Chapter 2

3 1 0
                                        

Chapter 2: Amory's Pool Party

Diretso akong naglakad papasok ng library at kinuha ang pinakamalapit na librong nakita ko sabay tungo sa likod na bahagi. Sinilip ko pa ang librarian kung nakatingin, napangiti ako nang makitang may pinagtutuunan siya ng pansin.

Hinarang ko muna ang libro sa mukha ko at nagbukas ng messenger. Pinindot ko ang pangalan ni Ingrid na may berdeng bilog sa tabi ng profile picture niya at nagtipa ng mensahe.

Calliope Thyleen Fuego: Kung mag-oonline ka lang edi sana hindi ka na lang pumasok.

I grinned when I saw she had seen it already. Kita mo, hindi talaga nakikinig sa professor.

Ingrid Sayson: Atleast ako nakapag-attendance, may grade. Ikaw naku, magpakita ka naman sa prof natin!

Calliope Thyleen Fuego: Next time. Saka late na ako ng one hour. Anyway, there's a party sa Cavite. Tara.

Ilang minuto ko nang nasend iyon pero hindi pa rin nagrereply ang gaga. Siya nalang ang hinihintay namin na um-oo eh. Itong si Kylie at Yra, pumayag agad kahit sinabi kong sa Pampanga. Ang layo pa naman ng Tarlac sa Pampanga.

Nakita kong malapit na ang second subject ko kaya tumayo na ako pero sa kamalasang palad ay nasagi ko ang librong dinala ko. Napapikit dahil ang lakas ng ingay na ginawa nito, pinulot ko agad ang libro at tahimik na sanang aalis.

"Where do you think you are going, Fuego?" Mahina ngunit striktong sabi nito.

I bit my lower lip at napadasal sa lahat ng santo na kilala ko hindi para patawarin ako ng librarian na 'to pero para walang humarang sa akin. Nanliit ang mata ko at mukhang wala naman akong makakasalubong.

"I..." Mahinang bulong ko, nagpipigil na matawa.

"What?"

"I... should run!" Sigaw ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

Naririnig ko na lang na sinisigaw niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingin. Who cares about her? May klase pa akong pupuntahan, at party na dadaluhan.

Hingal na hingal ako nang makarating sa room number ko. Napasandal ako sa pader habang hinahabol ang hininga.

"What the hell, Calli?! Bakit para kang hinabol ng kabayo?" Si Kylie na biglang sumulpot sa gilid. Napalabas din bigla si Yra at Ingrid.

"Pwede, kung kabayo 'yung librarian." Natatawang sabi ko at pumasok na ng room.

Buong oras ay pabalik balik lang ang tingin ko sa relo at nang tumunog na ang bell, senyales na tapos na naman ang klase ay ako ang naunang tumayo at lumabas.

"Wait, Calli! Atat ka?!" Sigaw ni Kylie na halos malaglag ang tatlong librong hawak sa kamamadali.

Kinuha naman nung dalawa, Ingrid at Yra ang tig-isa para hindi na mahirapan si Ky. She's the youngest among us but she's the most responsible. Siya ang kinakapitan naming tatlo kapag wala kaming assignments or nakalimutan namin ang ilang activities. Hindi siya nagagalit pero nililimitahan na namin 'yon dahil naghihirap siyang gawin 'yon, it's unfair to get the same grade without trying.

Nasa kotse na kami ni Yra after some walking. Ang start ng party ay seven o'clock at halos alas singko na. Kailangan pa naming mag-drop by sa kaniya-kaniyang bahay para kumuha ng pamalit saka kami babyahe papuntang party. The birthday celebrant is a 17-year-old spoiled brat, well how do I know? Kasama ko kasi siya sa mga photo shoot dati noong bata pa kami, though I'm just a year older.

Stuck Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon