Chapter 4: Membership Acceptance
The moment Sir Eroll discussed the way on how to join our org, I sense that half of them is hesitant and uncertain if they should push joining us.
"Malinaw na ba ang lahat? Kung oo, sa lahat ng mga interesado pa ay pumunta sa harap."
Five. Seven. Eleven. Sixteen. Wala na ulit ang nag-step forward para sumama. Nagtinginan pa ang iba na tila nag-uusap sila sa utak nila.
"Is that all?" Tanong ko.
Wala naman ng sumagot kaya pinalabas na ang iba. Dinala na namin sila sa main cookery room kung saan nandoon ang lahat ng kailangan na ingredients at raw foods. Sinet up na rin namin ang limang mahahabang mesa kung saan sila pupwesto. Pero bago ulit magsalita si Sir ay tinaasan ko ng kilay si Dela Paz na kasama namin. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumama sa iba.
Yes, he accepted my challenge. Wala naman nagawa si Sir dahil hindi ako titigil kakakulit sa kanila kung hindi niya ako papayagan sa gusto ko. I just want him to prove himself to us.
"You have fifteen minutes to pick your ingredients and whatsoever, then we will start the cooking show. Reminder, no raw material shall not be use once you put it on your table."
"Timer starts now."
Agad silang kumuha ng mini baskets at dumampot ng mga kailangan nila.
Our cookery room is complete on everything about foods and cooking. Mula sa gamit at sangkap ay mayroon kami dahil isa kami sa binibigyan ng budget ng school. Mataas kasi ang reputasyon ng COSCU dito sa university dahil sa pag-uuwi ng mga pioneers ng maraming awards.
Napatigil ako sa pag-iisip nang isa-isa ng umalis sa pwesto ang mga kasamahan ko dahil nag-iinstruct na si Sir ng aming pwesto.
"Calli, sa dulong kaliwa ka magbantay." Sabi nito.
Agad akong sumunod at pumwesto sa gilid. Ganito lagi ang ginagawa namin upang makita namin kung wala bang kodiko ang gustong sumali. Bawal kasi iyon sa membership acceptance.
Tumingin ako sa timer na nakapatong sa table sa harap. Ten minutes left na lang. Inobserbahan ko sila at ang iba ay halatang kinakabahan sa pagpili ng ingredients. May mga nagbabalik ng patatas at carrots, mayroon namang kukuhanin ulit. Sa paglilibot ko ng mata ay isang tao ang relax na relax at feeling yata niya ay nasa supermarket siya.
I crossed my arms and rolled my eyes. Nakakainis siya. Ang yabang naman, porket nakapag-compete na sa ibang bansa.
"Grabe, kung isa kang putahe baka mapakla lasa mo dahil sa hitsura mo."
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi na ako nagsalita at buti naman ay hindi na niya hinintay na sungitan ko pa siya. Dumiretso siya sa pinakamalapit na table at inayos ang lahat ng kinuha niya. Nakita kong kukuhanin na n'ya ang kutsilyo para siguro magsimula na kaya't pinigilan ko siya.
"Stay still Dela Paz, hindi pa tapos ang iba."
Sumunod naman siya at nginitian ako. Like it's a mandatory thing, I rolled my eyes on him and heard him chuckled.
-
The smell of different aroma roam inside the entire room. Upon looking on their dishes, I somehow got fascinated on their ideas. May vegetable dishes, fish, meat and soup na luto kaya mukhang mabubusog kami nito sa pagtikim.
Napatingin ako kay Dela Paz. Fish ang iluluto niya pero walang kawali sa harap niya. Ano naman kayang luto ang gagawin nitong mayabang na ito?
Tumigil siya sa paghihiwa ng sibuyas at gumuhit ang ngiti sa labi saka siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
Stuck Once Again
RomanceI stand up, ignoring everyone's pity stares and judgemental grins. I managed to get here gorgeous, I will still even I feel like a trash. I catch a waitress looking at me intently. She was holding an alcohol, it's bloody mary. Kinuha ko ayun sa kani...
