Chapter 3

7 2 0
                                        

Chapter 3: Cooking Organization

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para makaiwas na rin sa sermon na matatanggap ko. Akala ko naman kasi ay tulog na silang lahat. It's past 2 o'clock when I got home. Dahan dahan pa nga ako sa paglalakad pero nahuli pa rin ako ni ate Chin, buti na lang nga at hindi si ate Tesiah kung hindi naku, pati parents ko gigisingin pa nun.

That's why I decided to go here early.

"Ang aga natin, Calli ah." Pansin ng isa kong kaklaseng lalaki.

"Pake mo?" Sagot ko na lang. Feeling close kasi.

Dahil maaga pa, naglakad lakad muna ako sa hallway. Ayoko rin mag-isa dahil naiisip ko lang 'yong nangyari katabi. I keep on brushing the thought off on my mind but it keeps on bugging me every single time.

Napairap ako at sinipa ang maliit na bato sa harap ko sa sobrang inis.

"Aray!"

Nagulat ako at napatingin sa gilid, may tinamaan pa nga. I gasped when I saw the guy.

"Shit." Bulong ko.

Agad akong naglakad palayo at mabilis na tumakbo pabalik ng classroom. Seriously?! Sa lahat ba naman ng makikita ko ay 'yong Dela Paz pa na 'yon? Bwisit.

Mabuti na lang at nagstart na ang klase pagkarating ko. Nakinig na lang ako, so not me, para lamang maalis ang isip ko sa nangyari kagabi.

Its lunch time, agad kaming nakakuha ng spot sa cafeteria. Si Kylie ang umorder dahil toka niya ngayong araw pumila. Ako, ito hindi pa rin maalis sa isip 'yong nangyari. I know it's just nothing, but I don't want a random guy to kissed me without permission. I mean, hindi sa papayagan ko siya kahit magpaalam siya pero mahalaga kasi sa akin ang mga ganoong bagay. Mom taught us to gave our intimacy only to people we knew. And I don't know him personally! Nakakainis lang, para ko tuloy pinayagan 'yong sarili kong mahawakan lang ng basta basta!

"Kumain ka, Calli. Mukha kang pinagalitan at hindi nakakakain sa inyo."

Napaangat ako ng tingin at narealize kong nakatingin silang tatlo. I fake my smile then started to eat.

They're in the middle of conversation when Yra bring out her phone then show us a picture. Hindi ko pa gaanong makita pero nang iharap niya sa akin, it is Dela Paz.

"Do you know him? Nakita ko siya kanina sa field, wala lang. I just... found him cute," Nakangiting sabi niya at tinago ulit ang phone.

"Naku, sabihin mo you like him. Type mo, ano?" Si Ingrid na kinukulit siya.

"Gusto mo ba huntingin natin mamaya? After class, ano?" Singit ni Kylie at medyo kinikiliti pa si Yra.

"Stop it, Ky! Okay, okay! He's my type. But, no. Siguro next time na lang. Crush lang naman, hahanapin agad?"

Doon na natapos ang usapan dahil nagchange topic na sila. Nakisama na rin ako dahil tungkol sa pagluluto iyon. Speaking of, kailangan ko nga palang pumunta sa organization namin para mag-sign in ulit as member.

Tatlong taon na akong member ng Cooking Organization dito sa university. Mula high school ay sumali na ako at nae-enjoy ko naman siya. Sa aming apat ay ako lang ang may consistent org, sila kasi ay papalit palit dahil hindi raw nila trip ang napapasukan nila.

Cooking is my comfort zone. Ito lang 'yong bagay na nagagawa ko na hindi pinigilan ng parents ko. My course was chosen by them. Alam ko naman na dapat umangal ako kung hindi ko gusto pero wala na rin akong nagawa, hindi naman kasi ako magaling sa academics. Ayoko namang mag-try ng bagay na alam kong hindi ko matatapos, kaya pumayag na lang ako.  But it doesn't mean that I am not happy cause I am. Ingrid and I met Kylie and Yra that somehow make me comfortable on my chosen course.

Stuck Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon