Karen's POV:
"Dad! Why him? I mean bakit sa dinadami naman ng pwedeng i-hire eh sya pa?" Turo ko sa kanya.
"Teka lang Miss, I mean Ma'am. Daddy mo po ang nagdesisyon na maging personal body guard mo dahil nanganganib ang buhay nyo ng daddy mo. Pero imbes na magpasalamat ka ay reklamo ka ng reklamo dyan" paglilitanya niya. Aba! Nangaral pa talaga sya ah. Bwisit. Feeling masyado.
"Magpasalamat? Na ano? Na ikaw ang naging personal body guard ko? Hanep." Sabay irap.
"Tumigil na kayong dalawa!" Awat ni Dad.
"Kaya ko sya kinuha bilang personal body guard mo dahil sa dalawang dahilan". Seryosong sabi nya.
"Una, dahil nanganganib ang buhay natin pareho. Since meron naman akong personal body guard, ikaw ang inintindi ko. Pangalawa, niligtas nya ang buhay ko." Paglilitanya ni Daddy.
"What? How?" Tanong ko.
"Kanina sa parking lot ng venue kung saan kami nagmeet ng isang investor, may nanutok sa akin ng baril." Pagkukwento ni Dad.
"Hindi rin nakapalag si Francis dahil may nakatutok din sa kanyang baril." Dugtong nya.
So that's the reasons.
"Buti na lang at napadaan si Keith sa parking lot area dahil kung hindi, malamang malamig na bangkay na kami". Seryosong sabi ni Dad.
"Your Personal Body Guard is too weak dad. Ni hindi ka nya naprotektahan. I will fired him.
Tapos si Mr...."
Ano ba ulit pangalan nung mongoloid na toh?
"Tapos si Mr. David ang papalit sa kanya bilang PBG ko? Ayun ba ang gusto mong iparating?" Tanong ni Dad.
Oh Dad! Such a genius one.
"Definitely YES!" sagot ko at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko na umaasa na pumayag ang tatay ko.
Nag-isip sya at ang sagot nya ay..
"Hindi ako makapapayag sa gusto mo hija".
Whuuuuut??????
"But why?" Tanong ko.
"Dahil sya ang gusto ko para sayo." Sagot ni Dad.
"Ano?!" Gulat na tanong ko.
Gusto ni Dad para sa akin? Yang lalakeng yan ang gusto ni Dad para sa akin? Oh c'mon mamon!
"I think you better assess Mr. David para sa mga gusto mong ipagawa sa kanya as your personal body guard. Both of you may now leave my office" utos ni Dad.
Oh my God. Doomsdaaaaay!
Agad akong lumabas ng office ni Dad at pumasok ng kwarto ko.
Huminga ako ng malalim. Nag-isip. Alam ko naman na daddy is thinking about my security pero hindi ko naman talaga kelangan ng body guard or whatever lalo na kung katulad ng sira-ulong antipatikong lalaking yun.
*TOK-TOK"Yaya, mamaya na po kayo mangulit." Sabi ko assuming that my nanny is knocking at my door.
*TOK-TOK"Ya, ano ba? Mamaya na sabi eh." Sabi ko ulit.
*TOK-TOKNakakainis naman si Yaya. Di makaintindi. Binuksan ko ang pinto.
"At anong ginagawa mo dito?" Sarkastikong tanong ko.
Di pala si Yaya ang kumakatok. Kundi ang bagong salta sa buhay ko. Grrr!
"Kinakausap ka." Tipid na sagot nya.
"Pilosopo Tasyo!" Sigaw ko at binagsakan ko ng pinto.
Kung tarantado ka, mas tarantado ako. Bwisit!
Humiga ako. Itutulog ko na lang ito. Baka isang malaking bangungot lang ang lahat.
-
BINABASA MO ANG
Her Personal Body Guard
ActionKaren Gertrude H. Salvador, is the heiress of her clan. Maganda, matalino at mayaman. Her family is one of the most powerful when it comes to financial and real state business. She get what she wants and what she needs. Maraming naiinggit sa pamilya...