9- Goddesses Talk

4K 109 3
                                    

Luna Kiara's POV

"Kia! You're so beautiful!" puri sa'kin ni Mira Audrianna.

"Asus! Eh mas maganda ka naman Mira eh!" sagot ko naman.

"Tsk! Wag na kayong magtalo dahil ako naman ang pinakamaganda sa inyong lahat," sabat naman ni Ina.

"Haha! Ina! Feeling dalaga ka ah!" pang-aasar ko.

"Daughter, mas mukha pa akong bata kesa sayo no!" napairap naman ako dahil doon. Nandito kaming tatlo ngayon sa Elium Garden.

"So maiba tayo, why do I feel that you're hurting Kia?" Paano niya nalaman?

"I'm the Goddess of Love remember?" sabi niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

"I'm just sad dahil sa nangyari kay Ama," palusot ko. Tinaasan naman nila akong dalawa ng kilay.

"Nagpapatawa ka ba daughter? Pero infairness, na stress ako ng slight dun," saad ni Ina na ikinabuntong hininga ko. Tsk! Oo nga pala, magaling na si Ama.

Flashback:

"Almisha, patawad ngunit dahil gising na ang iyong ama ay mas bumilis ang pagkalat ng sumpa," nanlulumong saad ni Almiro Kyros kaya napaluha na lang ako at niyakap ang aking ama. I know he did his best. He is the God of Light. Hindi sakop ng kapangyarihan niya ang mga sumpa and kasamaan. Ito ang kahinaan niya. Kadiliman.

"Ama, hindi mo ako iiwan diba?" naiiyak na tanong ko habang mahigpit ang yakap sa kanya.

"L-luna anak. Hindi naman kita iiwanan. Dito rin naman ako sa Elium mapupunta hindi ba?" nakangiting saad niya kahit nahihirapan na itong huminga.

"Hindi! Ama naman! Paano tayo pupunta ng Selenia kung wala ka na! Dito ka na lang sa Elium habang buhay! Hindi kita makaksama kapag ganun!" protesta ko. 

"Ayos lang anak. Ang mahalaga magkikita pa rin tayo tuwing dadalaw ka dito. Wag ka ng umiyak."

"Tsk! Mga weak!" napabitaw ako sa yakap ng makitang dumating si Almira Vera. "You Kyros! Wala ka man lang nagawa! Buti na lang nasa mood akong pumuta dito. Tumabi nga kayo!" inis na sigaw ni Almira kaya mabilis akong tumabi sa dadaanan niya.

Lumapit ito kay Ama at bumanggit ng ilang inkantasyon. "Tsk! Sino bang gumawa ng sumpang ito? Ang hina ah," bulong pa ni Almira na ikinangiwi ni Almiro. Nanlait pa nga eh. Hahaha. Mayamaya ay umangat ni Ama sa ere at may lumabas na itim na usok sa kanyang katawan.

"Done. Tsk!" inis na saad ni Almira bago maglaho at iwanan kaming tulala. Yun lang yun! Pakahirap pa akong tawaging si Tito tas kaya pala ni Almira ng ilang minuto lang?! Ano ba yan!

End of Flashback

Muli akong bumuntong hininga ng maalala ang nangyari. Ang astig talaga ng Almira ko. Pero ngayon, wala na akong takas sa dalwang ito. "My mate rejected me." Malungkot kong sabi.

"WHAT?! THAT ALPHA REJECTED YOU?!" galit na sigaw ni Ina dahilan para mapairap na lang ako.

"Tsk! Sino bang may sabi na dun mo ako i-pair?"

"Wala lang, gwapo eh," sagot naman niya.

"WHAT?!" ako naman ang galit na sumigaw. Tangkang susugudin ko na si Ina ng pigilan kami ni Mira.

"Sandali! Sandali! Ano ba kayo?! Kung makapagsigawan kayo, para bang hindi kayo mag-ina ah! Aish! Please explain, wala akong maintindihan."

Tsk! Umupo na lang uli ako at nagsimulang i-kwento lahat ng nangyari sa akin this past month.

"ANO?! SINABIHAN AKO NG MGA ASONG YUN NA AMBISYOSA?!" galit na sigaw ni Ina. Nagdidilim na ang paningin niya kaya pinakalma muna siya ni Mira.

"I'll punish them! Hindi ko papalampasin ito!" galit na sabi uli niya.

"Ina, ako na okay? Baka matakot sila sa'yo," sabi ko na lang dahil baka magkaroon pa ng digmaan pa hinayaan ko siya.

"Kia, you're so strong," puri sa akin ni Mira. "Napakatatag mo para makayanan ang lahat ng yun. Naalala ko tuloy ang asawa ko. He chose someone over me before. I died because of that choice. He even ignored me multiple times. Madami din kaming pinagdaanan, pero sa huli kaming dalawa pa din. Kaya wag kang mawalang ng pag-asa okay? Everything will be alright," kwento niya. Ahh, yung Fire Prince ba ng Allaria? Ano ngang pangalan nun? Alexandro ba?

"Pero Mira Audrey, hindi pa ako handing bumalik. I need to fix myself para pag dumating ang oras na yun, handa na ako. Handa na uli akong harapin siya," saad ko kaya tumango na lang siya bilang pag-intindi.

"May alam akong lugar. Wanna go there?" nakangiting sambit niya kaya tumango na lang ako. Anywhere basta malayo sa kanya.

"Tsk! Mga spoiled na mga asong yun!" bulong ni Ina.

"Selene! Ano ka ba?! Hindi ka pa rin makamove on?" sigaw ni Mira.

"Hindi pa! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nalait ng ganito! Grr!" inis na sabi ni Ina kaya napatawa na lang kami ni Mira.

Pero natigil ang kasiyahan namin ng may nagbuhos ng tubig sa amin. Napapikit na lang kaming tatlo dahil sa lamig. "Bwahahaha!" rinig kong tawa ng apat na cute na nilalang.

"BLAKE!" sigaw ni Mira bago tumayo at hinabol ang apat na yun. Tumayo na rin kami ni Ina at nag-fist bump. Humanda sa akin yang mga pasaway na yan! Grrr!!

______Rhy428______

Selenia: The Emerald MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon