Chapter 1

4 0 0
                                    

"P*steng Paper works na yan nakakastress tinutubuan na ako ng tigyawat huhu" anang nagmamaktol na si Carly. Sa itsura niya ngayon para siyang babaeng amazonang ilang segundo ay pwede nang manakit

"Relax kalang, hindi naman ganun kahirap lahat yan marami lang talga kaya medyo nakakatamad" wika naman ng kapatid kong tahimik all the time pero pag kaming tatlo lang naman ang magkakasama e masyadong maingay

Ngayon ay nasa tapat kami ng La salle kung saan kami nag-aaral na tatlo nila Carly at Raycee. Mag tatatlong taon na kami sa Kolehiyo at malapit na ang Awarding namin kaya todo ang mga dapat tapusin at ipasa bago matapos ang deadline

Mag tatatlong taon nang patay sila Mama at Papa kaya natutunan din naming tanggapin ang nangyari sa kanila.At sa mahigit dalawang taon na wala ang mga magulang namin nasanay na din kaming mabuhay ng magkasama ni Raycee.

Pinagpapatuloy padin namin ang buhay at si Ninang Sally muna ang bahala sa naiwang negosyo nila Mama at Papa habang hindi pa kami tapos sa pag-aaral ni Raycee, wala akong balak manahin yon si Raycee na ang bahala doon ang gusto ko ay maging isang ganap na Dentista hehe, walang pakealamanan dati noong bata ako hinihintay ko palagi ang tooth fairy na kunin ang natanggal kong ngipin na nakaipit sa ilalim ng unan ko tuwing gabi. Kaso imbes na fairy ang makita ko, si Papa kinuha ang ngpin ko tapos nag iiwan siya ng limang piso kapalit, mula noon hindi na ako naniwala kaya tinatago ko nalang ngipin ko sa isang lalagyan

Isang linggo nalang din pala at mag bebente anyos na ako. Nagsisimula na akong mag Adult, tumatanda na ako pero wala padin nagiging jowa. Grabe naman ang tadhana ang ganda-ganda kong nilalang tapos wala manlang nanliligaw sa akin kahit isa? Well kung sabagay taong bahay ako, ang labas ko lang ay eskwelahan hehehehehe

"Hoy Kaycee!" Nakakarinding sigaw ng kaibigan kong bungangera. Carly niyo haggard na hehe

"Ano ba? Bat ka ba sumisigaw basag trip ka eii" asar kong wika sa kanya, may tumalsik pang laway niya sa akin nung sumigaw siya

"Lalim ng imagination mo ahh. Sino iniimagine mo? Si Daniel Padilla, tapos isasayaw ka niya ng mabagal? Ang tayog ng pangarap mo teh" Wika pa niya na may pa hampas pa sa braso ko teh

"Grabe ka naman" sagot ko at tinignan ang braso ko dahil baka may pasa, ang gaspang pa naman ng kamay ng babaeng to

"Hoy kayong dalawa wag kayo maingay nakakahiya kayong kasama" Wika naman ng kapatid kong reading is life,pano hanggang dito sa labas nagbabasa pa din ng libro, hindi ko alam kung anong libro yun o baka nag rereview dahil malapit na din pala ang Final Exam ng Second Year

"Eto kasing kapatid mo kanina ko pa tinatawag at kanina pa din tulala. Ganyan ka kadepress sa mga tambak mong gawain sa school? Nababaliw ka na?Hay kawawa ka naman, akala ko pa naman ikaw ang magdodoctor, pero mukhang mas kailangan mo magpa-check up sa doctor" nanunuya na dagdag niya pa

"Luh, grabe sya, hindi pa pwede may iniisip lang?" Wika ko naman

"Ayan na ang sundo natin" wika ng kapatid ko. Napalingon ako at oo nga nandyan na nga ang sundo namin, kaya pinauna ko na silang sumakay.Bago ako sumakay ay napalingon ako sa malayo, may misteryosong babae ako nakita sa malayo. Hindi ko makita ang mukha niya, pero ipinagwalang bahala ko nalang at sumakay sa kotse

Nang makauwi ay umakyat ako sa kuwarto ko humilata ako sa kama kong malambot, pagod na pagod ako at ang sakit ng ulo ko, ang init sa labas tapos tambak ang mga gawain ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, mamaya na ako gagawa ng paperworks matutulog muna ako

Nagising ako at madilim na ang paligid, liwanag na buwan na lang ang nakikita ko liwanag mula sa bintana ko

Nagkusot ako ng mata ko at dinampot ang cellphone ko na nakalagay sa lamp table sa tabi ko. 12:00 ng madaling araw na, hindi na ako nakagawa ng paper works pero siguro bukas nalang ako gagawa

141 Years Away From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon