10- Mortal World

3.9K 101 7
                                    

Luna Kiara's POV

"Bakla! Kaloka! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa dyosa mong kaibigan?!" sigaw nung kaibigan ni Mira bago sila magyakapan.

"Eto naman! Busy ako no! Maraming ganap! By the way, this is my pamangkin, She's Kiara, iwanan ko muna siya sayo ha? Alagaan mo yan kung hindi, hindi kita bibigyan ng love life!" banta ni Mira.

"Bakla naman! You do note!" maarteng sabi ni ewan ko kung anong pangalan niya.

"Nga pala Kia! This is my friend slash business partner, si Jairo, Jay for short. Siya ang naiwan dito sa fashion house ko these past years dahil naging busy ako sa Allaria. Ayos lang ba na dito ka muna?" tanong ni Mira.

"Of course naman Mira! Thank you ha? Don't worry dadalawin ko naman kayo sa Elium paminsan minsan."

"My Ghad! Belong na belong talaga ako dito! Dyosang dyosa ang feels!" tili ni Jay naikinailing na lang ni Mira.

"Mira, ayos lang bang malaman niya ang tungkol sa atin?" mind link ko kay Mira Audrianna at ngumiti naman siya sa akin.

"Pamangks, lobo tong baklang to. Hindi lang halata. Gusto kasing takasan ang mate kaya nandito ngayon sa Mortal World." Paliwanag niya na sinang-ayunan naman ni Jay.

"Korak ka dyan Bakla! Hindi kakayanin ng beauty ko ang mate na yan! Mabuti sana kung gwafu eh! Request mo naman kay mudra mo na i-pair ako sa gwafung boylet! Yung malaman ha!" malanding sabi niya. Napailing naman si Mira at binatukan si Jay.

"Tigilan mo si Kia ah! Oh siya, Alis na ako ha? Ingat kayo dito!" paalam ni Mira Audrey bago maglaho.

"Oh hon, Masanay ka na dito sa Mortal World ha. Feel at home. Maraming boys na gwafu diyan sa tabi tabi. Kapag nakabingwit ka, pasalubungan mo ako ha! Wag mong isipin yung panget mong mate. Enjoy okay?!"

At dito nagsimula ang bagong buhay ko. Here in the mortal world. Ginawa akong model ng fashion house ni Hon. 'Hon' daw ang itawag ko sa kanya eh, edi pagbigyan! Sobrang welcoming ng mga tao, at sa ilang taon ko dito, nasanay na ako sa pamumuhay nila.

I'm currently browsing mg social media. Oh walang aangal! May phone na rin ako no! Noong una nga para akong taga bundok dahil hangang hanga ako sa mga features ng phone, pero ngayon ay sanay na sanay na ako. Hindi na ako mapagkakamalang taga bundok. Hahaha!

Sanay na rin akong itago ang kapangyarihan ko dahil baka masabihan ako ng freak diba? Buti na lang talaga at nandyan ang baklang dyosa. Well, maliban na lang nung may ginamot akong batang may sakit. Nakakaawa kasi yung pamilya niya. At tsaka, kaibigan ni Jay at Mira eh.

"HON! HINDI KO NA KERI!! AYAW KONG BUMALIK SA WORLD NA YUN!!" sigaw ni Jay. After 5 years, Mira told us na kailangan ko na daw bumalik at kasama ko daw si Jay sa pagbabalik ko. Wahahaha. Epic itsura niya. Takot na takot at baka daw makita ang mate niya.

Ako naman chill lang. Wala naman akong dapat ikatakot. Wala naman akong ginawang masama diba? If ever na makita ko uli si Linus my ex-mate, edi Hi! Alangang ipilit ko ang sarili ko sa kanya diba?

Sa ilang taong pamamalagi ko dito, I realize na kung para sa iyo, para sa iyo. At kung hindi naman, wag mo ng ipilit dahil masasaktan ka lang.

"Hon, hold my hand," sabi ko sa kanya. Ngayon na kami aalis papuntang Selenia.

"No! Kaloka!" angal niya. Tsk!

"HON!" banta ko.

"Jusko! Bahala na si Batman. Sana naman may mga gwafu doon. Amen!" Sabi niya bago hawakan ang kamay ko. Tsk! Daming alam.

Naglaho na ako at pagmulat ko, nandito na uli kami sa Selenia. The world where I feel too much pain. The world that taught me to be strong.

I'm back, Selenia.

______Rhy428______

Selenia: The Emerald MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon