Chapter 9: My Little Revenge

6.2K 141 1
                                    

Karen's POV:

Paglabas ko ng room, napansin namin nila Agatha at Gail na nagkakagulo ang mga kababaihan sa lobby.

"AMPOGI NYA! SUPPEEEER!"- Girl1

"OO NGA EH. SANA DITO SYA NAG-AARAL!" Girl2

"KASO MUKHANG GRADUATE NA EH. PERO KAHIT NA. POGI PA DIN SYA". - Girl3

"Oooookkkkaaaay! What's going on?" Tanong ko.

"I don't know". Sagot ni Gail.

"Baka naman may university tour si Coco Martin or si Enrique Gil". Sabi ni Agatha.

"University tour? Imposible". Sagot ni Gail na umiiling.

"Alam nyo hindi natin malalaman kung sino yun hanggat hindi tayo pumupunta dun. Kaya tara. Tingnan natin kung sino yun". Pag-aya ni Agatha.

"Dito na lang ako. Baka dumating sila Mang Ben eh." Sabi ko.

"Sus. If we know, si Keith lang ang hinihintay mo". Sabi ni Gail.

"Ayan na naman kayo eh! Sige ganito na lang. Pumunta na kayo dun tapos hintayin ko kayo dito". Sabi ko. Lintik. Mapang-asar kasi eh!

"Okay! Tara na Gail!" Sabi ni Agatha sabay hugot sa braso ni Gail.

Sa wakas! Nawala na rin sila sa paningin ko. Puro asar lang ang makukuha ko sa mga yun pag narinig na nila ang pangalan ni Keith sa bibig ko.

Pero bakit ba kasi ako naiinis pag inaasar ako kay Keith eh wala namang ginagawang masama sa akin yung tao. Siguro nga kelangan ko na maging mabait kay Keith.

*AFTER 30 MINS.

"Kaaaaaaaaarrrrrrr!" Tawag nila Gail sa akin habang patakbo sa pwesto ko.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Oh my God! You won't believe this!" Sabi ni Agatha habang kinikilig.

"Bakit? Ano yun?" Tanong ko ulit.

"Okay. Yung lalaking pinagkalaguluhan nila.." Sabi ni Gail.

Bwisit pabitin effect pa!

"Ay si.."- Gail.

"Keith!"- silang dalawa.

Ah. Si Keith lang pala eh. Sus.

Wait.

Sino daw?

Si Keith?!

"ANO?!" Sigaw ko.

Agad akong tumakbo papunta sa lobby. At iyon nga ang nadatnan ko. Pinagkakaguluhan nga siya ng mga babae. At tuwang tuwa siya. Nakakairita. Kaya pala wala pa siya dahil andito sya sa lobby at nag eenjoy. At dahil dyan tuturuan kita ng leksyon.

"Kar, ano na? Hindi mo ba sya tatawagin para makauwi na tayo". Sabi ni Gail. Aba't nakasunod pala ang dalawang bruha.

"Uuwi na tayo. Tara na!" Pagyaya ko.

"Pero pano si Pogi? I mean si Keith?" Tanong ni Gail.

"Malaki na sya. Makakauwi na sya mag-isa". Sabi ko sabay gumuhit ang mga ngiti sa labi ko.

"Dont tell us na iiwan mo sya?" Sabi ni Agatha .

"Personal body guard ko siya. Pero nakita nyo ang ginawa nya. Let's just say it's my little revenge. Let's go!".

Tingnan natin kung hindi ka pa magtanda. Mwahahaha!

-

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon