Dalawang oras nalang at pasko na , excited na si Baste sa unang pasko nya samin at unang pasko na makakatanggap siya ng regalo.
Handa na lahat ng pagkain at ready narin ako sa mga regalo ko.Nagtitira ako nang pera magmula ng magsimula ang klase.
Sayang lang laging may kulang tuwing sasapit ang pasko dahil wala na si Papa . Masaya sana lalo ang pasko kung buo ang pamilya pero sabi nila "pag may nawala ,may darating." Yahh tama sila dun dahil dumating sa buhay ko si Baste at si Brielle.
Habang naghihintay nakikita ko na hinihingal si mama.Tinanong ko siya kung ayos lang siya pero sinasabi nya lagi na okay lang sya.
Naalala ko tuloy nung bata pa ako tuwing pasko lahat nang napamaskuhan ko napupunta sakanya .
Alam mo yung kapal ng mukha at boses mo ginamit mo tapos sasabihin nya lang sayo ,
"Tatago muna ni mama,pambili mo nang laruan bukas."
Minsan napapagalitan kapa pag may tinago kahit bente lang.Pero okay lang yun naiintindihan kona dahil sa pagal at sakripisyo nila sulit na yun.
Kulang nalang sa isang oras nang biglang may mga batang nangangaroling at pinagmamasdan kolang sila .Saya makakita ng bata tuwing pasko .
Dati kase pag nag gaganyan kami di namin sineseryoso .Pero dabest parin yung pipindutin mo doorbell nila sabay takbo.
"10,9,8,7,6,5,4,3,2,1 Merry Christmas!!!!"
Sabay abot sa regalo nila Baste at Mama at hinalikan ko sila sa noo.
"Merry Christmas guys love you both."
Sabay yakap sakin ni Baste pag abot ng regalo.
"Kala mo kuya ikaw lang ahhh."
Binigyan ako ng isang drawing na magkakasama kami. Naapreciate ko mga ganyang bagay kahit simple basta galing sa puso.
Pagkatapos magbigayan nang regalo
ay kumain na kami. Pagkatapos kukain at dipa ako nakakatayo ehh may kumakatok na sa pinto.Maririnig mo ang mga sigawan sa labas na nagkakasiyahan at tinatawag na aking pangalan .
"Oii Brixx !!! "
Paglabas ko nang pinto nakita ko mga kaklase ko na may dala ding pagkain.
"Himala ata yan guys , sure yan ? Nagdala kayo nang pagkain ."
"Bakit ano tinigin mo samin mahirap ? No way men!!
Nagsitabi mga kaklase ko at nakita ko si Brielle na naka kulay pulang dress at naka ponytail.
Sa ganda nya natutulala ako at habang papalapit sya sakin nararamdamanb ko na humihinto ang mundo at tanging siya lang ang nakikita ko.
Niyakap nya ako at binigyan nang regalo at hinalikan ako sa pisngi.
"Merry Christmas!!"
Pinapasok ko muna sila at pinaiwan ko si Brielle .Binigay ko ang regalo ko sa kanya na kwintas na hugis buwan.
"Merry Christmas too !! Love you."
At hinalikan nya ako sa labi at niyakap ko siya at may sumigaw.
"Tama na kasweetan , lalanggamin na kayo!!"
"Oo na papasok na kami!!"
Bago kami pumasok sinuot ko muna yung kwintas.
"Yung regalo ko di mo pa binubuksan..hmmmmmm..grrrr!!"
4
"Ohh eto na po."Pagbukas ko ay nakakita ako nang singsing at pinakita ni Brielle ang daliri nya.
"Promise ring natin yan kahit anong mangyare walang mang iiwan"
At sumigaw na naman mga kaklase ko at naririnig mo ang tawanan nila.
"Nagkakasiyahan na dito ,tagal ninyo mukhang may kababalaghan dyan ahh!!"
"Mga panira kayo nang moment ohh!"
Pumasok na kami na moagkahawak ang kamay at napansin nila ang singsing sa daliri namin.
Magdamag na kasiyahan ang naganap .Maraming tawanan at nagkaroon nang maikling palaro at ang mga panahon na kasama namin si William..
Sarap na may mga kaibigan ka na magkakapatid ang turingan..
Araw nang mismong pasko pagkagising, nagyaya mga kaklase ko na gumala .
"Mga gago kayo wala pa akong tulog gala agad.."
Pilit akong ginising ng ginising kahit na ayaw ko at kulang pa tulog ko wala akong magawa.
Nagbihis ako at nag jacket dahil sobrang lamig that time..
"Mga sira tara na !!"
Bago kami maglibot nabalitaan namin na lumabas na si Ben galing sa rehabilitation center kaya pinuntahan namin sya sa bahay nila.
Habang papunta sa bahay nila Ben nakita namin ang mga bata na nagsisi takbo at nagkakasiyahan.
Lumapit sila samin at bumati ng maligayang pasko at may isang batang babae na ang gusto lang ay magpahimas sa ulo.
"Ano pangalan mo?"
"Andrea is my name "
"Ang cute mo naman "
Tinawag sya nang mama nya dahil sabi ng mama nya hilig na daw talaga nya yun.
Tumuloy na kami sa bahay nila Ben at nabigla kami na nandon din yung batang nakasalubong namin .
"Hi Andrea ,kaano-ano mo Ben ?
"Pamangkin ko then this is my ate"
Sa pag-uusap namin kinumusta namin si Ben at niyaya na maglibot .
Pumunta kami sa tambayan nang klase at dun para kami ulit mga bata na naglalaro sa daan.
At marami pa kaming pinuntahan at kumain din kami at ang saya dahil magkakasama kami.
Pagkatapos maglibot pumunta kami sa puntod ni William at dun tinuloy ang kwentuhan .Sa kalagitnaan ng paguusap napansin ko na wala at hindi pala namin kasama si Brielle.
"Nako lagot kang bata ka !"
"Talagang lagot sa dragon "
At nagtawanan sila habang ako iniisip kung ano ipapalusot.
Pagkatapos nun pinuntahan ko kaagad sya at nagpaliwanag kung bakit diko sya sinama pero nagalit.
Sa galit nya sakin ay bigla syang umiyak at diko malaman kung bakit until ;
"Alam mo ba na gusto lagi kitang kasama dahil hindi ko alam kung hanggang saan buhay ko!!"
"Shhhh tahan na mahal ko wag kana umiyak.Lagi na kitang pupuntahan"
At niyakap ko sya pero tuloy parin sya sa pag-iyak.
Minsan talaga di mo malaman kung ano nararamdaman ng babae pag wala yung mga taong special sa kanila .Maari lang gawin ng mga lalake ehh intidihin sila at habaan ang pasensya.
Sa dami ng mga bagay na pinagsamahan nyo dapat nyong pahalagahan yun at suportahan ang bawat isa at wag mangiwan.
Ito lang mapapayo ko,
"Great relationship start with trust and respect .But let God be the center of your relationship".
""If there is a people talk shit about your relationship , don't mind them just go on and continue your love to each other".
Minsan sa buhay na ganyan may mga taong takot sa commitment pero siguro normal nalang yun importante kinakaya nyo ng magkasamma dahil yan ang magdadala sa kaginhawaan nyo in the future..
BINABASA MO ANG
Curse of the Black Valentines
RandomCurse of the black valentines is a story will tell us how life's works between life and death .This is a inspirational story of a writer with a curse . This is a story of Kyle Brixen Guevarra with his roller coaster life.Sometimes happy, sometimes...