Chapter 25: Checklist

4.5K 84 1
                                    

Author's Note:

Hello guys. Just wanna inform you na ipa-fast track ko na yung ibang chapters. Dahil baka abutin tayo ng ilang dekada. Haha! That's all!
Happy reading! Godbless!
-

Karen's POV:

In one month, magbibirthday na ako at wala pang nagagawa kahit ano. Kaya kikilos na ako. Ayokong kumukuha ng event organizer dahil baka di masunod ang gusto ko. Ako mismo ang gumagawa ng plans for my birthday. Ganun ako.Para may guide ako, I have my checklist.

1.) Dress/Gowns

2.) Shoes

3.) Jewelries

4.) Invitations

5.) Give a ways

6.) Technical

7.) Place

8.) Theme

9.) Foods

10.) Make-ups

Yan pa lang ang nasusulat ko sa checklist ko. Parang magdedebut lang noh? Well, Im turning to 19. Gaya nga ng sabi ni Dad, "We are Salvadors". F*ck that!

At para masimulan na, uunahin ko muna ang isusuot ko. Andito kami ngayon ni Keith sa isang gown boutique. Friend ko kasi owner nito. Siya ang nagdedesign ng mga gowns na ginagamit ko.

"Kaaaaareeen!" Masiglang bati nya.

"Hi Martinaaaa!" Hug sabay beso-beso. She's not a girl and not a guy as well. Get my point?:)

"Kamusta ka na?" Nakangiting tanong nya.

"Okay naman ako." Sagot ko.

Okay? Okay ba yung nasa bingit ng kamatayan ang buhay? Baliw ka rin Karen eh noh.

Kung magtatanong kayo kung may mga threats na pinapadala sa akin, well, yes. Marami. Kadalasan, pictures ko. Ewan ko ba. Photographer ata yung killer eh.

"Anyway, sino naman ang boylet na iyan?" Sabay haba ng nguso nya pointing to Keith.

"Body guard ko." Tipid na sagot ko.

"In fairness ha. Iba ka pumili ng Body guard mo. Parang si prince charming". Sabay kinilig.

Sows! Prince charming? Emegerd. I can't take it.

"Hindi ako ang pumili nyan. Si Daddy ang nag-hire sa kanya". Sabi ko.

"Gusto mo din naman. Halika na. Susukatan na kita ng gown". Sabi nya.

Gusto ko? Well, oo kase effective syang bodyguard pero its a big NO dahil nuknukan ng kayabangan yan sa katawan.

So yun. Sukat sukat. Tapos ipinasukatan ko na din ng si Keith ng Tuxedo. Libre daw sabi ni Martina eh. Haha! Pag sa lalake talaga.

Bale apat yung pinagawa ko. Dalawang gowns, at dalawang dress. Color red and color black yung gowns ko. Then color peach naman and color yellow ang dresses ko. Maputi naman ako kaya keri lang.

Lalagyan ang gowns ng konting pearls and diamonds. Mga 7pm na nang makarating kami ng bahay. Di na ako nakipagdaldalan kay Keith. Naubos laway ko kakakwento kay Martina e. Haha.

Isa pa lang ang natatapos ko. Hay! Nakakapagod!

Makatulog na nga!

-

Her Personal Body GuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon