may bahay sila Angel sa La Union at dun kami pansamantalang tumira.

Sa sobrang laki ng bahay nila parang malulula ka at makikita mo ang mga sinaunang mga kagamitan. Ang pagkain niluluto pa sa palayok at napaka sarap.

Habang nandon kami naglibot kami at nagpakasaya.Gumawa ng kalokohan at kagaguhan , yun ang isa sa pinaka magandang nangyare ng mamatay sila .

Inabangan din namin ang paglubong ng araw sa harap ng dalampasigan at inabangan din ang Bluemoon na sobrang ganda.

Pagkabalik namin sa bahay ay agad kong  hinanap ang aking papel at ballpen at nagsulat ng kwento.

Diko maiwasan magsulat kahit anong lungkot ang nararamdaman ko.Siguro  ganon talaga ang kapangyarihan ng pagiging manunulat.

Kinabukasan dumating bilgla si Gabh at ang mga iba ko pang pinsan para makita kami at lumuwas pa sila galing probinsya .

Kaya agad akong nagluto ng sinigang na paborito ni Joshua at Alfred .Kasama den nya ang mga kaibigan nyang sina Stela at Rhen .

Diko mapigilan tumawa sa kanila dahil ng dalhin ko mga kaklase ko sa bahay . Puro pambobola ang ginawa kay Gabh at panay banat kahit korni .

Si Gabh kase ay sobrang ganda at magaling sumayaw ,magaling din siyang kumanta pero kung hindi ko yan pinsan siya liligawan ko ngayon.

Pero nangako ako kay Brielle na hindi ako maghahanap ng iba at siya lang ang nasa puso ko.

Pinuntahan ako ni Ava para yayain sa lugar kung saan yun ang laging gustong puntahan ni Brielle.Pumunta kami sa farm na puno ng bulaklak , nung una diko alam kung bakit nya ako dinala dun.

Umiyak ako dahil sa dami ng memories na kasama ko si Brielle at yun ang lugar na tinuri kong masayang lugar ng pagibig namin ni Brielle sa isa't isa.

"Bakit tayo andito ?"

"Pagmasdan mong mabuti lahat!! Sa lahat ng ala-ala mula kay Brielle sa lugar na ito sa tingin ko kailangan kong sabihin sayo na .....gusto kita."

Nabigla ako bigla sinabi nya at napa atras.Di ko inaasahan na yun pala ang dahilan kung bakit nya ako dinala dun.

"Alam mo sinasabi mo Ava?"

"Magmula bata pa tayo gusto na kita makasama pero nakilala mo si Brielle .Alam mo ba na sa tuwing nakikita ko kayo nasasaktan ako!!"

At biglang tumulo ang mga luha nya at humingi ng tawad dahil di ko mabibigay ang hinihingi nya na mahalin ko din sya.

"Ang sakit lang nohh ? Sa dami ng tao ikaw pa pero kailangan kong tanggapin na hanggang magkaibigan lang tayo."

Dahil diko alam ang sasabihin , inaya ko na sya umuwi kahit na umiiyak pa siya.Niyakap ko sya pero pagkatapos nun bigla na syang bumaba sa kotse.

Pagka-uwi sa bahay tinanong ako bat namumula mata sinabi kolang napuwing ako.

"Naku !! Nasampal kaba?"

"Hindi nohh!!"

Umakyat ako sa kwarto at sinundan ako ni Gabh at binasa mga ginawa kong tula at ang librong na published na ..

Nakita nila ang litrato na kasama ko si Brielle at tinanong kung asan na siya.Sinabi ko na nasa langit na siya at binabantayan ako.

Di kase nila alam na wala na si Brielle at di rin nila alam kung bakit andito si   tita Jasmine.

Minsan sa buhay talaga natin napaka daming bagay ang sobrang nababalot ng misteryo.

Kasagutan ang hinihintay ng lahat at hustisya ang hinihingi ng marami.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Gabh ay marami akong mga naiisip na bumalik ako sa niakaraan , sa piling ni Brielle.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan at  pinagmamasdan ang pagpatak nito.

Ulan ng nakaraan at heto ka nanaman
Umiiyak nanaman at luluha nanaman
Sa bawat buhos nitong ulan
Pag-ibig mo ang aking inaasam
Ngayong wala kana iniisip padin kita
Mahal kita aking sinta at paalam na

Hanapin natin ang mga bagay na magpapasaya sa atin at gawin natin masaya lahat ng bagay at gawing makabuluhan ang pagsulat ng bagong kabanata

Finding beauty within  imperfection of life .

Just keep on dreamin and fly high!!

Curse of the Black ValentinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon