Luna Kiara's POV
"Hon! Tama na!" sigaw ko ng makitang nag-uube na ang labi ng babae senyales na malapit na itong mawalan ng malay. Hindi ko inalintana ang sugat ko at pilit na inilayo ang galit na galit na si Jay dun sa babae.
Galitin mo na si Ina, wag lang ang bakla dahil mabangis yan. But on second thought, parehas pala silang mabangis.
Mabilis kong hinila si Jay papaalis at pumunta sa bahay. Kita kong sumunod sa amin si Insan pero hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin. Nag-aalab pa rin ang mga mata niya dahil sa galit. Ipinasok ko siya sa loob bago bitawan. "Jay kumalma ka nga!" sigaw ko.
"Bakla! Gigilitan ko ng leeg ang babaeng yun!" histerical na sabi niya. Problemadong napahilamos na lang siya ng mukha dahil sa takot. Kawawa naman ang bakla.
"Hon, magpahinga ka muna." Sabi ko at tumango naman siya bago bagsak balikat na pumasok sa kwarto.
Lalabas na sana ako ng makita ko ang gulat na gulat na si Hiro. "Insan, ba't ka gulat na gulat?" tanong ko.
"Couz, bakla si Jay?!" di makapaniwalang tanong niya at tumango naman ako para sabihing oo.
"Akala ko...Akala ko.." hindi niya maituloy ang sasabihin niya kaya ako na ang nagtuloy. "Akala mo kami ng baklang yun? Eww! Mga iniisip mo insan ha!"
"Eh bakit daig pa niya ang mate mo kanina? Sobrang overprotective kaya niya! Akala ko nga papatayin niya yung babae eh!" depensa niya.
"Kasi nga binantaan siya ni Ina na bibigyan ng babaeng mate kapag nasaktan ako, kaya galit na galit ang bakla," paliwanag ko na ikinatango tango niya.
"Ahhhh, kaya pala. Big revelation ah! Tsk! Hindi mo kasi ako binabalitaan!" sabi niya bago bumalik sa training at iwanan akong natatawa sa reaksyon niya. Lumabas na rin muna ako para maglakad lakad at napadpad ako sa isang batis.
Umupo ako sa isang malaking bato at tinanggal ang sapatos ko bago magtampisaw sa tubig. So peaceful and serene. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, at kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Linus ito. Amoy pa lang alam na.
Ilang minutong walang nagsalita sa amin pero mayamaya ay napagdesisyonan niyang putulin ang katahimikan.
"Do you love him?" tanong niya. Kumunot ang noo ko pero ng maintindihan kong si Jay ang tinutukoy niya ay agad akong tumango. Mahal na mahal ko ang baklang yun ano! Siya ang tumulong sa akin, at kahit paarte arte yun ay mahalaga yun sa akin.
"He's so lucky," he said with a sad smile. Liningon niya ako at hinawakan ang braso kong nagdurugo. Walang sabi sabing hinugasan niya ito gamit ang tubig sa batis. Ingat na ingat niya ang hinawakan na para bang isa akong mamahaling bagay na maaaring mabasag. Pinunasan niya ito ng panyo at ng masiguradong ayos na ay tsaka niya ako binitawan.
"I'm sorry," he said that makes my brows creased.
"For what?" I asked.
"For rejecting you," malungkot niyang sabi kaya natigilan ako.
"You don't have to. You just did what you think was right. You did it because you love Jane right? So don't," sambit ko ng makabawi sa gulat. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa malayo.
"What happened to both of you?" tanong ko.
"I broke up with her, and since then hindi ko na siya nakita," saad niya na nagpagulat sa akin.
"WHAT?! WHY?!" gulat na sigaw ko dahilan para titigan niya ako bago magsalita.
"Because I feel like cheating on you." Napasimangot naman ako dahil sa sagot niya. Talaga lang ha. Wow.
"Nagpapatawa ba ba? Noong hindi ko pa tinatanggap ang sandamakmak mong mga rejection, palagi mo siyang kasama at hindi mo man lang naisip na niloloko mo ako. Tapos nung umalis na ako at wala ng namamagitan sa atin tsaka ka nakaramdam na nagchi-cheat ka! Magaling ka rin eh ano?!" nakapameywang kong sabi. Napatawa naman siya ng mahina dahil dun.
"I just realized my feelings the moment you kissed me," nakangising sabi niya dahilan para mapanganga ako. Aba't! Pinapaalala niya sa akin ang mga bagay na gusto ko ng kalimutan. Grr! At dahil sa sobrang badtrip ko, tinulak ko lang naman siya sa tubig. Malunod na siya!
"What the heck!" mura niya dahilan para mapatawa ako. Mukha siyang inapi! Nakita kong masama ang tingin niya sa akin at parang may masamang balak kaya dali dali akong tumayo, pero huli na ang lahat dahil nahila na niya ako. Parehas na kaming mukhang inapi dito!
Sinamaan ko siya ng tingin at tangkang sasabunutan pero mabilis siyang nakalangoy papalayo habang tawa ng tawa. Grr! Ginagalit niya ako! "HUMANDA KA SA'KIN!" sigaw ko bago kami maghabulan sa tubig.
"LINUSSS! WAG KANG MAGPAPAHULI SA AKIN DAHIL SASABUNUTAN TALAGA KITA! GRR!" sigaw ko bago sumisid papalapit sa direksyon niya. Pesteng lalaki yun! Sumisid ako at pumwesto sa likod niya.
"KIARA! HECK!" nag-aalalang sigaw niya kaya dinamba ko siya sa likod at sinakal gamit ang braso ko.
"Huli ka!"
Dali dali siyang humarap at niyakap ako. "DAMN! YOU SCARED ME!" he said. Wahaha! OA lang? Hinawakan ko naman ang buhok niya at sinabunut-sabunutan niya.
"ARAY! KIARA NAMAN!" Anong akala niya, nalimutan ko na yun? Akala lang niya yun.
"Ano hahatakin mo pa uli ako?!" tanong ko habang hinihila pa rin ang buhok niya.
"ARAY! HINDI NA! KIARA!" angal niya kaya binitawan ko na at baka makalbo ko pa siya.
Tumalikod na ako para umahon ng may maalala ako kaya hinarap ko uli siya. "Nga pala, don't call me Kiara from now on," sabi ko na nagpakunot ng noo niya.
"Call me Luna," nakangiting saad ko bago siya kinadatan.
Bigla niyang namang hinapit ang baywang ko at dahil sa gulat ay hindi ako makapalag. "Mate," he said.
"You finally said it after 5 long years," hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yes, it takes me 5 long years to claim that you are mine, and I will never let you go again like what I did before. I don't care if you love somebody else because I will make you fall in love with me again, and when that time comes, I will kill anyone who stands in my way. You're mine. Exclusively mine. I don't share Luna. Never again."
______Rhy428______
BINABASA MO ANG
Selenia: The Emerald Moon
WerwolfAlpha Linus is living peacefully in his pack. Everything is perfect. His pack is the strongest in Selenia, the world of werewolves. He has a very caring girlfriend. He cannot wish for anything more. Until one day, a woman shows up and claims him as...