Chapter 19

15 0 0
                                    

Chapter 20



"bakit mo pinaalis si Cheska? Sigurado ka bang may matutuluyan 'yon?" tanong ko kay Rosell nang maabutan ko itong nakatanaw sa labas. Tila malalim ang iniisip.

Nagsisisi kaya siyang pinalayas niya si Cheska?

I was also shocked at first nang makita ang mga bagahe ni Cheska sa sala pag- uwi ko kahapon. Mukhang nag away sila ni Rosell kasi kita ko pa ang hilam na luha nito sa kanyang pisngi.

Ilang beses itong nagmakaawa kay Rosell, but being Rosell. Hindi niya ito pinakinggan kaya umiiyak na lumabas si Cheska sa bahay, she even pointed all the blame on me. Kesyo daw dahil sa 'kin nagalit sa kanya si Rosell.

I almost laughed at her statement. Dahil raw sa 'kin siya napalayas, I don't even own a place in Rosell's life tapos ako pa ang naisipan niyang rason sa pagpapalayas nito sa kanya? Seriously. She is delusional, and on top of that insecure.

"hindi ba iyan ang gusto mo? You should be happy" He replied kaya natahimik ako. Parang pinapamukha niya sa 'kin na napipilitan siya kasi andito ako, na wala sa intensiyon niya ang paalisin si Cheska. Its humiliating to hear that from him, i must admit that i hate her pero di naman ako ganuon ka sama para isiping hayaan siyang gumala doun sa labas.

As much as i hate her, hindi ko naman gustong mangyari sa kanya ang nangyari kay ate. I am human after all, i feel pity.

Nang maramdaman ang pananahimik ko ay tumikhim siya at umikot paharap sa 'kin.

"Look at you worrying about her" pang uuyam niya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Hindi ko ikakaila na nag alala ako. Alam mo kung bakit?" He raised his eyebrows kaya nagpatuloy ako. "Kasi tao ako, hindi katulad mo na may pusong bato"

Matapos sabihin iyon ay bumalik ako sa loob para ihanda ang agahan. I never tried opening up a conversation with him again, pa minsan minsan ay nagkakasalubong kami pero pinilit kong maging casual at normal ang kilos. Ayokong makita niya na iintimidate ako sa kanyang presensiya.

Bandang hapon ay napagdesisyunan kong magdilig nang bulaklak para may magawa, umalis kasi si nanay nani para mamalengke. Si rash naman ay madaling araw pa nawala kaya lalabas nalang ako para maiwasan na rin si Rosell.

"Hindi ganyan ang tamang pagdilig ng bulaklak"

"Ay kabayong bakla!" Hiyaw ko sa gulat nang marinig ang boses ni Rosell galing sa bintana ng opisina niya.

Nag aarko ang kilay kong tiningnan siya galing sa ibaba. I saw his eyes lingered on my breast kaya mabilis ko itong tinakpan at nagsalita. "Eyes up Keran. I could sue you for sexual harrassment"

Nabalik naman ito sa ulirat at tumikhim bago padabog na isinarado ang bintana kaya sa inis ay binasa ko ang salamin ng bintana niya.

"Siya na itong nambabastos ako pa ang pinagdadabogan. Walang modo!" nanggagalaiti kong sigaw sa labas. Ilangg beses kong sinubukan ang pagexhale at inhale para kalmahin ang sarili bago pinagpatuloy ang pagdidilig habang di pa rin maipinta ang mukha dulot ng pambabastos ni Rosell.

"Hija, pakihatid naman ito sa opisina ni Rosell. May gagawin pa kasi ako" Lahad ni nanay nani sa isang tray na may kape at pagkain. Tiningnan ko siya at hilaw na ngumiti.

"Pero nay..."

"Wag mo na akong tanggihan. Ilagay mo lang yan sa lamesa niya at umalis ka pagkatapos kung nababahala ka na pagalitan ka na naman ni Rosell" putol ni nanay nani sa sasabihin ko at tinapik ang aking balikat. "Sige na, ihatid mo na yan"

Judge keran (Savage Love Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon