Chapter 19: Superman

4.7K 108 1
                                    

Karen's POV:

Sh*t na malagkit talaga!

Gusto ko ng maniwala sa MALAS. Paano ko tuturuan ang EX-BOYFRIEND KO? Eh nabubwisit nga ako dyan e. Argh.

Nung tinanong ako kanina ni Miss Mendoza kung bakit ayaw kong turuan yang si Luis, gusto kong isigaw na, "LIKE HELLO?! BAKIT BA FEELING MAJOR KA?! EH MINOR SUBJECT KA LANG NAMAN! TAPOS AKO PA ANG INUTUSAN MONG MAGTURO EH IKAW NAMAN ANG PROFESSOR". Yan ang sabi ng utak ko pero pinigilan ng bibig ko ilabas. Alam sa school na ito na heredera ako pero ayoko ng special treatments. I want to be an ordinary student at yun naman ang ginagawa nila towards me. Gagawin nila, gagawin ko din. Ganun. Pero di nila alam bout kay Luis at sa mga threats sa buhay ko.

"Get your books and open it in page 89." Utos nya.

Binuksan ko naman ang bag ko at hinanap ang libro pero wala. Alam ko dala ko yun eh. Hinanap ko ulit.

Wala talaga!

Malas talagaaaaaaa!

Natigil ang paghahanap ko ng biglang tinawag ang pangalan ko ni Ms. Mendoza.

"Miss Salvador? Is there any problem? Where's your book?" Tanong nya.

Asan ba yung lintek na librong yun? Susunugin ko yun pag nakita ko e.

"Ah.. Eh.." Utal utal na sabi ko.

Nagulat na lang ako nang biglang nagsigawan ang mga kaklase kong babae.

"Omaygoodness! He's hot!"- Classmate 1

"Handsome!"- CM2

Napatingin ako sa pinto ng classroom namin. Nakita ko si Keith. May dalang libro. Yung librong hinahanap ko.

"Ma'am, good day po. Pwede pong paki-excuse si Ms. Salvador? May ibibigay lang po ako sa kanya". Paalam nya sa prof.ko.

"Okay. 5mins.". Sabi ni Ma'am.

Tumayo ako para kunin yung book ko.

Bigla namang nagsigawan ang mga kaklase ko.

"AYIEEEEEH!"- Sila.

Inirapan ko lang sila.

"San mo ito nakuha?" Pabulong na tanong ko.

"Naiwan mo sa kotse kamamadali. Buti na lang si Superman ako". Pabulong na sagot nya sabay kindat.

May sira ata toh sa mata e.

"Whatever. Sige na. Alis na". Sabi ko.

May nakalimutan pa pala akong sabihin.

"Keith!" Tawag ko at lumingon naman sya.

"Thank you!" Nakangiting sabi ko saka bumalik na sa klase.

Superman este Keith saves the day.

Whew!

-

(A.N)
Thank you so much to all the readers of my story. Labyuall!❤❤❤
I will dedicate this chapter to MhiZpiNk12. ❤

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon