Chapter 11

3 2 0
                                    

Sa pagkamatay ni mama para akong nawalan din ng buhay.Napakasakit mawalan ng ina lalo na kung sya nalang yung kasama mo sa buhay.

Pero kahit  ganon kailangan tanggapin na hindi sa lahat ng oras kasama natin sila.Pag andiyan sila iparamdam dapat natin kung gaano natin sila ka mahal .

Sila yung may pinaka malaking sakripisyo sa pamilya.Sila nag-alaga sa atin nung nasa sinapupunan palang nila tayo at hanggang ngayon.
Minahal na nila tayo nang malaman nilang may isang anak na papalakihhin ko balang araw at tuturuan ng magandang asal.

Just spend your time with your family  kase di natin alam kung kailan sila mawawala .Make happy memories together and that's what family makes stronger.

Kung pinapagilitan ka , okay lang yan ibig sabihin non mahal ka nila  at gusto ka lang protektahan.

Iniisip din ba natin kung nahihirapan sila or kung bakit sila umiiyak?
Dalawang bagay nasa utak ko sa salitang pag-iyak ng ating  mga magulang.Isa ay sa sobrang pasaway natin at pangalawa umiyak sila dahil proud sila na yung anak nila may mga achievements na natatangap or may kabutihang ginawa.

Kung nararamdaman natin na may favoritism sa bahay okay lang yan , isipin mo nalang nung panahon na maliit kapa at inaalagan ka nya.

Kahit anong pilit mong gawin kahit baliktarin mo man ang mundo , siya parin yung nanay mo na iniluwal at ikaw parin yung anak niya .

Nung namatay si mama naisip ko kung paano aalagan si Baste.At paano ang bagong taon ng wala siya.

Pagkatapos malaman ni tita Jasmine ang nangyare kay mama ay agad  siyang lumuwas dito sa Manila.

Pagkadating dito  ay napakalakas ng iyak niya nang makita nya mga labi ni mama.Sa sobrang iyak ay nahimatay sya .

Pagkatapos ng libing nagpa-iwan muna ako sa sementeryo dahil hirap nung time na yun na tanggapin na wala na siya.

Pagkadating sa bahay at ilang oras nalang bagong taon na pero hindi namin alam kung paano ipagdiriwang.Sa dami ng iniisip kailangan parin kahit papaano ay nagluto ako ng simpleng handa na tinulungan ako ni tita.

Unang bagong taon din ni Baste dito kaya gusto ko kahit paano maging masaya  siya.

Nagpaalam kami kay tita pagkatapos ng kumain kahit dipa oras .Sinama ko si Baste para sunduuin si Brielle na manood ng fireworks display na inaabangan ng lahat  .

Alas dose na at nagsimula na ang putukan at sobrang saya nung dalawa.Kahit titigan kolang sila parang  walang nangyare at napapasaya nila ako.

Tumalon-talon sila lalo na si Baste.

"Tumatalon yung pandak na dragon ko hahahaha..."

At bigla akong hinampas ng paulit-ulit ng marinig nya yun.

"Bwiset ka talaga noh! Panira ng moment..."

"Aray ko masakit  !!"

"Di ako pandak !cute size lang hmmmmp.."

Biglang sumakay sa likod ko si Brielle at nagsayaw habang may tumutugtog na banda.

"Para tayong isang masayang pamilya"Sabi ni Baste

At tumawa lang kami at niyakap namin sya.

"Happy new year!!!!"

Pagka-uwi sa bahay ay sumama si Brielle para dun matulog.Habang si Baste pagka-uwi ayun bagsak sa sofa.

Umakyat kami ni Brielle sa kwarto ko .Sa kwarto nakita ni Brielle ang gitara ko na dating gitara ni papa.

Tinugtugan ko siya habang siya naman ay kumakanta. Pagkatapos  naming nag jamming ehh   hinalikan ko sya at hiniga sa kama and......oppsss bawal.

Kinaumagahan nagpunta mga kaklase ko at may mga dalang pagkain.Sa sobrang aga at kulang pa tulog namin ni Brielle ay napa bangon kami dahil sa kanila.

"Aba!! Mukhang  napapadalas ata kayo dito ? Mga bored kayo nohh? "

"Alam mo naman kami basta magkakasama tayo okay na"

At biglang tinanong kung bakit kasama ko si Brielle at ang sinabi kolang dito siya natulog sa bahay.

Anyway diko pa man sila pinapapasok ay pumasok na sila na parang sila may-ari ng bahay.

Nagkaroon ng konting kasiyahan at masayang kainan. Sa bawat kwentohan mapapatawa ka dahil sa mga kagaguhan na pinag gagawa namin non..

Inalala den nila ang mga masasarap na luto ni  mama pag pumupunta sila dito sa bahay.

"Basta pagkain ang topic masaya kayo lage ehh noh!!"

"Syempre naman kami pa ba?"

Tinanong ulit nila kung ano ginawa namin ni Brielle at bakit siya andito pero ako napapatawa nalang.

"May something ba ? "

Pagdating ng hapon nagsi uwi na lahat at nahatid ko na si Brielle ay gumawa ako ng maikling tula para kay mama na hindi ko nagawa dati
sa  kanya.

"Superhero"

Superherong nagbigay sakin ng buhay
Sayo'y walang papantay 
Pag-ibig mo sakin ay sagana
Pag-iingat mo sakin ay lubos ko ikinasasaya

Prinotekhan ako at inalagan
Pinalaki at akoy iyong ginabayan
Ngayon ika'y wala
Pangako mamahalin parin kita

Salamat at naging nanay kita
Salamat sa pagkalinga
Mahal kita aking ina
At kung nasaan ka man sana masaya ka

Sa buhay ng tao dimo malaman kung ano ang mangyayare lalo na sa hinaharap pero kahit ganon kailangan nating maghanda sa mga bagay na di inaasahan.

Ngayon wala na si mama tinuon ko ang attensyon ko kay Baste at Brielle para alagaan sila.

Sa dami ng nangyayare sa paligid kailangan ko pang sipagan at tiyagan para sa magandang kinabukasan.

Pero sa hindi inaasahan, biglang sinugod sa hospital si Brielle ng hindi ko alam.

Pinuntahahan ako ni Ava  at nagmadali na pumunta sa hospital. Pagdating don ay nakita ko si Brielle na umiiyak at sobrang putla.

Wala pang isang buwan nang mamatay si mama pero may bagong pagsubok na nanaman ang dumating saming dalawa ni Brielle.

Di ako pinanghinaan ng loob dahil alam kong kaya nyang lumaban.At diko den pwede na ipakita na umiiyak ako dahil pag umiyak ka sa harap ng taong mahal mo at pinapakita mong nahihirapan kana lalo siyang malulungkot at  susuko.

Binantayan ko siya magdamag at pumunta den ang ibang mga kaklase namin.Salamat sa kanila lagi kong nararamdaman na hindi ako mag-isa at may kasama akong lumalaban.

Habang hawak ko ang kanyang kamay pinapanalangin ko na mawala lahat ng mga sakit na nararamdaman niya.

"Wag kang mag-alala di ako mamatay , lalaban ako dahil papakasal pa tayo diba?"

At bigla siyang umiyak at di ko nadin mapigilan.

"Kaya magpagaling ka hah... andito lang ako lagi .Mahal na mahal kita.

At hinalikan ko siya sa noo at niyakap.

Curse of the Black ValentinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon