Kalabog mula sa kanyang pintuan ang nakagising sa mahimbing na pagkakatulog ni Calliope. Dahil sa puyat ay nagtalukbong siya ng kumot at nagpatong ng unan sa tainga upang hindi marinig ang hindi tumitigil na katok.
"Stop it, Courtney! Natutulog pa ako!" Iritableng sigaw niya na tila alam niya kung sino sa kaniyang mga kapatid ang gusto na naman siyang buwisitin.
Maya-maya, ang ingay ay nawala at nagsisimula na namang hatakin ng kaniyang panaginip ang dalaga pero nakarinig siya nang pagbukas ng pinto at heels na mariing tumatama sa tiles ng kaniyang kwarto. Ang kanina'y nakatalukbong na kumot at unan sa kaniyang mukha ay lumipad at lumapag sa sahig. Inis siyang naupo sa kama at tiningnan ng masama si Courtney, ang bunso niyang kapatid na tinaas ang kurtina upang makapasok ang liwanag sa kwarto.
"Huwag mong pagbuntungan ng inis mo si Courtney, Calli. You should be thankful," Boses ng malumanay niyang nakatatandang kapatid ang narinig, tumingin siya sa kanan at nakitang si Chin ito.
"Why would I be thankful, huh?" Masungit na sagot niya at hihiga sana ulit nang maramdaman niyang may humatak sa paa niya paalis ng kama, hindi siya nakapalag at tuluyang nalaglag sa sahig. "Ano ba, Tesiah! Umagang-umaga! Please, leave me alone! May hangover pa ako!" Nakita niyang ang isa pa niya itong nakatatandang kapatid na si Tesiah.
"Sige, sagutin mo pa si Chin ng ganiyan, gagawin kong clown mamaya 'yang pagmumukha mo."
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Calliope ng mapagtanto kung anong araw ngayon, agad siyang tumayo at dumiretso sa banyo upang maligo.
"You owe me one, ate Calli!" Rinig niyang sigaw ni Courtney pero agad na siyang naligo.
-
Nakailang pitik na si Tesiah sa kamay ni Calliope dahil panay ang hawi at hawak nito sa kaniyang mukha habang inaayusan niya ito. Kita na rin ang pamumula rito dahil sa lakas ng pagkakapitik. Akmang hahawakan sana nito ang ilong pero pinalo na niya ito.
"Do you want me to cut your arms in halves and sew it back together later?" Inis na saad ng ate niya.
Napairap si Calliope saka sumagot, "Ang tagal mo naman kasing ayusan ako! Naiirita na ako!"
Magsasagutan pa sana ang dalawa ng pumasok si Chin bitbit ang susuoting dress ni Calliope. Gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga at agad nang isinuot ang mamahaling damit.
"You look gorgeous, Calli," sambit ni Chin. Samantalang sinimangutan naman siya ni Tesiah at si Courtney ay abala sa pagkuha ng litrato sa kaniyang ate Calliope.
Dumating na ang sundo niya. Itim na limousine ang maghahatid sa kaniya sa event. May kasunod siyang personal body guards na bilin ng kaniyang mga magulang tuwing dadalo sa engrandeng handaan. Hindi maalis ang kaba sa kaniyang sistema ngunit hindi naman maikakaila ang saya at sabik na nararamdaman niya. Mula noong naliligo hanggang binibihisan at kahit kumain ay pasimple siyang ngumingiti dahil sa mga iniisip. Ngayon naman ay nararamdaman niyang para siyang inuugoy sa duyan at dadalhin siya sa langit.
Huminto ang sasakyan, ibig sabihin ay nandito na sila at malapit na ang hinihintay niya. Inalalayan siya ng butler na bumaba. Sa oras na iyon, parang tumigil ang kaniyang mundo sa nakita. Isang engrandeng bahay na napapaligiran ng mamahaling mga sasakyan. Mga matataas na tao sa lugar, respetado at kilala ang nahahanap ng mata niya kada libot nito. Ang mga wine na hinahatid sa bawat mesa na tila ang likido ay katumbas ng isang diyamante sa ganda ng kulay.
I'll taste that wine tonight, after I finally meet them.
Them.
Gumapang na naman ang kaba sa kaniyang dibdib maisip pa lang niya ang mga ito. Pero isa pang ang nasa utak niya ngayon, kaya siya naghanda ng lubos at naglaan ng oras para rito.
I need to make them like me.
Huminga siya ng malalim, nagsimula siyang maglakad papunta sa harap dahil tila magroong inaanunsyo ang host. Masyadong malalakas ang pag-uusap ng bawat isa, hindi niya marinig ang sinasabi nito. Habang tinatahak ang daan papunta sa gitna, inililibot niya ang tingin, nagbabakasali na makita ang isang tao.
"-and Franco! Congratulations!"
Franco?
Agad napako sa harap ang tingin ni Calliope. Hindi siya magaling sa eskwelahan pero marunong naman siyang magbasa, pero parang gusto na lang niyang maging bulag upang hindi makita ang nangyayari. Humakbang siya patalikod. Nagbabadya na ang mga luhang bumuhos sa mga mata niya.
No, I won't let him pity me.
Nagsisimula na rin mamuo ang galit sa loob niya ngunit tanga siguro siya, dahil noong oras na magtama ang mga mata nila, natunaw na agad ang nagsisimulang hinanakit niya.
Franco...
Umiwas ng tingin si Franco na para bang hindi siya nito nakita. Naramdaman niya ang kirot sa dibdib at pagdaloy ng luha sa kaniyang mga pisngi. Umatras siya, nagbabakasaling makaalis ng payapa. Tumalikod siya ngunit sinalubong siya ng waiter na may hawak na mga mamahaling nakalalasing na inumin. Kaawa awa, pakiramdam ni Calliope ay para siyang batang itinulak sa putik. Natahimik ang lahat at tiningnan siya. Walang naglakas loob na tulungan siya, kahit pa ang mahal niya.
I stand up, ignoring everyone's pity stares and judgemental grins. I managed to get here gorgeous, I will still even I feel like a trash. I catch a waitress looking at me intently. She was holding an alcohol, it's bloody mary. Kinuha ko ayun sa kaniya at humarap sa lahat. I gesture a toast, then drink it up. Then I leave, making their heads turn to mine.
-
xx.gayle

BINABASA MO ANG
Stuck Once Again
RomansaI stand up, ignoring everyone's pity stares and judgemental grins. I managed to get here gorgeous, I will still even I feel like a trash. I catch a waitress looking at me intently. She was holding an alcohol, it's bloody mary. Kinuha ko ayun sa kani...